Kabanata 3

5 1 0
                                    

*kriiiing!!! Kriiiing!!!*

Nagising ako sa alarm clock ko na sobrang ingay. Malamang, eh alarm clock nga e. Hahaha! Pero, I wonder kung sino talaga yung nagtext sa 'kin na unknown number kagabi. Psshh! Makakain na nga. Baka malate pa ko e.

Pagbaba ko ay binati ko si mama ng "goodmorning!" tapos pinaghain niya na ako. Kasabay kong kumain ang aso kong si Squishy. Syempre dun siya sa lapag. Shih tzu siya. Matapos ko kumain ay naligo na ko. Nandun lang ako sa kwarto ko, nagpapatuyo ng buhok. Ayoko kasing umalis ng bahay na basa ang buhok ko dahil nakakairita. Grrr!

Bigla akong kinatok ni mama. "Paulaaa!!!" nakakagulat dahil 'di niya naman ako kinakatok ng ganyan unless importante talaga. Sumagot naman ako. "bakit po?" sabay bukas ng pinto. "may bisita ka." nagtaka naman ako kung sino. Eh sa pagkakaalam ko wala naman akong kasabay ngayon pumasok sa school. Tapos pagsilip ko sa baba ay nakita ko siya. Si Paolo. Jusko naman! Buti na lang nakarobe ako. Eh nakasando lang ako e. Bigla bigla kasing pumunta ng walang pasabi e. Kainis ang aga aga!!!

"Sabay tayo, Pau." ang kapal naman netong asungot na 'to na tawagin akong Pau. eh di naman kami close, pwe.

"Ano pa bang magagawa ko, eh nandito ka na?" sagot ko naman sa kanya tapos bigla siyang natawa. Bigla namang sumabat si mama.

"Kumain ka na ba, hijo?"

"Hindi pa po. Binilisan ko po kasi para 'di ako ma-late sa pagsundo ko kay Paula." sagot naman ni Paolo. Eh di ko naman siya inobliga na sunduin ako e. Tse!

Pinakain naman siya ni mama. Baka daw kasi di siya makapag-isip ng maayos sa school dahil walang laman ang tiyan niya. Pasalamat siya mabait ang mama ko.

Umakyat naman ako agad para makatapos na ng pagaayos. Nakabihis na ko ng P.E uniform kasi Friday ngayon. Sapatos na lang ang kulang. Biglang may kumatok sa pinto at diretso pasok.

Si Paolo. Mabuti na lang at nakabihis na ko. This guy is really getting into my nerves!!! Argh!

"At sino nagsabe sa'yo na pumasok ka bigla?!" sigaw ko sa kanya. Wait, ngayon ko lang naalala na nakamedyas lang nga pala ako. At nadulas, wait! Nadulas nga ako!!!

Sinalo ako ni Paolo. At napatingin kami sa mata ng isa't-isa. *silence* Nakakadalawa na ang asungot na 'to ah!

Medyo matagal din naka-ganun kaming posisyon. Hanggang sa pumasok si Kuya Bryan. Tsaka pa kami natauhan.

"At anong nangyayare dito?!" singhal ng kuya ko.

"Kuya, it's not what you think. Nadulas ako kasi nakamedyas lang ako pero buti nasalo niya ako." tapos tumingin ako kay Paolo na nakayuko.

"Teka nga, Paula. Sino ba kasi 'to?"

"Uhm... Kuya, si Paolo. Paolo, si Kuya. Kuya, siya yung naghatid sa 'kin kagabi kasi 'di ako sinundo ng boyfriend ko."

"Ano? May boyfriend ka? Wala naman 'di ba!" Bulalas ni Kuya. Teka binubuking niya ako kay Paolo!

"Uhmm kuya, remember Daniel? Yung dinala ko dito?" sabay kapit sa braso niya with matching nanlalaki yung mata.

"Ah oo. Makakalimutin ako alam mo naman e. Oh anong oras na oh. Pumasok na kayo. Lalabas na ko ha. Hoy Paolo! Ingatan mo yang kapatid ko ah!"

"Opo." tanging sagot ni Paolo.

Umupo na ko sa kama para magsapatos. Nagoffer si Paolo na siya na daw magsisintas. Feeling ko namumula ako. Wait, wag mo sabihing kinikilig ako? No! No I'm not!!!

Nakamotor pala 'tong mokong na 'to. Nagpaalam na kami kay mama na aalis na kami. Tinawag niyang "tita" ang mama ko. Kapal din ng mukha e.

Pinasuot niya sa 'kin yung helmet na color blue, habang red naman sa kanya. Tapos pinakapit niya ako sa bewang niya. Aba naman talaga!!!

Habang nasa byahe kami ay ganun lang. Eto ako, nakatingin sa side mirror at nakakapit sa bewang niya. Dahil ano bang magagawa ko? Kesa naman malaglag ako 'di ba.

Nakarating kami sa school ng maayos. Nung lunch break ay nilibre niya ako ng food. Tapos hinatid niya ako sa room ko nung 12pm dahil magkatabi lang kami ng room.

Niyaya niya akong mag 7/11 sa Valencia. Malapit sa school. Nag-ice cream kami. Treat niya.

"Uhm Paolo, thank you nga pala ha. Sa pagsundo mo sakin, paglibre ng lunch pati ngayon dito sa ice cream." sabi ko sa kanya. Pero di ako makatingin sa mga mata niya. Grrr!

"No worries. Basta if you need anything, just tell me. Okay?" tapos tinapik niya ako sa likod.

Hinatid niya na ko sa bahay. Hays. Pero ang sarap pala sa feeling ng ganito, 'no?

To be continued...

I Broke My Own HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon