Kabanata 2

10 1 0
                                    

*Slowmo*
Nagulat ako ng umupo siya sa harap ko. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan? Baka! Nahihiya? Oo.

"Hi miss!" Bigla niyang in-offer sa 'kin ang kamay niya. Inabot ko naman ang kamay ko at nakipag-shake hands, "Hello po!". "Uhmm... I'm Paolo" pakilala niya. "Ako naman si Paula." pakilala ko naman sa kanya. Sheeeeeeemmmaaay! Ang lambot ng kamay niya. Tsaka pwede na yung face hahaha!

"Thank you nga pala kanina ah!" Napangiti naman siya at nakita kong lumabas yung dimple niya sa kanang pisngi. Takate! Ang landooot ko na, ano ba Paula! "Walang anuman! Tsaka madali lang naman yung assignment mo eh! 'Di na nga kailangan ng scratch dun eh" at may humampas na malakas na hangin mula sa kanya. *slowmo ends*

So ano, sinasabi niya na bobo ako? Aba! Ang yabang naman pala nito! "Ahmm, may klase na pala ako, sige! Bye!" At lumabas na ako ng library. Naiinis talaga ako, ang yabang. Kala mo kung sinong matalino. Sayang yung mga compliments ko sa kanya.

Naglalakad ako papunta sa next class ko ng may isang tatanga-tangang umapak ng sintas ng sapatos ko at na-out of balance ako. Pero may sumalo sa akin. Si Paolo. Ang lapit ng mukha niya sa 'kin at ramdam ko ang alalay niya sa bewang ko. Bumalik na naman yung mabilis na pagtibok ng puso ko, ewan ko ba kung anong meron sa lalaking 'to at nagkaka-ganito ako kapag nandyan siya. Itinayo niya ako at napahawak sa dibdib niya. Ang bango niya.

Bigla kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko ng ma-realize ko na lahat ng nasa corridor ay nakatingin na sa 'min. "MANANANCHING!" Pinulot ko ang mga gamit ko, at humarurot papunta sa next class ko.

Kaso lang, naka-sunod pa rin si asungot. Kaya humarap ako sa kanya. "Hoy! 'di pa ba sapat yung panananching mo kanina? hah!" bulalas ko sa kanya. "Uhmm... excuse me, 'di kita sinusundan. Dito next class ko oh!" sabay turo sa room 301. "Pero atleast, alam ko na, na magkatabi pala tayo ng room tuwing 12 pm class." dugtong pa ni asungot. Tinarayan ko na lang siya, sabay pumasok, dahil 'di ko na alam kung paano i-handle ang ganitong awkward na scene.

Nagulat ako ng hinila niya ko at iniharap sa kanya,

"Sabay tayo uwi mamaya ah!"

"Ayoko!"

"Sige ka, bahala ka, ikaw rin baka may mananching pang iba sa'yo." Ay, oo nga pala, 7pm pala last subject ko. Takate.

"May boyfriend ako na magsusundo sa 'kin noh!" Kahit wala, basta umalis lang itong asungot na ito.

"Weh?"

"Oo nga!" Bakit? mukha naman akong may boyfriend ah!

"Oh sige!" At binitawan niya rin ang braso ko sabay pasok sa room niya. Ako rin pumasok na ko sa room namin, sakto at pagka-upo ko ay dumating na si Sir Samonte at nagsimula na ang klase.

...

Kakatapos lang ng Science namin at saktong ala-siete na. Naglalakad ako papunta sa gate kasama ang mga maiingay kong kaklase. "Oy! Oy! Oy!" ganyan talaga sila after class, kala mo nakawala sa zoo. Hahaha. Pero kahit maiingay ang mga yan, masaya sila kasama.

I Broke My Own HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon