Makalipas ang isang buwan mas lalo kong nakilala ang isang Paulo Cruz. Thankful ako kasi nandyan siya parati sa tabi ko sa oras na kailangan ko siya, walang palya. Always present tuwing umaga sa bahay namin para sunduin ako, kaso lang yung motorbike niya hindi, kasi minsan nasisira pero ayos lang 'yun kasi magkasabay naman kami sa jeep kung saan una kaming nagkita.
Hindi na ako gumagawa ng assignment sa jeep! Hahaha! Parati niya na kasi akong tinutulungan eh, ganun din naman ako sa kanya. Pero araw-araw kong napapansin talaga sa kanya, ay yung napaka-cute niyang camera na parati niyang kasama. Nakakainis lang e, ayaw niyang ipakita sa 'kin yung mga photos, malay ko ba kung pangit na pala ako sa picture. Minsan nga iniisip ko baka pinagtatawanan na niya yung mga epic shots ko dun eh. Pagkatapos ng isang buwan na 'yun, nagkaroon na ako ng isang besfriend.
...
Dala ko ang gitara ko papunta sa school, ang lungkot nga eh kasi hindi ko siya kasabay pumasok ngayon, walang Paolo na sumundo sa 'kin kanina at mag-isa lang akong sumakay sa jeep.
Hindi man lang nagtext kung bakit wala siya. Pero ok lang sa 'kin yun. Di naman niya ako girlfriend para maobliga siyang magtext at magpaliwanag kung bakit wala siya.
Ordinaryo lang ang takbo ng oras ngayon, kakatapos lang ng 3 first subjects ko at vacant na namin, as usual, pupunta sa canteen at kakain.
Mga kaklase ko ang kasabay ko kumain ngayon, pero kung anong iningay nila, yun naman ang kina-tahimik ko. Ewan ko ba kung bakit ako ganito, absent lang naman si Paolo.
Pagkatapos kumain, nagpunta naman ako sa library para makaiwas sa mga kaklase kong maingay. Umupo ako sa lamesa kung saan una kong nakausap si Paulo. Naalala ko tuloy yung kahanginan nung asungot na yun! Hahaha.
Tinignan ko ang cellphone ko, naisipan kong i-text si Paulo.
To Asungot:
Hoy! Ba't absent ka?
Nagreply naman ito agad...
From Asungot:
Ahmm wala masakit lang ulo ko. Pero papasok naman ako bukas, promise!
Hala?! May sakit? Puntahan ko kaya? Kawawa naman e.
To Asungot:
Address mo?
After 5 minutes nagreply...
From Asungot:
Bakit pupuntahan mo ko?
Malamang kaya nga tinanong eh...
To Asungot:
Yup!
At binigay niya na sa 'kin yung address niya. After class, dumiretso agad ako sa sakayan para makapunta sa bahay nila. At binaba ako sa isang sub-division.
Taray, yayamanin pala itong si Asungot! Simple lang ang mga nakatayong bahay dito. Sinabi ko sa guard yung pangalan ni Asungot at itinuro na sa'kin yung daan.
At ng makarating ako sa tapat ng bahay nila, sakto namang lumabas yung yaya niya. Lumapit ito sa gate para kausapin ako.
"Sino ang hinahanap mo hija?"
"Uhmm... taga rito po ba si Paolo Cruz?"
"Ay oo hija, kaklase ka ba niya?"
"Ah, opo!"
"Halika, pasok ka."
Pagkapasok ko sa bahay nila, napansin ko na ang tahimik lang. Simple, maayos at punong-puno ng litrato nilang pamilya.
tinuro sa 'kin ni Yaya Vina ang kwarto ni Asungot. Kumatok ako, pero napansin kong hindi naka-lock kaya binuksan ko ang pinto.
Ang naabutan ko, ay isang kawawang Paolo na nakahiga sa kama. Parang ang taas ng lagnat niya, lumapit naman ako dito para i-check at tama nga ako.
Buti na lang nurse ako ni mama kaya alam ko ang mga dapat gawin sa may lagnat. Pinunasan ko siya ng maligamgam na tubig, pinakain ng noodles, pinalitan ng damit at infairness may abs si Asungot! Tapos saka ko na siya pinainom ng gamot.
Pinagpapahinga ko na siya, pero ang kulit, gusto niya daw muna marinig yung boses ko habang tumutugtog ng gitara. Kumanta ako ng Torete ng Yeng Moonstar88.
...Torete, torete, torete ako ... Torete, torete, torete sa'yo...
Pagkatapos ay nakatulog na rin siya ng mahimbing. Para pala 'tong bata. Habang pinagmamasdan ko siya matulog, parang ang sarap niyang yakapin. Haaay! ano ba 'to Paula. Tumigil ka nga sa kakaganyan mo!
Di nagtagal at nakaramdam ako ng antok, 5 pa lang naman kaya natulog muna ako. Tumabi ako sa kanya.
Naalimpungatan ako at naabutan kong nakayakap na siya sa akin. Babangon sana ako para mag-ayos, pero laking gulat ko ng hilahin niya at hawakan ang aking kamay "Wag mo kong iwan Paula, dito ka lang sa tabi ko. Please.", hindi ko alam kung bakit kumirot ang puso ko. Sumagot naman ako bilang tugon, "Oo Paulo, nandito lang ako sa tabi mo, di kita iiwan."
To be continued...