Kabanata 5

6 1 0
                                    

Pinagluto ko siya ng makakain dahil maghahapunan na. Nagpaalam ako kay mama at pumayag naman siya basta safe daw akong uuwi.

Nagtataka ako kung bakit wala dito yung mommy ni Paolo. Siguro ay nasa trabaho pa siya. Pero alam niya bang may sakit ang anak niya? Dibale na, mamaya naman siguro ay uuwi na siya.

Pumanik na ko sa kwarto ni Asungot dala dala ang crab & corn soup na niluto ko. May water din at milk. Nabawasan na ang init ng katawan niya. Di katulad pagdating ko kanina.

Kumain kami ng sabay. Pinainom ko siya ng gamot. Grabe siya. Alagang alaga ko 'tong mokong na 'to!

Hinihintay kong dumating ang mommy niya para makapagpaalam ako at malaman niyang nanggaling ako dito. Para na rin makilala ko siya. Never pa kasi akong dinala ni Paolo dito.

Nanuod kami ng TV. Nasa cartoon network. Power Puff Girls ang palabas. Wahhhh my favorite!!!

"Uhm, Pau, thank you sa pagpunta at pag-aalaga mo sakin ha. Tatanawin ko 'tong malaking utang na loob." kasabay ng kanyang sinabi ay hinawakan niya ang kamay ko at niyakap. "Bestfriend talaga kita." dugtong niya pa. Nagulat ako sa ginawa niya. Di ko alam kung anong gagawin ko.

"Walang anuman. Walang wala 'to sa araw araw na paghatid at sundo mo sakin bes. Duty kong alagaan ka. Masaya naman ako sa ginagawa ko dahil ikaw naman ang inaalagaan ko." sabay ngiti ko sa kanya.

Sumandal siya sa balikat ko. Nagpahinga at naalumpungatan. Maya maya ay may kumakatok sa pintuan niya. Binuksan ko ito.

"Oh hi hija, sino ka?" sabe ng isang magandang babae na nasa harap ko. Baka eto na yung mama ni Asungot.

"Hi po, ako po si Paula. Bestfriend po ni Paolo." nahihiya pa ko pero ngumiti ako sa kanya. Umupo kami sa gilid ng kama ni Paolo. At siya, nakatingin lang sa amin. Maya maya ay nagsalita na siya.

"Ma, inalagaan ako ni Pau kasi may sakit ako kanina. Ngayon mababa na lagnat ko. Kaya don't worry na." sabi ni Paolo sa mama niya.

"Oh, I see. Siya pala yung palagi mong naikkwento sa akin. No wonder, maganda siya at mabait." tapos ngumiti siya sa akin.

"Ma! Stop it! Nakakahiya!" biglang bulyaw ni Paolo. Natawa naman ako dun. Hahaha!

"Ano po bang kinukwento niya tungkol sakin?" sabat ko sa kanila. Nanlaki yung mata ni Paolo sa sinabi ko. Ano ba kasing meron at ayaw niya magpakwento?

"Maganda ka daw, matalino, maganda boses mo, sobrang bait mo-" naputol ang mga sinasabi niya.

"Ma that's enough. Nakakahiya oh!" nakakatawa talaga 'tong si Asungot. Hahaha!

"Ano ba kasing ikinahihiya mo? Eh bestfriend mo naman siya, diba?" oo nga naman. Bakit nga ba kase? Hay nako talaga Paolo.

"Uhm hija, look. It's already late in the evening. Do you want to sleep here?" nagulat kami pareho ni Paolo sa sinabi nung mommy niya. Omg.

"Uhm, di pa po ako nakakapagpaalam sa mama ko. Tsaka nakakahiya naman po." sabi ko sa mommy niya. Aba nakakahiya naman kasi talaga!

"No worries, ako na ang tatawag sa mama mo para maipaalam ka. I'm sure naman kilala niya si Paolo diba."

"But ma, she don't have clothes to wear!" singhal ni Paolo.

"Edi let her wear your clothes! And about her undies? I can let her have mine. Meron pa kasi dyan nakabox pa."

"Ay hala nakakahiya naman po."

"Don't be, hija. Wait for me, I'll give you undies." tapos lumabas na siya ng kwarto at nakita kong kumindat siya kay Paolo. What is happening?!

Ilang minuto ang lumipas at dumating na si tita. Dala niya yung dalawang undies at nacontact niya na daw ang mama ko. Lumabas na siya ng kwarto at nagpalit na ko. Nakauniform pa kasi ako. Sinuot ko yung damit ni Paolo na parang long tee sa akin. Hahaha! Meron din akong cycling. Di kasi kasya yung short niya sa akin.

Nanunuod lang kami ng cartoons all the time. Tapos nakahiga na kami sa kama niya. Oo, tabi kami. Wala namang malisya yun e. Tapos inoff niya na yung TV. Matulog na daw kami.

Nakatingin lang kami sa taas. Sabay sinabi kong "Goodnight, bes. Sweetdreams."

"Goodnight din, sweetdreams. Maraming salamat." sabi niya. Tapos alam kong ikikiss niya ako sa pisnge. Ganun kasi kami pag nagtthank you.

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Broke My Own HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon