# Interview with Magandang heart4green

60 5 2
                                    

1. Who introduce you to Wattpad?

- Ang totoo nyan, sa facebook ko lang sya nakita. May facebook page akong nilike tapos nakita ko lang sa newsfeed ko na may shinare yung page na yun nung nacurious naman daw ako kaya tiningnan ko. Story sya at Wattpad daw ang website. Ni click ko yung link lumabas ang story na BTCHO ni Alyloony. Binasa ko tapos yun na ang simula ng pag ka adik ko sa Watty. Haha -_-

2. How did you come up with your username?

- Ihhh. Favorite ko po kasi ang green.. Kaya ayun. Heart4green. Mahalin ang kulay na green. :)

3. First impression for wattpad?

- Sa wakas! Nakita ko na din ang live of my life ko. Haha. Jk. Basta ng makita ko lang ang Wattpad ang gusto ko lang e magbasa ng mga nakakakilig..

4. Why do you consider yourself as Maganda/Gwapo?

- Omyg. Wala e.. Nasa lahi. Wala naman akong sinasabi na maganda ako sadyang feel ko lang. Hahaha.

5. Who has been the most important person in your life? Can you tell me about him or her?

- Okay. Has been? Past tense? Sige na nga. Aside from my family.. Syempre sya.. Ang pinaka una kong minaha-- Basta yun. Sya yung una.. Sya din ang latest. Haha wala pang nasunod. Good girl e. ^_^v

6. How has your life been different than what you’d imagined?

- Ang sarap mabuhay~ Echos! Nung nasa Pilipinas ako akala ko ako na ang pinaka maganda.. Ngunit datapwat .. Nagbago iyon nung nag migrate kami.. Jusko! Puputi ng tao dito e. Pati buhok. Gusto ko din nun. Haha.

7. I f you could hold on to just one memory from your life forever, what would that be?

- Its More Fun In The Philippines! Syempre ang mga memories ko sa Pilipinas. Yung time na walang pakialam sa pag aaral at laro lang. Ansaya kaya! Ngayon.. Nosebleed e! Yung time na kasama ko ang BFF ko. Basta lahat ng mga kalokohan namin. Pati na rin pala mga chismisan namin. Hehe

8. Did you get into trouble? What was the worst thing you did?

- Pinaka Worst? Hahahahah. Yun yung nahuli ako ng Mama ko na nag boypren. Yun na siguro yun. Nako sobrang galit nun. Buti hindi sinabi kay Papa kundi naku naku!

9. Was there a teacher or teachers who had a particularly strong influence on your life? Tell me about them.

- Yung teacher ko nung Grade 6 ako. Ang bait nya. Yung mga kaibigan ko here and there eh madalas mag awat pero lagi syang andyan para ayusin yun. Walang principal office.. Tapos yung Math teacher ko nung Grade 6 din ang taray nya pero gusto ko sya kasi dun ko natutunang umintindi ng mga bagay bagay tungkol sa math na hanggang ngayon wala pa akong pinag gagamitan. Basta gusto ko sya kahit mataray..

10. When you meet God, what do you want to say to Him?

- Gusto ko lang mag Thankyou sa mga ibinigay nya at pag gui guide samin.. Mag sorry sa mga kasalanang nagawa ko.. Mag Iloveyou dahil mahal ko sya. At sabhing alagaan ang mga taong importante saakin nasa lupa man o nasa heaven na.

11. How would you like to be remembered?

- Yung klase ng taong laging nagpapasaya sa mga kaibigan o sa ibang tao. Tapat at Totoo. Okay na sakin. Kahit wag ng maganda pero mas okay kung pati yun diba?

12. Describe yourself in 5 words. And explain Why?

- Masayahin: Kasi lagi akong tumatawa sa mga hindi nakakatawang jokes. Bakit? Kasi hindi nakakatawa tapos nag fail sila sa pagpapatawa.. Kaya natatawa ako sakanila. Hahahahha Tsaka sabi ni Mama smiling face daw ako. Hihi - Magagalitin: Ayoko sa lahat e yung ginagalit ako. Madali din ako magbago ng expression lalo na at may ginawa yung tao na hindi ko nagustuhan. Basta like kinikulit.. Pero sa kapatid ko lang naapply yun. Madali din uminit ang ulo ko. Hehe. - Matakaw: Hilig kong kumain ng nakakamay. At malaki akong kumain pag ganon. - Tamad: Tamad sa gawaing bahay pero masipag mag aral. - Ako: Ako as in Ako. Totoo sa sarili at hindi nakikipag plastikan.

13. What are you proudest of in your life?

- Marami. Masasabi kong may buo at masaya akong pamilya na sumusuporta sakin.. Mga kaibigan na totoo at may mga iba na hindi pero proud ako dahil alam ko sa sarili ko kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Proud ako na masaya ako na nag aaral. Proud din ako dahil kasali ako sa Hairstyling competion for this year. At pede akong ipadala sa ibang bansa para doon magcompete. NY? Paris? Italy? Wahhhh. Iisa isahin ko yan.

14. What are you proudest of in your life?

SAME WITH #13

15. Lastly, anything you’d like to say to your fans?

- Fans? Oh Hello Pans! I love you all. Sana patuloy nyo akong suportahan at ganon din ako. Mamahalin ko kayo forever and ever. Hahaha ilan nga ba ulit fans ko? 28? Hahaha pero kahit na kuntento na ako dun. As long as I can express my feeling through my stories tapos susuportahan nyo okay na ko. Mwah :*

----------------------------------

Eto na ata ang pinakamahabang interview na napost ko :) Salamat sa napakamahabang sagot ^___^

VOTE and COMMENT for her

Interview with the Magaganda at PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon