CHAPTER THREE (Dreaming?)

21 2 0
                                    

Nagising ako na may yumayakap sakin. Gumalaw ako ng kaonti upang tingnan kung sino siya, nagulat ako katabi ko si Dylan sa kama, at tuluyan niya nang minulat ang mata niya.

"Good Morning Asul" nakangiting pag bati niya sakin sabay yakap ng mahigpit sakin. Wait what!? Kitang kita sa mata ko ang gulat but at the same time I had a big smile on my face, kahit naguguluhan ako kung bakit ko sya katabi sa kama at kwarto niya to for sure. Binati ko na lang siya bilang ganti.

"Good Morning din" nakangiting sabi ko. Bigla niya kong hinalikan sa Pisnge. Lumaki bigla ang mata ko at ngumiting wagas at para akong teens na pinansin ng Crush niya. Pero nagugulat pa rin ako sa nangyayari.

"Wait lang ha. Bakit ako nandito sa kwarto mo at bakit ganyan ka umasta" takang tanong ko sakanya. Hindi naman kasi kami kahit kailan nagtabi sa iisang kama miski nga nung Honeymoon, tinulog na lang namin sa kanya kanya naming kwarto.

"Hindi ko rin alam Asul, bakit di mo na lang ienjoy ang umaga na katabi ako" ngiting ngiti na sabi niya. Nagulat ako bigla siyang tumingin sa labi ko at nilalapit ang mukha niya.

OMG! Hahalikan niya ko?
Pumikit na lang ako, at biglang may nagsalita.

"Blue ija? Anong oras na hindi ka pa ba gigising?" Nagising ako bigla sa boses ni Manang at tinatapik ang braso ko.

Badtrip naman oh! Panaginip lang pala, si manang talaga, nandun na eh! Kahit sa Panaginip man lang hay! Napabuntong hininga ako at umupo sa kama ko.

"Sige ho. Maghihilamos lang ako." Umalis na si Manang pagkasabi ko nun.

Tumingin ako sa orasan alas otso na pala, buti na lang weekend ngayon at walang pasok sa trabaho kundi late ako. Pumunta nako ng CR at naghilamos at nagtoothbrush na rin.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko si Dylan sa lamesa at nagbabasa ng Newspaper, umupo ako at binati ko siya

"Good Morning" pagkasabi ko nun naalala ko yung panaginip ko. ngumiti lang siya bilang ganti at di man lang ako binati, hay may aasahan pa ba ko kay Dylan pero mukhang inantay niya talaga ko para sabayan ako sa pag almusal. Ngumiti na lang ako at mukhang ako na naman ang makikipag usap sakanya

"Oh ija, kumain kana. Si Dylan kumain na kanina pa inuubos niya na lang yung kape niya" sabi ni Manang.

Huh? Kala ko pa naman inantay niya ko. Napaka impatient talaga ng taong to. Pero anong oras na rin, kaya siguro gutom na talaga siya. Nakita ko siyang tumayo na at nilagay ang baso niya sa lababo, mukhang ubos na yun. Dumeretso naman siya sa Dining area at nag bukas ng TV.

Kumain nako, pero may naalala ako.

"Uhm.. Dyl? wala ka bang gagawin nagyon?" tinanong ko sa kaniya. Gusto ko sanang samahan niya ako upang mag Grocery naaawa na kasi ako kay manang tuwing weekends siya lang palagi ang nag go-groceries. Gusto ko sanang ako naman.

"Why?" maikling sabi niya.

Hay ayaw na lang sagutin yung tanong ko, kailangan bakit agad.

"Pwede mo ba kong samahan mag Grocery. Gusto ko sanang ako naman muna ang mag grocery para matulungan si manang. Pero baka kasi di ko mabuhat yun at wala akong kotse diba." Tumingin sakin si manang at parang sinasabing 'okay lang kahit ako na lang' nginitian ko lang siya.

"Matatagalan ba tayo dun? Baka naman sobrang tagal at magmukha lang akong tanga, kakaantay sayo sa kotse" pabalang na sabi niya. At mukang ayaw niya talaga sumama. Kumunot ang noo ko dahil ako pa rin ang mag grocery mag isa at aantayin lang niya ako sa kotse.

"Hindi naman yun matatagalan, pero kung ayaw mo wag na lang okay lang naman mag commute na lang ako or mag taxi na lang." Sabi ko na lang.

"Okay lang naman pala na ikaw na lang eh" nagsalubong ang dalawa kong kilay. Hindi man lang siya nakonsensya na wala akong kotse at mabigat ang mga dadalhin ko. Itong tao talagang taong to.

This Arranged Marriage (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon