CHAPTER FIVE (Good Night Kiss)

16 1 0
                                    


"Blue's POV"


Tinulungan niya akong ilabas ang mga niluto ko para sa Dinner namin.


Kanina alalang alala na ko sakanya kala ko di na siya makakarating di na ko mapakali kanina kung san san nako paikot ikot ang aga ko kasing sinet up tong mga to at ako lang mag isa pero pag alis pa lang ni dave inayos ko na tong table at upuan gusto ko talaga sa tapat ng swing para mas romantic, minsan lang kasi to mangyari kaya I wanted it to a date.


Pero pag patak ng alas sais wala parin siya hanggang sa naging alas siyete na, wala pa rin siya inisip ko na lang na baka marami siyang ginawang trabaho at anong oras na siya natapos o di kaya na traffic siya o baka naman nakalimutan niya na kaya pumunta na lang siya sa isang restaurant at dun na kumain. Umupo muna ko nun sa upuan at di ko na namalayan na nakatulog na pala ko at nagising nalang ako sa patapik sa braso ko at nakita ko si dylan na malungkot ang mukha at mukhang naaawa siya sakin. Tumingin ako sa orasan at alas otso na pala at dalawang oras lang naman siyang late.


Nakita ko ang takang mukha niya ng sandukan ko siya ng kanin at ulam.


"Kung natataka ka kung bakit yan ang niluto ko kasi alam kong paborito mo yan tinanong ko sa mama mo" ngumiti sya sakin. Mukhang gusto niya talagang bumawi sa pagka late niya, kaya susulitin ko na to.


"Siguraduhin mo lang na masarap to, remember what I told you"


"Sigurado ako, pero kung hindi mo magustuhan you don't have any choice but to eat that kasi alam kong gutom na guton kana" natatawa ko sa sinabi ko, paano kasi kitang kita sa mukha niyang takam na takam na siya.


"No I'm not, I can still go in a restaurant pag hindi to masarap dahil tanging luto lang ni mama ang kinakain kong chicken curry" sana lang talaga magustuhan niya dahil baka totoo yung sinasabi niya.


"Okay" tanging nasagot ko na lang.


Nakita kong tinikman niya na yung luto ko at napangiwi siya, wait... di niya nagustuhan


"Ano okay lang ba yung lasa?" Bigla akong nalungkot kasi hindi niya ata nagustuhan.


"Pwede na din mapag tiyatiyagaan na"


"Anong mapag tiyatiyagaan?" Malungkot na sabi ko.


"Oo pwede na din"


"Pwede lang hindi ka man lang nasarapan"


"Hindi" grabe talaga tong taong to hindi man lang siya nag sinungaling para mapasaya ko.


"Oh, bakit nalungkot yang mukha mo?"


"Sabi mo kasi hindi ka nasarapan"


"Okay sige na para hindi ka na malungkot at makabawi nako sa pag hintay mo sakin, Oo na masarap na inalam mo talaga ang luto ng mama ko no? Ang totoo nga parang si mama yung nag luto nito" napangiti ako sa sinabi niya.

This Arranged Marriage (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon