CHAPTER EIGHT (Caring)

17 2 0
                                    



"Dylan's POV"


Bigla akong naalimpungatan, ewan parang biglang gustong gumising ng katawan ko.


Bigla naman akong nauhaw, kaya bumaba ako pra kumuha ng maiinom, Nakita ko si Asul na natutulog sa Sofa, at bukas ang TV.


In-off ko ang TV, bakit kaya siya nakatulog dito? Wag mong sabihing pagod pa rin siya at di niya na kayang pumunta sa kwarto niya at ditto na siya naabutan ng antok niya.


Tiningnan ko muna siya at mukhang nilalamig siya. Anong nangyari dito sakanya?


"Asul?" pag tawag ko sakaniya nakikita ko kasing nangangatog siya.


Di naman gaano malakas yung aircon dito sa sala. Lumapit ako sakanya at hinipo ang ulo niya. Tama nga ang hinala ko nilalagnat siya.


Nakonsensya ako kasi tuwing lasing ako siaya ang nagaalaga sakin kahit na ayaw ko pa.


"Asul?" tinapik ko ang pisnge niya sakaling magising siya at uminom ng gamut kung sakali.


Pero di pa rin siya nagising. Binuhat ko na lang siya. Dun ko siya ipupunta sa kwarto ko ng maalagaan ko siya. Naawa naman kasi ako sakanya kasi alam kong nag kasakit siya sa pag asikaso sa mga gawaing bahay.


Narinig ko naman siyang nagsalita.


"D-dylan? S-saan mo ko dadalhin?" ramdam ko sa boses niya ang pag kapagod.


"I will let you sleep on my Bed this night, I know your so Tired and nilalagnat ka dahil dun. Aalagaan muna kita" alam ko sa sarili ko na never ko siyang pinapatulog sa kama ko but I have this concern for her.


Inihiga ko na siya sa kama at kinumutan. Kumuha naman ako ng palanggana at bimpo nilagyan ko ng malamig na tubig at alcohol, naalala ko nung bata pa ako pag nilalagnat ako ganito ang ginagawa ni mama sakin at alam kong mabisa ito kasi kahit papaano noon bumababa ang lagnat ko nun.


Kinuha ko na rin ang thermometer at 39 lang naman, ano ba ksing ginawa nitong babaeng to at inapoy siya ng lagnat.


Pinunas ko sa ulo niya ang bimpo. mukhang nagulat siya dahil gumalaw siya, malamig kasi ang tubig, dahan dahan ko naman pinunas sa leeg niya hanggang sa kamay niya sa braso. At hinayaan ko muna yun sa noo niya.


Pinag masdan ko muna siya habang natutulog, ano ba kasing ginawa mong babae ka at nagkasakit ka, at anong ginawa mo sakin para alagaan kita.


Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yun sa sid table

From: Mama

"Anak? May paparating na bagyo at masama ang panahon, Mag ingat kayo ni Blue"

To: Dylan


Napaka maaalahanin talaga nitong mama ko. At teka bakit gising pa siya...? Alas kwatro na ng umaga.

This Arranged Marriage (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon