Ngayong araw absent muna ako sa trabaho ko, para mag asikaso ng mga Gawain bahay. Maglilinis lang naman ako ng buong bahay as in itong buong malaking bahay nato. Syempre ano pang silbi ng pag absent ko sa trabaho kung di ko na din susulitin. Pagkatapos ko nun isusunod ko ang laundry.
limang araw ang lumipas simula nung umalis si Manang, limang araw na rin akong taga pangasiwa dito sa bahay.
Simula kasi nung nagsama kami ni Dylan si manang ang nag aasikaso ng mga gawaing bahay pero ngayong isang linggo siyang bakasyon ako na muna ang gagawa ng mga ginagawa niya.
Sa totoo lang sobrang hirap nang ginagawa ni manang walang halong biro, paano kaya niya to nagagawa?
Pagkatapos kong linisin ang kwarto ni Dylan. Nilagay ko na yung mga labahan ko sa washing machine maganda din tong washing machine na to kasi iset mo nalang yung mga kailangan tapos paglabas nung mga damit tuyo na, itutupi mo na lang.
Kaso kailangan kong mag plantsa dahil yung mga long sleeves na ginagamit ni Dylan. Minsan iniisip ko bakit di na lang kaya si Dylan ang mag asikaso ng kanya, kaso naalala ko mag asawa pala kami at ako ang babae.
Hapong hapo na ang katawan ko sa pagod ng pag plantsa. Bakit ba kasi ang dami nun, di ata kasi nalabhan ni manang yung labahan nung nakaraang lingo.
Pagkatapos ko. pumunta ako sa may living area para mag pahinga, pagpunta ko sa kusina nakita ko ang hugasan, nakalimutan kong may hugasanan pa pala ako nung kumain kami nang breakfast di man lang nagkusa si Dylan para mag hugas. Yung tao talagang yun.
Hinugasan ko yun. Bahala na mapasma, sabi kasi ni mommy bawal mag basa ng kamay kapag pagod to, mapapasma daw kasi, bahal na ang mahalaga matapos ko na to.
Umupo na ko sa Couch pagkatapos ko nun. Binukasn ko ang TV at papikit pikit na ang mata ko kaya humiga ako sa couch.
Tumingin muna ko sa orasan ko at alas singko na. maya maya dadating na si Dylan. Pero tinatamad akong magluto maya maya ng konti iidlip lang ako saglit .
"Dylan's POV"
Pauwi nako sa bahay, iniisip ko si Asul, kamusta kaya siya? Kasi naman bakit di ko pa hinugasan yung mga hugasan kaninang umaga. Edi sana hindi ako nag aalala ng ganito. Wait what?... sinong nag aalala? Hayaan ko siya, siya naman ang dapat gumagawa nun eh.
Pagkapasok ko ng bahay nakita ko si Blue sa may couch and she sleeping well at bukas ang TV mukhang natulugan niya. So yun lang ang ginawa niya buong araw ang manuod ng TV at matulog. Kaya siguro siya umabsent sa trabaho niya.
Umakyat muna ko ng kwarto para magpalit nakita ko naman ang linis ng buong kwarto ko, nilinis niya? At pagkuha ko ng pamalit ng damit nakita ko naman ang mga polo at long sleeves ko na nakatupi ng maayos at nakaplantsa ng maayos.
Kaya pala siya tulog na tulog dahil sa sobrang pagod. Bumaba nako, nakita ko siyang mahimbing pa rin ang tulog niya. Pumunta na lang ako sa kusina.
Pag tingin ko wala pang pagkain. Ano ba yan, alam niya naman na uuwi ako ng gutom. At dahil wala pang pagkain, ibig sabihin lang nun di pa rin siya kumakain
Sobrang pagod talaga tong si asul kaya di niya na kinayanan magluto pa. naawa naman ako sa taong to. Kaya lulutuan ko na lang ang sarili ko. At anong akala niy isasama ko siya sa lulutuan ko, hindi noh. Siguro naman kaya niya nang magluto dahil nakatulog na siya ng mahaba at nakapahinga ng mahaba.
"Blue's POV"
Nagising ako sa mga kalansing ng kutsara at tinidor mukhang may kumakain. Tumingin ako sa orasan alas otso na, at nandito na si Dylan, speaking of Dylan? Si Dylan yung kumakain.
Hala wala akong naluto para sa hapunan namin, siya kaya ang nagluto ng kinakain niya.
Tumungo ako sa kusina kung saan andun siya.
"Sorry dyl, di ako nakapag luto ng pagkain for dinner" malungkot kong sabi. Umupo ako sa tapat ng upuan niya, tumingin siya sakin at mukhang papagalitan ako.
"tch. Bakit ka kasi puro tulog yan tuloy. Pero hayaan muna napag luto ko na rin naman ang sarili ko." Walang gana niyang sabi. Nakita ko rin na patapos na siya sa kinakain niya.
"Sorry talaga." Yumuko na lang ako. Nahihiya ko kahit naman kasi pagod ako dapat napagluto ko pa rin siya, kasi Gawain ko yun kaya nga ako umabsent para mag asikaso ditto sa bahay.
"hayaan mo na nga sabi. Ipag luto mo na lang ang sarili mo para makakain ka na din" pagkasabi niya nun umalis na siya at umakyat na sa kwarto niya. Mukhang matutulog na siya.
Naiwan akong tulala, dahil kahit papaano naramdaman kong may concern pa rin siya sakin. Yan ka naman Blue pinapaasa mo na naman ang sarili mo.
Tinamad naman akong magluto kaya nagbukas na lang ako ng delata. Siguro siya nag saing nito. Marunong pala siya mag saing. Nakakatuwa naman, napangiti ako.
Mukhang masasarapan ako sa kakainin ko kahit Century tuna lang tong ulam ko kasi yung kanin ko masarap niluto ni Dylan.
Umupo ako sa couch at binukasan yung TV. Siguro tulog nay un si Dylan, ako naman kasi kakagising ko lang kaya baka maya maya pa ko makatulog.
Bigla akong nawalan ng gana sa kinakain ko. Parang nawalan ako ng panlasa, hinugasan ko ang mga plato ko at yung mga ginamit ni Dylan nung kumain siya. Yung taong talagang yun di maaasahan sa hugasan.
Umupo ulit ako sa couch, bakit parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Mukhang magkakasakit ako ah. Inantay ko lang matapos yung pinapanuod kong palabas at di ko namalayan na nakatulog nako sa sofa.
~~~
Hello Lovely Girls!
Thank you for Reading.
God Bless :)
-loveliness <3
BINABASA MO ANG
This Arranged Marriage (On Going)
RomanceArrange is to move and organize (things) into a particular order or position Marriage the relationship that exist between a husband and a wife. Yan ang lumabas nung sinearch ko sa Merriam Webster ang Arranged at Marriage. Pero pag pinagsama mo yung...