Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko pagtingin ko alas sais na ng umaga at dahil wala si manang ako ang magluluto ng agahan ngayon.
Nagluto ako ng Bacon and sunny side up egg and nag sangag na din ako ng kanin alam ko kasing maraming kinakain si dylan tuwing umaga.
Naalala ko bigla yung nangyari kagabi, di ako makapaniwala sa ginawang yun ni dylan siguro may tama lang siya kaya niya nagawa yun.
"Mukhang ang aga mo nagising ah!"
"Ay may tama!" Nagulat naman ako.
"Anong may tama?"
"Ah..wala, sige kain na tayo" nilagay ko yung kape sa harap niya.
"At dahil isang linggong wala si manang ako muna ang mag aasikaso ngayon" sana di ako mahirapan ngayong isang linggo.
"Anong oras nga pala umalis si manang?" Tanong niya
"Pagkaalis mo maya maya umalis na si siya, pinasakay ko na lang ng taxi para di na siya hassle papuntang terminal."
"Mabuti naman" tanging sabi niya siguro wala siyang naalala kagabi ayoko rin magtanong nahihiya ako baka nag papatay malisya na lang siya kaya hayaan ko na.
Natapos na kami sa kinakain namin at ako na rin ang nag hugas ayaw ko din na siya ang mag hugas kasi kung gusto niya edi sana nag offer siya kaya ako na lang.
Naligo nako at nagbihis ng skirt at isang blouse eto na naman ang hassle na commute ko.
Pagkalabas ko ng pinto ko siya namang baba ni dylan sa kwarto, dito kasi ang kwarto ko sa baba sa ilalim ng hagdan niya yung kanya naman sa taas.
Nagulat ako nang nagsalita siya, magpapaalam ba siya? Di niya naman nakagawian ah.
"A-asul gusto mo bang sumabay sakin?"
Naiilang niyang sabi, tumingin lang ako sakanya na takang taka, bakit niya ko isasabay anong nangyayari kay dylan."Ah...kung ayaw mo naman it's fine with me, masyado mo na kasi akong kino-konsensya dahil sa pag commute mo araw araw" ah kaya pala, okay sige.
"No, you insist kaya okay sige sasabay ako sayo, minsan lang mangyari to eh" natatawang sabi ko
Pag bukas ko ng driver seat bigla siyang nagsalita
"Don't put any feelings to this, naawa lang kasi ako sayo"
"Oo na alam ko naman" at pumasok na ko sa loob.
Naamoy ko agad ang mabango niyang sasakyan, parang natatandaan ko tong air freshener na to ah.
Tama eto nga yun, ito yung binili kong air freshener nung nag grocery ko sobrang bango kasi niya eh kaya binili ko ilalagay ko sana sa kwarto ko kasi baka di magustuhan ni dylan pag nilagay ko sa kusina kaso nakalimutan ko na ilagay sa kwaryo kaya siguro siya yung nakakuha.
Tahimik lang siyang nag drive ako naman nakangiti lang at inaamoy amoy pa rin yung air freshener niya.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan?"
"Ah... wala lang"
Kinuha ko naman yung air freshener na nakatapat sa harap.
"Diba ito yung binili kong air freshener?"
"Ikaw ba bumili non? Kala ko si manang wala na kasi akong air freshener dito sa koyse ko kaya pinagtiyagaan ko na lang yan" pinagtaiyagaan na naman, lagi naman eh.
Nanahimik na lang ako at sinandal ang ulo ko sa headboard at tumingin sa bintana, medyo hindi traffic ngayon ah sabagay natatraffic lang naman ako dati kasi nag co-commute ako.
BINABASA MO ANG
This Arranged Marriage (On Going)
RomanceArrange is to move and organize (things) into a particular order or position Marriage the relationship that exist between a husband and a wife. Yan ang lumabas nung sinearch ko sa Merriam Webster ang Arranged at Marriage. Pero pag pinagsama mo yung...