CHAPTER NINE (Storm)

20 2 1
                                    

"Blue's POV"

Gusto ko siyang sigawan at sabihing Oo, hirap na hirap nako dahil di kita maintindihan dahil magiging concern ka tapos kinabukasan magagalit ka na naman sakin, at gusto na kitang hiwalayan pero hindi ko magawa kasi mahal kita at di ko kayang iwan ka at makita kasama ng iba.

Pero hindi ko yun nasabi, tumakbo ako pumasok sa kwarto ko at umiyak ng umiyak at di man lang niya ako hinabol.

Nagising ako sa bugso ng ulan pati ang ulan nakikisabay sa nararamdaman ko. Naramdaman kong tumutulo ang mga luha ko, tumingin ako sa bintana mukhang may bagyo ang lakas ng kulog at ang lakas ng ulan.

"Mommy" tinatawag ko si Mommy takot ako sa kulog at kidlat tanging si mommy lang ang nagpapatahan sakin.

Tumingin ako sa orasan ala otso na nang gabi humiga ako sa kama at nagtago sa kumot, pero naririnig ko pa rin ang kulog at malakas na ulan. Ayokong ayoko marinig at makita ang maliliwanag na kidlat.

-Flashback-

When I was 10 yrs old

"Mommy!"

"Daddy!"

Di ko na alam kung san ako pupunta umiiyak na ko sa takot. Naiwan ako ng school bus ko galing kaming field trip at di ko namalayan na nahiwlay ako sa mga classmate ko hanggang sa di ko na sila nakita

Gabing gabi na at naglalakad ako sa tabi ng kalsada habang umuulan ng malakas, basang basa na ko sobrang lakas ng kulog ni hindi ko alam kung san ako pupunta. Kasabay ng pag kulog ang pag iyak ko. Hanggang sa biglang sumabay ang pag kidlat ng sunod sunod kitang kita ko sa kalangitan ang malaking kidlat at rinig na rinig ko ang malakas na kulog.

Sobra lalo akong natakot at di ko na alam ang gagawin ko. Madilim ang daan, umiyak lang ako ng umiyak at tinatawag ko sina Mommy at Daddy.

"Mommy! Daddy!" tuloy na tuloy ang pag tawag ko sakanila habang umiiyak takot na takot na ko sobrang nangangatog na ko sa takot.

Hanggang sa biglang kumidlat ng malakas at nagulat ako at biglang nandilim na ang paningin ko.

Nagising na lang ako sa puting kwarto at hawak ni mommy ang mga kamay ko at si daddy naman nasa likod niya.

-End of Flashback-

Simula nun ayoko nang nakakarinig ng kulog at kidlat umiiyak ako kasi naaalala ko ang mga tagpong yun. Kahit matanda nako di ko malimutan ang mga yun tuwing bagyo si mommy ang nagpapatahan sakin.

Sabi ng doctor sakin magpasalamat daw ako kasi buhay pa ako dahil nakaligtas ako sa tumamang kidlat sakin.

Oo, tumama ang kidlat sakin, Hindi ko alam kung paano pero yun ang lumabas nung inexam ang katawan ko, kaya kahit matanda nako eh malaki pa rin ang takot ko sa mga to.

Nasa kwarto pa rin ako at tuloy tuloy pa rin ang pag kidlat, hinawakan ko ang cellphone ko tatawagan ko sana si mommy pero walang signal.

Lalo kong naiyak dahil wala akong kasama, narinig kong may kumakatok baka si mommy na yun.

Binukasan ko ang pinto. Niyakap ko agad siya.

"Mommy, natatakot ako!" niyakap ko siya ng mahigpit at tumulo ang mga luha ko sakanya

"Ssssshhh... stop crying I'm here okay." Narinig ko siyang nag salita at hindi si mommy to si Dylan to.

Tinungo niya ko sa kama ko at tinabihan ako, di ko pa rin nakakalimutan ang ang ginawa niya sakin kaya di ko pa siya napapatawad pero kung sasamahan niya ko ngayong buong gabi baka mapatawad ko siya.

This Arranged Marriage (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon