Chapter 1:

62 0 0
                                    

At first, all of us have been the best of friends ever. We have specializations in particular subjects. All in all, we looked like we're just normal. But everything is not on what they seemed to be.


Rin's P.O.V.

Isa na namang araw na puro aral na naman. Minsan nga eh parang ayaw ko nang pumasok. 

Mahirap din pala ang napasukan kong eskwelahan, andaming pinapagawa. Kainis! Pero nagustuhan ko lang din naman yung eswelahan dahil syempre andyan ang mga kalokohan, kulitan, asaran, at iba pa. Minsan ko ngang naisip na paano kung yung magkakabarkada biglang naghiwalay. Ang hirap siguro nun. Makakilos na nga baka mamaya masigawan pa na male-late na naman sa pagpasok. Hay buhay estudyante nga naman o!

Nung makarating ako sa school, natanaw ko agad ang kaibigan kong si May, seryoso ang mukha niya na tila may inaalala na pangyayari.

"O ang aga aga, seryoso ka kaagad diyan." puna ko sa kanya habang inoobserbahan yung mga pumapasok na estudyante. May natanaw ako na pamilyar na mukha na tumatakbo habang may nakakapit sa kanang kamay niya, si Nikki. As usual, nakangiti pa rin siya kahit umulan o umaraw, feeling ko nga eh di ata natutong sumimangot magmula ng bata pa.

Di pa din sumasagot si May, inantay ko na lang baka mamaya iniisip kung paano sasabihin yung inaalala niya.

Napapansin ko kase na madalas ng maagang umuwi si Nikki kesa sa amin palagi na lang may dahilan. Di ata nauubusan eh, kung hindi sa walang tao sa bahay nila, may aasikasuhin daw na proyekto, kahit wala namang binigay. Nagulat ako dun sa sinabi nung lalake sa kanya na siyang kasama niya noon pauwi.

~Flashback~

"Nikki, alam mo ba na may tinatago na sikreto ang mga magulang niyo?"

"Ha? A-anong sikreto? At sino ka ba?" sabi ni Nikki na may pagdududa sa lalake

"Ikaw at ang mga kaibigan mo ang kabilang sa Mafia." Medyo nakangising sinabi nung lalake

"Ha? Pero papaano naman yun nangyare? Wala namang sinasabi ang magulang ko tungkol dyan at bakit ba kita paniniwalaan?" Sabi ni Nikki na naguguluhan

"Kase isa ako sa tauhan ng magulang mo na inatasan na bantayan ka."

"Eh sino ka nga ba kase?" medyo naiins na sambit ni Nikki

"Tawagin mo na lang ako bilang Jack."

"Ok Jack, pwede mo bang iexplain sa akin kung papaanong nagyare ang lahat ng ito?"

"Certainly, Ms. Nikki, pero pasok po muna tayo sa bahay niyo. Baka mamaya may nakaabang diyan na kung sinong tao" 


Shit! Kanina pa pala ako nun napansen. Makaalis na nga. 

~End of Flashback~

Habang pinagiisipan ko yung pangyayaring iyon, bigla naman akong niyugyog ni Allen.

"Anyare sa iyo? Parang papatay ka na ng tao dyan sa pagusisa mo sa gate." komento ni Allen.

"Wala wala, may iniisip lang."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Pwede ba kitang kusapin mamaya ng uwian?" 

"Hm? Baket tungkol saan?" Weird, pwede namang ngayon na lang sabihin ah?

"Basta. So ano? Pwede o may gagawin ka?" mukhang hindi siya titigil hangga't hindi ako um-oo

"Sige na nga"

"Sa may library kita aantayin ah?"

"Ge, pero bilisan mo lang, kailangan kong umuwi ngayon ng maaga, aalis pa kami nila Mama." 

Cosa NostraWhere stories live. Discover now