Chapter 4:

16 0 0
                                    


Rin's P.O.V.

Habang nagpaplano sila Mommy at Daddy ukol sa pagpepair-up sa akin dun sa moody na taong yun. Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Mom, Dad, may hindi po ba kayo sinasabi sa akin?"

Pareho silang nagulat at tumingin sa akin na parang naguguluhan. Haay, hindi ba nila ako naintindihan. -_-

"Mom? Dad? Andyan pa ba kayo?"

"Ah, eh, ano ba yung pinagsasabi mo anak. Wala naman kaming tinatago sa iyo." Sagot ni Mom sa akin na medyo kinakabahan.

"Are you sure Mom? I think you and Dad are hiding something from me."

"Fine. We'll tell you about it. Rin, we're part of the Mafia group, Silvestre, I'm the current Boss of the group, so you will be the next one in line. By the way, your friends, Allen and the others, they're also part of our group."

"Wait, is that why pinayagan niyo ako na maging kaibigan sila?" I ask dumbfounded.

"Yes. But it was for your sake as well, you grew up without having friends, more like you detached yourself from people. You are emotionless when it comes to talking to a new person, we knew that you wanted to have friends, but we have to be careful on who were your friends, because our rival group, Rosso Luna, have been looking for you, to kill you."

"I see. But Dad, why did you hide this from me?"

"Because you're still too young to know anything about it, and we have to make sure that you are prepared when the time's right, but since you now know about being part of the Mafia, we need to start training you for your safety, son. Pero may nireport sa akin si Blare kanina lang."

Medyo kinakabahan ako sa tono ni Dad sa huli niyang sinabi eh. O.O Parang masama ata kutob ko dito. Pero hinayaan ko muna bago ako magsalita, mahirap ng mag-assume diba?

"Sabi niya sa akin na binisita ka lang niya sa Nurse's Office, tapos bigla mo na lang siya nilabanan. Tama ba yung sinabi niyang yun? At isa pa daw, may dumating na lalakeng may hawak na baril,  mabilis mo daw na naagaw yung baril, at walang alinlangang binaril sa ulo."

"Opo. Tama yun."

"Pareho nga kayo ng tatay mo, walang awa sa mga taong nagtangkang pumatay sa kanila" Iiling-iling na sambit ni Mom.

"Pero sweetheart, kung hindi yun ginawa ng anak natin, baka bangkay na lang ang nakita ni Blare, at isa pa, hindi ka man lang natuwa dahil sa kaya ni Rin ang mag-isa." Sagot naman ni Dad kay Mom.

"Sweetheart, hindi naman sa ganun, nagulat nga ako ng dahil sa mabilis niyang pinatay yung lalake, pero may tunog ba nung binaril mo anak?" Tanong sa akin ni Mommy.

"Wala po, parang nilagyan ng silencer, para hindi ako siguro magulat if ever na nabaril niya ako."

"Given na kailangan niya ng silencer, para hinde maalerto ang eswelahan. Mukhang gumagawa na ng mga hakbang iyang Rosso Luna, kailangan na din nating gumawa ng mga hakbang. Pero anak, ipapatrain kita kasama ang mga kaibigan mo kela Blare at mga nagbabantay sa inyo, don't worry, hindi namin hahayaan na magkasugat kayo, papatayin namin sila kapag halos mamatay kayo, pero sa kanila, kahit sugatan niyo sila, makakarecover naman sila ng mabilis" Sabi na eh, pati na din si Daddy, overprotective eh.

Tumango na lang ako, at dumating yung isa naming katulong at nagyayang kumain na kami. Sumunod na lang ako at kumain na ng hapunan. May assignment pa pala akong gagawin kaya hindi ako pwedeng magpagal-pagal sa pagkilos. Pero, bago ako umakyat sa kwarto ko, tinanong ko si Dad tungkol sa kung kailang magsisimula ang training namin nila Allen, sabi niya sa Saturday daw kami magsisimula, una daw naming training ay ang Close Combat Training, susunod naman ang Target Shooting Training, tapos Bomb Handling, Making, Defusing Training, tapos Weapon Training, para malaman daw kung ano ang weapon na suitable sa amin. Lahat ng uri ng weapon ay pagpipilian namin, mula Close Combat, hanggang sa second Weapons, uri ng baril, at mga bomba at traps.

Yung pinakahuli daw sa Training namin ay sa kung saang part kame magaling, in short sinusukat ang lakas namin sa bawat training para alam kung saan ang pinakakaya naming area when it comes to fieldwork, parang pag-alam kung alin ba ang pinakamagandang gawain para sa iyo. Pero kada Saturday daw muna, para daw hindi makaapekto sa studies namin. Edi wow, mas masaya nga kung hindi na lang kami papasukin muna eh. -_-

Tumango na lang ako kay Daddy at umakyat na sa kwarto ko para makagawa na ng assignment bago matulog.

.:Kinabukasan:.

Paggising na paggising ko, naghanda na ako para sa pagpasok sa school. Pababa na ako ng biglang nag ring ang cellphone ko. Edi tumugtog ang ringtone ko na Yellow - Hatsune Miku.

"kimi no egao torikaesu tame

itsudatte boku wa uta wo yamenai

nagareru hoshi ni negau

kono omoi todoku sono hi made"

Tinignan ko kung sino yung caller, at nakita kong si Allen, yung tumatawag. Sinagot ko siya.

"Rin!"

"Ano? Kung magtatanong ka kung papasok ako, malamang oo." Medyo irita kong sagot, yun ba naman kase ang tinatanong kapag tumawag eh.

"Hinde. Paano ko ba sasabihin... tawag dito, ayun! sabi nila May may pupuntahan daw tayo mamaya bago umuwe."

"Ha? Bakit naman may pupuntahan?"

"Basta."

"Teka! Hoy, wag mo munang i---" 

*toot* *toot*

Tangina, sabi ng huwag ibaba binaba naman. Bahala siya! Tangina, babatukan ko ito pagdating sa school.


A/N

Alam ko na hindi ako magaling magsulat so pwede po kayong magsuggest ng ideas tungkol sa storya. Also, gagawa na din pala ako ng listahan ng mga characters. By the way si Blare yung parang lider sa mga nagbabantay^0^

Author's Question:
Sa tingin niyo, ano kayang meron at nagsabi ng ganun si Allen, may tinatago kaya sila kay Rin?

At may alam na din kaya sila Allen tungkol sa pagiging parte ng Silvestre?

Ano naman ang Rossa Luna? Ano ang meron, at isa ito sa mga kaaway ng Silvestre?

Bakit ba gusto na gusto ng Mommy at Daddy ni Rin si Allen para sa anak nila?

May hindi pa ba nasasabi ang mga magulang ni Rin sa anak nila?

Cosa NostraOù les histoires vivent. Découvrez maintenant