Character Info: Cesar Silvestre

29 0 0
                                    

A/N:

Hindi ito chapter base naman sa title hindi ba? So anyways, ayun so dito ko na ilalagay ang mga info sa mga characters and btw isa isa lang muna ha? So, let's start! ^0^~ PS. Pasensya na kung pangit akong magsulat ha? ^0^V

Character Info:

Name: Rin Silvestre

Gender: Male

Age: 17 yrs old.

Description:

Isang lalaking parang anti-social, but in reality, hindi lang talaga palasalita, nakakatamad para sa kanya ang makipag-usap sa mga tao. Nakikipagusap siya ng maayos kapag ang barkada niya lang ang kasama. Normal lang naman siya yun nga lang emotion hider siya, ayaw niyang may nakakakita na umiiyak siya, kahit sa mga kaibigan niya, hindi siya nagpapakita ng emosyon. Para sa kanya kasi, ang pagpapakita mo ng emosyon ukol sa isang bagay, ay kahinaan mo. Hindi naman siya nangangagat, so wala kayong ipagaalala sa pagkakaroon ng rabies galing dito sa isang ito.

Matangkad siya para sa isang 17 year old na lalake. Mga around 5'9 ang height niya. Nakasalamin na siya, kasi malabo na ang mga mata niya. Kapag tinignan naman natin ang mukha niya, makikita natin na palagi siyang kalmado, parang walang pakialam sa buong mundo. Yung katawan naman niya, ay katamtaman lamang, hindi siya yung tipo ng taong magwowork-out kapag walang ginagawa, pero malakas siya. Ang pinakaoutstanding sa katawan niya ay yung paa niya. Ito ang pinakamalakas niyang panlaban, kasi kapag tumakbo siya, aakalain mong nagamit siya ng pampabilis ng takbo. Ganun siya kabilis tumakbo, yung tipong parang may mabilis na nahabol sa kanya, pero wala naman talaga. Madami ding babae ang humahabol sa kanya, dala na rin ng karisma niya.

Tulad nga ng nakalagay sa unang paragraph, hindi siya emotional na tao. Pero yun yung exterior niya, tanging iisa lamang ang nakakakita ng over sensitive niyang interior, si Allen Magne. Pero kapag may kasama siyang ibang tao, nagiging standoffish and aloof siya, kahit na naandyan si Allen. Defense mechanism niya iyon. Ayaw na ayaw niyang may makakakita na sobra siyang emosyonal pagdating sa ibang bagay. Pero kahit ganoon siya kung sa pagdating ng ibang tao. Kung papaano mo siya tatratuhin, ay ganoon rin ang itatrato niya sa iyo, ganun lang kasimple. Isa pang fact sa mga emosyon niya ang bukod sa pagtatago niya ng emosyon, iniipon niya ang mga ito at bigla na lang ilalabas sa pamamagitan ng paglalaro, o di kaya sa pagsusulat ng storya.

Hobbies:

Basically, ang mga gusto nitong gawin sa buhay niya ay ang mga sumusunod:

- Magbasa ng storya (may pagka-bookworm itong isang ito eh, pagpasensyahan niyo na)

- Magsulat ng storya, gamit ang mga emosyon na tinatago niya.

- Maglaro ng video games.

- Makinig sa musika.

Family Background:

Not much is to be said about his family. One wrong move against them, and you'll be getting a free pass to hell or heaven. Although they may look sweet and caring on the outside, simply do not underestimate them. They have a lot of things to say that can cut you deeply, even if you just met them. They will always be on the look out for enemies that may try to take them down. They are very cautious on who to trust and who to never trust.

Relationships:

Edward Silvestre - Father, and the current Boss of the Silvestre Mafia Group. Has high intelligence when it comes to finding information, you name it.  He currently holds the biggest company in the world, the Silverworks. He has a lot of expectations to his son, Rin Silvestre, but he doesn't force the child if the child isn't capable of doing the said task. Currently one of the richest, and powerful in the whole world.

Susan Silvestre - Mother, and the wife of Edward Silvestre. Currently, there is no data present to tell on what area is her specialty. Always on the check to see that her son is in his top condition. Currently, the one who handles the things needed for a mission.

Allen Magne - Ang childhood friend niya. Nakilala niya ito nung 4 yrs old pa lang siya. First impression niya dito, ang ingay masyado at mahilig mangyakap. Pero nagbago ang tingin niya dito nung Grade 5 sila, naging seryoso ito at hindi na ito palayakap, pero napalitan naman ito ng pagiging palatulog niya sa balikat ni Rin. Currently, best friends ang status nilang dalawa, pero sabi ng iba, parang may chemistry daw silang dalawa, pero pareho lang nilang itinatanggi na meron nga ng ganoon sa kanilang dalawa. Pero madalas silang ipair-up sa isa't isa, supportado sila parehong magulang nila sa gusto nila sa buhay.

Nikki Aria - Ang sumunod na nakilala ni Rin, dahil na din kay Allen. Nung una, parang ayaw kausapin ni Rin ito, dahilan sa hindi sigurado kung mapagkakatiwalaan nga ba itong babaeng ito. Pero, pinakita din nito ang kanyang halaga na pwede siyang pagkatiwalaan pagkatapos ng ilang linggo. Madalas nitong tawagin si Rin ng "Edward" which annoys the boy rather a lot, since he doesn't want to be called like his father, but she keeps calling him that so he doesn't really care about it anymore. So far, friends lang sila, no more, no less.

May Praeceptio - Ang pangatlong nakilala ni Rin, si Nikki ang nagpakilala dito. Nakipagtitigan si Rin kay May ng dahil sa parang may kakaiba kasi dito, parang may aura siya na kakaiba, parang komportable siya na kasama ito, pero hindi siya nagpapalinlang kaya nakipagtitigan siya rito. Mas mabuti ng nakaksiguro siya na hindi peke yung pagiging komportable niya kapag kasama niya ito.

Ella Verglas, Net Cielo, Cedric Nova - Mga pinakilala ni Allen nung isang beses na walang ginagawa si Rin, medyo annoyed siya nung pinakilala sila sa kanya, dahil para sa kanya, mas konting kaibigan, mas maganda dahil sa mas mahigpit ang mga bonds niyo sa isa't isa. Pero pinagtiwalaan na din niya ito.

Mafia Group: Silvestre

Affiliation: None as of now, will be updated soon, so stay tuned.

Current Status: Alive


A/N:

So ayun hanggang dyan na lang muna! Sa ibang pagkakataon na yung ibang character. Mahirap kasing gumawa ng ganito eh. So kung may suggestions kayo please, feel free to comment down! ^0^

Teehee! Until next time!~ ^0^/



Cosa NostraDove le storie prendono vita. Scoprilo ora