Chapter 2:

38 0 0
                                    

Rin's P.O.V.

Tanging alam ko lang, may ginagawa sila Mommy at Daddy, pero di ko naman sila tinatanong tungkol dun since, hindi naman ako yung type ng tao na magtatanong ng ginagawa ng magulang sa buhay nila, well buhay nila iyon eh, bakit ko naman papakelaman diba?

Tinignan ko itong lalake sa harap ko ng maigi, tinatantsa ko kung paniniwalaan ko ba siya o hinde. Mahirap magtiwala pa naman ngayon, bukod sa kilala yung pamilya namin nila Allen at nung iba, masyado naman atang out-of-this-world yung pagkakasabe nito na kasama daw ang buong grupo ko ng kaibigan sa Silvestre. 

"Papaano ako makakasiguro na wala kang balak na masama sa akin?"

Hindi man lang  sinagot yung tanong. Bangasan ko kaya itong isang ito?O di kaya, saksakin ko ng kutsilyo? T-Teka, bat pagsaksak ang pumapasok sa isip ko? 

Akmang magsasalita pa lang yung lalake nung bigla kong hinablot yung kwelyo ng damit niya, at iniuntog yung ulo niya sa pader. Nainis pa ako lalo dahil sa ngumiti ito. Inilakas ko pa yung paguntog ko sa ulo niya sa pader. Nakakabwisit! Nagawa pa nitong ngumiti-ngiti e duguan na nga yung ulo niya. Iuuntog ko pa sana siya ng isang beses nung biglang may narinig akong kasa ng baril. Mabilis kong binitawan yung lalake, at inagaw ko yung baril nung lalakeng kapapasok na nagkasa ng baril. Nagulat siya nung nakitang gising ako. Tinutok ko sa ulo niya yung baril at walang alinlangan na binaril siya sa ulo niya. Bumagsak naman ito ng duguan at di na nagsalita ulit. Paglingon ko dun sa iniuuntog ko sa pader kani-kanina lamang, wala na siya doon. Napansin ko na may bahid ng dugo sa sahig kaya sinundan ko ito, nakaabot ako ng CR nung saktong lumabas naman yung lalake. Nakangisi pa rin ito na tumingin sa akin, tsaka nagsalita.

"Parehong-pareho kayo ng ama mo talaga. Anlakas mangbugbog ng tao. Mag-ama nga kayo, mi ultimo pagpatay ng tao, pareho rin, ni hindi mo man lang tinanong kung ano yung pangalan ng pinatay mo, ano ang kailangan niya. Tsk." 

Walang isang segundo, nasuntok ko na agad siya sa tiyan, pagkatapos nun sabay isang sipa sa tagiliran niya, suntok sa mukha.Susuntukin ko pa siya nung bigla niyang nasagi yung kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Ibinagsak niya ako  sa sahig at nanakit na ang likod ko sa lakas at biglang  pagkabagsak niya sa katawan ko, nung nagsalita siya, halata mo na seryoso ito at hindi na nakikipagbiruan.

"Gusto mo ba talagang patayin na kita dyan kahit anak ka ng Boss ko?"

"Sinong Boss?"

"Si Edward Silvestre."

"Paano mo nakilala ang ama ko?" Naguguluhan ako, papaanong kilala nitong isang ito ang ama ko.

"Simple lang naman, muntikan na niya ako mapatay noonn." H-ha? Patayin?

"Ano namang ginawa mo para gawin sa iyo yun ng ama ko?"

"Wala naman masyado, sadyang badtrip nga lang nun yung ama mo, nung nakilala ko siya."

"......."

"Nga pala, tapos ka na bang mangbugbog?"

"S-Siguro."

"Bago ko iexplain ang lahat, ako nga pala si Blare"

Blare? Bakit parang pamilyar?

"Ako nga pala si Cesar."

"Ok, ngayong kilala na natin ang isa't isa,  naging parte ng Mafia ang magulang mo dahil ang magulang nila ay kasama dun, at yung ama mo yung Big Boss ngayon."

"Teka, ano ba yang Big Boss na yan?"

"Big Boss- yan yung term na ginagamit kapag yung tao yung bumuo sa  isang Mafia Group."

"Ahh. Pero, sabi mo matagal na yung Mafia Group na kinabibilangan ng ama ko."

"Oo. Yung lolo mo pa yug nagsimula ng Silvestre, sumunod lang ang ama mo, pagkatapos, nun ay ikaw na ang susunod na hahawak sa Silvestre."

"T-Teka, ako, hahawak ng isang Mafia group, eh ni hindi nga ako marunong bumaril ng maayos eh"

"Pero marunong kang sumuntok at sumipa."

"Still, how can I know that I can trust you?"

"Fine then, mapakita na nga sa iyo para sigurado ka"

Tinanggal niya yung long sleeve niyang polo at nakita ko ang simbolo na meron si Papa sa braso niya, nga lang nasa dibdib yung sa kanya. Nakita ko yung simbolong yun nung bata pa ako.

"O, ano, ok na ba? Pwede mo na ba akong pagkatiwalaan?"

"Sige."

"Like I said, ikaw nga yung susunod na hahawak sa Silvestre, kaya sinisigurado ng mga magulang niyo na merong nagbabantay sa inyo bawat minuto."

"Bawat minuto? Teka, pati ba pagtulog namin?"

"Malamang, baka mamaya biglang may pumasok sa bahay niyo o di kaya, sumabog ang bahay niyo. Pero madali nga kayong bantayan eh."

"Ha? Paano naman kami naging madaling bantayan?"

"Simple. Magkakasama kayo, so sama sama lang din kami ng mga nagbabantay sa inyo kapag uuwi lang kayo kami nagkakahiwa-hiwalay."

"Teka, sino pa yung iba?" Naiintriga na ako

"Ako, si Jack, Ruby, Leon, Nico, Steve, at Luke ang mga nagbabantay sa inyo. Pero wag kang mag alala, wala kaming balak na masama sa kahit isa sa inyo. Like I said, pinababantayan kayo sa amin ng mga magulang niyo."

"Tch. Sabi mo eh, sige ikaw na pinagkatiwalaan"

Umiling-iling na lang itong si Blare. Binigyan niya ako ng isang singsing, simple lang naman yung design nito, silver lang na walang halong disenyo, alam ba nito ang mga gusto ko pagdating sa mga ganito?

"Isuot mo lang yan pagnagkahiwa-hiwalay kayo ng mga kasama mo. Parang locator yang singsing na yan, pero pwede mo namang hindi isuot kung gusto mo. Hindi kita pipilitin."

"Hmmm sige, pero paano pag may kalaban ako?"

"Simple, diba locator nga yan, labanan mo muna yung kalaban mo hangga't wala pa ako, pero sandali lang yun. Ok?"

"Ok"

"Masyado na tayong nagtatagal dito, bumalik ka na sa mga kasama mo, maguuwian na, pero bago ka lumabas, eto."

Inabutan niya ako ng damit pang eskwela, tinignan ko yung damit ko, at doon ko lang napansin na puro dugo pala yung polo ko. Walang imik na nagpalit ako ng damit, tutal wala namang tao na dumadaan eh, pagkatapos nun kinuha niya yung damit ko na duguan at walang imik na tinapon.

Tumingin siya sa akin at sinabing:

"For your first kill, you are very much experienced on where to shoot your enemy to silence them for life. Keep it up!"

Umiling na lang ako at umalis na Nurse's Office, dala dala ko yung bag ko teka, nakakapagtaka lang, bat walang tao dito? At papaanong naandoon ang bag ko sa tabi ni Blare bago ako umalis? 


Cosa NostraWhere stories live. Discover now