Chapter 8:

23 0 1
                                    

Net's P.O.V.

Nakakabwisit. Paano ba naman eh andami pa ng proyekto, tapos padating na rin ang Foundation Day ng school. Meaning, dagdag trabaho para sa amin na 4th year, since kami ang naghahanda ng mga booths.

Currently, ako ang head ng Movie Booth, well basically, kaming dalawa ni Ella, pero that aside, kaya kong imanage naman ng maayos. Nga pala, naghahanap pala ako ng movies na ipapakita sa Foundation Day since, anlapit na niya. -_-

Tinawagan ko si Cesar kani-kanina para humingi ng idea, sabi niya anime na lang daw. Sabi ko Movie eh bakit anime? Sabi naman niya, edi wag basta romance daw yung genre.

Edi ayun, hanap ako ng Romance Genre na mga movies. Medyo madami dami ang nakita ko, kaya ayun, todo download na. Pero nakakapagtaka, bakit puro Romance ang genre ngayon eh last year diba Adventure? Ang alam ko dapat Thriller ngayon, pero sabi niya Romance edi sige, puro Romance na lang ang idodownload ko. Pero naglagay na din ako ng konting sa iba't ibang genre, para safe.

Ewan ko ba kung ako lang ba o ano eh. Pero lately, si Ella lang ang napasok sa isip ko. Pero syempre, studies first, romance later. Ganun akong type ng tao, hindi ako basta basta gagawa ng desisyon na hindi ko naman mapapanindigan. Pero naweweirduhan ako eh, paano ba nalalaman kapag in-love ka sa isang tao?

Kasama na ba dun yung pagiging kabado mo kapag naandyan siya?

Pati din ba yung para may kuryente na ewan kapag nagkakadampi ang parte ng katawan niyong dalawa?

O yung parang hindi ka mapakali kapag wala siya? Yung parang kinakabahan ka na baka may mangyareng masama sa kanya at wala ka doon? Argh. Nakakasira lang ito sa pag-aaral ko, teka bakit lumipad yung isip ko? Hindi ba dapat nagdodownload ako? *kamot ulo*

Pagtingin ko sa laptop screen, tapos ng madownload yung mga video. Orayt! Next up, Assignments, Projects at Reviews. Pota, ansaya talaga ng buhay. Taena, mamatay kami ng hindi oras nito eh. Grabe naman kase eh, andaming pinapagawa, uso naman kaseng hindi pagsabay-sabayin. 

Pagkatapos kong gawin yung mga proyekto, natulog na ako. Haay, juice colored, Foundation Day na pala sa ikalawang araw.

The next day....

Nikki's P.O.V.

LATE NA NAMAN AKOOOOOOOOOOOOOOO~ 

Haay, sabi na hindi effective yung ginagawa ko eh. -_-

Paano ba naman naging effective ang pagseset ng alarm na may interval na 4 na oras? O.O

Tapos ginising na lang ako nila Mama, anong oras na.

Edi ayun, nagmamadali na lang ako sa paghanda sa school, palagi kasing napapasarap ang tulog ko eh. Bakit, tanong niyo? Eh paano ba naman eh nakikita ko palagi yung gusto kong tao, si Jack!

Paano ba naman eh yung napanaginipan ko ay nagkita kami ni Jack, tapos inaya niya akong lumipad! Pero nagtaka ako kung bakit at papaano kami lilipad, eh wala naman kaming pakpak eh. Sabi niya basta, hawakan ko na lang daw yung kamay niya, edi sige, ako naman si susunod-sunod hinawakan ko nga yung kamay niya. Tapos, naramdaman kong parang umaangat yung paa ko mula sa lupa.

So ganito pala feeling ng nalipad, parang nakakatakot eh. Lumulutang ako, pero medyo nakakahilo din pala, hindi kasi ako sanay eh. Ngayon lang kasi ako nakaranas na lumutang sa ere. Pero ang saya saya! I wonder kung bakit ang mga tao hindi nakakalipad? Ay shunga, wala nga kasing pakpak o mahika hindi ba? But still, nagbigay ito ng idea sa akin na magimbento! Teehee, pwede pala akong gumawa ng pakpak na magrerelease ng either bombs or gases against the enemies, pero mahirap. Baka mamaya kami yung maapektuhan nung gas. So, I'll stick with the bombs.

Cosa NostraDonde viven las historias. Descúbrelo ahora