Chapter 6:

18 0 0
                                    

May's P.O.V.

Alam ko naman na alam agad ni Rin na may balak kami eh. Malakas siyang makakutob kapag may tinatago kami sa kanya, at normally mahuhulaan niya agad ito kahit wala kaming sinasabi sa kanya. Weird diba? Pero, ganyan naman kase siya eh, magaling magsolve ng mga misteryo. Isa pa ngang trait niya ay ang pagiging all-around leader na kailangan mo, yung tipong gusto mo siyang makagrupo dahil alam niya pal;agi kung papaano gagawin an isang bagay? Kahit nung unang beses pa kami nagkakilala. 

~Flashback~

Currently, inaantay ko si Nikki ngayon, may sasabihin daw siyang mahalaga. Kapag joke lang iyun, hindi ko na siya matatansta. After for more or less 15 minutes, dumating na siya na may kasamang lalake. Teka BOYFRIEND NIYA BA ITO!? BAKIT HINDI MAN LANG NIYA SINASABI SA AKIN!? 

Habang nakikipag-usap ako kay Nikki, napansin kong tinititigan ako nung lalaking kasama ni Nikki. Teka, wag mong sabihing may trip itong isang ito sa pakikipagtitigan. Nakipagtitigan ako sa kanya, at yung atmosphere nagbago bigla. Ang intense naman nito masyado kung tumitig. Grabe! Parang tinititigan niya yung kaluluwa ko, tapos kukunin eh. Ewan ko ba pero parang pareho lang sila ni Allen kapag tumitig eh. Para kang matatakot na ewan. Hindi naman kaya kapatid ito ni Allen. Pero ang sabi naman sa amin ni Allen may kaibigan siyang halos kapareho niya sa lahat ng bagay, maliban nga lang sa hitsura, in short, para silang kambal na hindi, at mas matagal na daw niya kilala yung isang yun kesa sa amin, at wala siyang kapatid. Which is weird, kase never kong nakitang makipagkaibigan si Allen bigla.

HINDI NAMAN KAYA ITO NA YUNG SINASABI NUNG GUNGGONG YUN?

Pero hindi naman siguro di ba? Kasi parang wala silang, pagkakapareho ni Allen eh.

That's what I thought, but it looks like I was wrong about judging him in the first place.

Hindi kami nakapagusap ni Rin noon simpleng "Hi"at "Hello" lang ang unang convo namin. Hindi pala siya palasalita. Madalas siyang tahimik kapag may nag-uusap,  mabilis mawala ang pagiging interesado niya sa isang bagay, hindi siya palangiti, madalas bigla-bigla siyang mawawala, tapos lilitaw siya maya-maya. ETO NA SIGURO IYON NO DOUBT! 

Pero paano siya nakilala ni Nikki? Kase, since parang detached siya sa buong mundo, yung tipong walang pakialam kung may nagpapatayan o kahit anong mangyareng masama, parang ayaw naman niyang makipagusap or anything kapag inaapproach mo siya. Hindi naman kaya boring ako? Kase nakikita ko lang siyang nakikipag-usap madalas, kasama si Nikki o si Allen.

Nagkaroon ng formal introduction nung kumpleto na kami nila Cedric. Huminga ng malalim si Allen, at tapos hinawakan niya yung kamay ni Cesar at pinakilala kami ng isa isa.

Ang una niyang pinakilala ay ako.

"Cesar, ito si May. May, si Cesar Silvestre, ang kakakambal kong kaibigan." 

"Hi! Ako nga pala Si May Praeceptio, anak nila Maria at Adrian Praeceptio."

Tumango lang siya sa akin. Haay sabi na eh. Sadyang hindi naman din kasi ako palasalita na tao, kaya nung nagsalita ako parang kinakabahan at kamuntikan pa akong mautal.

Sumunod naman si Ella Verglas, tapos si Net Cielo, Cedric Nova, si Nikki Aria, maliban kela Allen at Nikki, tinititigan lang niya kami. Medyo naiilang na kaming apat sa kinikilos ni Rin, kasi kapag sila Nikki, at Allen ang kasama niya, parang ang saya saya niya, pero hindi namin dama yun kapag kami ang kasama niya. Siguro dahil hindi pa niya kami basta basta pinagkatiwalaan.

Ganyan ang unang convo namin na magkakatropa. Batian. Ang ganda di ba? Pero, unti unti ring naging malapit ang loob ni Rinsa amin. Siguro tinitignan niya kung hanggang saan ang kaya naming tagalan. Pero, madalang siya makipagusap pa rin sa amin eh, kahit na rin kay Nikki. Pero maliban kay Allen, palagi siyang nakangiti kapag kasama ito, lalo na pagdating sa kalokohan, pero mabait naman sila pareho.

~End of Flashback~

Minsan nga eh, parang naiinggit ako kay Allen, kasi ang close talaga nilang dalawa. Pero, naging close din naman kami ni Rin, pero mas alam namin na mas close sila ni Allen, so shut up na lang kayo. Pero, nagulat kami dahil sa akala namin ay para sa kanya lang yung mga binibili niya kanina sa boutique. Yun pala, para pala sa amin, pero may binili din naman siya para sa sarili niya, pero mas dinamihan niya ang para sa amin, alam niya ang mga gusto at ayaw namin sa damit. Simple lang yung binnigay niyang damit sa akin, pero may nakita akong gun pockets, lalagyan ng magazine, at mga bomba sa ibang parts ng jacket na hindi mo pansin. Alam na din niya siguro yung tungkol sa Silvestre Mafia Group. Matagal na akong nasabihan nila Mommy at Daddy. Bago pa lang ako pumasok ng highschool alam ko na. Si Nico ang nagbabantay sa akin, nakilala ko siya nung grade 3 ako. Nakakatawang isipin yung nangyare noon. Inaya niya akong maglaro sa playground na malapit sa bahay namin. Sumama naman ako, kasi nakita kong kausap siya ni Dad nung hinatid ako ni Dad sa school. Si Nico nga yung sumusundo sa akin eh, pero bago ako umuwi sa bahay, naglalaro muna kami sa playground, o ipapasyal niya ako.

Nung sinabi sa akin nila Mommy Maria at Daddy Adrian ang tungkol sa pagiging parte ng Silvestre Mafia, hindi na ako nagulat. Open naman kasi sila Mommy tungkol sa Silvestre, pero naging seryoso sila nung kinakausap nila ako tungkol sa pagiging parte nito at yung buhay ko na pwedeng malagay sa panganib kung hindi ako mag-iingat. Kaya daw may nakabantay sa akin sa lahat ng oras. Sinabi din nila sa akin na kailangan ko na daw magsanay para if ever na wala daw si Nico, kaya kong depensahan ang sarili ko. 

Don't get me wrong. Kaya kong pumatay kung gugustuhin ko. Si Nico ang nagtatrain sa akin kapag wala akong magawa sa bahay, pwera lang kung may kailangan akong tapusin na school-related things, tulad ng exams, quizzes, recitation at mga projects. Pero, most of the time, tinutulungan niya ako sa mga ito. Ewan ko nga ba kung bakit ang bait bait nito sa akin, kahit na muntikan ko na nga siyang mapatay nung isang beses na nagsanay kami. Isang parte ng pagsasanay namin ay yung paggawa ng imbensyon, at masasabi kong yun ang pinakanagustuhan ko sa lahat ng kailangan kong pagsanayin. Ewan ko nga ba kung bakit trips ko ang magimbento? Kasi parang, may instinct na lang ang kamay ko na kalikutin ang mga bagay-bagay at gawaan ng parang modification sa normal use nito. Isa sa mga nagawa ko na ay yung pencil na may switchblade na maliit na pwede mong gamitin para self-defense mo incase, na may umatake sa iyo.

Mahilig din pala akong humawak ng baril. Kahit gaano kalayo ang target ko, kaya kong tamaan agad sa isang putok galing sa baril,  siguradong patay ka na. Pinag-aaralan ko kase yung Anatomy of a Human Body, syempre, para fatal blow kaagad ang ibibigay ko sa iyo, para walang chance na masabi mo sa iba kung sino ang bumaril sa iyo. In short, 1 bullet : 1 target. Strictly no chance for you getting out of my sight alive.

A/N

So far konti pa lang ang alam niyo sa mga characters, kaya gagawa na lang si Author ng isa o dalawang chapter na ang laman ay ang mga infor tungkol sa mga charcters!

Ok lang ba yun?

Pwede niyong i-comment kung agree kayo o hinde ok?

Yun lang!

~Until next time~ ^0^/

Cosa NostraTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang