Chapter 5:

15 0 0
                                    

Allen's P.O.V.

Haay, lagot ako neto kay Rin, binabaan ko kasi ng tawag eh. Paano ko ba naman kasi hindi bababaan, baka mamaya masabi ko na yung sorpresa namin sa kanya. Nga pala, nagtataka kayo siguro kung anong meron at nagsabi ako ng ganun hindi ba?

Well, kase ganito yun.

For 8 years na kami magkakaibigan sa grupo. Kaya naisipan namin na magcelebrate ngayon, pero hindi namin sasabihin kay Rin. Kase may gagawin kami mamaya sa kanya. Secret yun! Kaya hindi ko sasabihin sa inyo. ^0^V

So eto, iniintay namin si Rin. Teehee! Mabait akong bata, kaya ayun, kumpleto na kaming 6 at siya na lang ang iniintay, to be honest, ang aga nga namin eh. Kasi normally, kaming 2 ni Rin ang nauuna, marahil dahil sa ayaw namin ma-late. Sumunod naman si May, ang pinakahuli naman ay si Nikki. Siya ang pinakalate pagdating sa paggising eh, pero siya naman ay una pagdating sa paggagala.

So, anyways, since Friday ngayon, at kagabi lang namin nalaman na kasama kami sa Silvestre and stuff, pero hindi ko pa kilala yung mga nagbabantay sa amin, paano ba naman eh ayaw sabihin nila Mama at Papa, up to me to find out kung sino. -_-

Nakita naming padating na si Rin, at tumingin ako sa relo ko, 6:50 sharp siya ah, parang same old time na pumapasok kaming dalawa, pero, bakit parang masama ata yung mood niya? HALA! Binabaan ko nga pala siya ng cellphone, patay. Sayang ang effort niyan nila May, kapag sinabi ko. T^T

As usual, pumasok na kami at umupo na sa mga respective seats namin. Pero napapansin ko lang kay Rin, para kasing occupied masyado yung isip niya. Hindi naman kaya pinagpaplanuhan na niya kung papaano niya ako papatayin? Wahh masyado pa akong bata para mamatay, madami pa akong gustong makamit sa buhay! TOT

Bigla na lang siyang lumingon sa akin at ramdam ko yung aura niya, nagagalit, nalilito, naiinis, at gustong pumatay na aura ang pumapalibot sa kanya ngayon, nakakatakot pa naman ito kapag nagalit. Tulungan niyo ako! Ilayo niyo ako dito! GUSTO KO PANG MABUHAY DAHIL MAY PANGARAP PA AKO SA BUHAY KONG ITO! >.<

Rin's P.O.V.

Pambihira yung teacher, ang hirap kaya nung assignment na binigay niya! San ka ba naman nakakita ng give 200 examples ng kanta na kailangan di kayo magkakatulad at take note, mula 2008 hanggang 2009, at iisa lang ang genre, Pop. Syempre, merong magkakatulad dyan, ako nga eh, halos lahat ng nakita namin nila May ay pare-pareho. Tangina lang kase eh, sa dinami dinami ng taong hahanapan , 2008-2009 pa? Pabitay ko itong teacher na ito eh. -_-

Pero walang magagawa, nagawa na eh. Bahala na si Batman at si Superman kahit magapatayan sila dyan basta akin lang si Allen. HALA TANGINA ANO ITONG NAISIP KO! AJSKDFHJKASDFASDJKL Erase that. Wala akong gusto dun sa lalakeng yun, WALA ang umangal dyan, tanga! O, may aangal?

Edi ayun, puro discussion, stuff and more shit ang tinuturo sa amin. Bakit ba kase nakakaboring ang eswelahan? Kung sunugin ko na lang kaya itong school na ito? -_-

Natapos na din ang buong araw at magyayaya na sana akong umuwi nung bigla namang nagyaya sila May na maggala daw ngayon. Edi wow, sumama na lang ako, pero syempre nagtext muna kela Mommy, baka mamaya akala kung anek na ang nangyare sa akin. So, pumunta kami sa Mall, at nagyaya si Niki, na magshopping daw kami ng damit. Edi sige, punta kami sa isang boutique. andaming jacket, vests, at mga sweaters dun! *-*

Hindi niyo nga pala alam, pero mahilig ako sa jackets, vests, o mga katulad nun? Lalo na kapag color black! Favorite color ko yun eh. Ayun, edi pumili ako sa mga nakita ko at andami kong napili para sa amin. mas madami yung napili kong tight-fitting, syempre para kapag kinailangan namin.

Habang binabayaran ko ang isang basket na pinaglalagyan ng mga napili ko para sa kanila, bigla naman akong hinatak nila Cedric na magsuot ng tuxedo, pero nabayaran ko na yung mga pinamili ko. Pero disappointed ako kasi White yung gusto nilang ipasuot sa akin, aangal dapat ako nung biglang sumama si Allen, at siya yung may dala nung tux. Wala, forced ako tuloy isuot. >_>

Cosa NostraDonde viven las historias. Descúbrelo ahora