3. Their Separate Lives

6 1 0
                                    

Shiro's POV



"Nakauwi na po ako." Sa wakas, nakarating na rin ako sa munti naming tahanan. Nakita ko naman kung gaano kami kakapos. Hayys. Kailan kaya kami maka-aahon sa hirap ng buhay? (╯3╰)



"Kuya! Buti naman at nakauwi ka na, nagwawala na ang mga alaga ng kambal eh." Si Shizu talaga oh, ginamit pang dahilan ang kambal eh siya tong may mga alagang anaconda sa tiyan niya. O(≧∇≦)O



"Kuya! Kuya!" (/^▽^)/(/^▽^)/



Napangiti naman ako sa kambal, sabay pa talaga silang magsalita. Ang cute, manang-mana sa akin! (♥ω♥*)



"Oo na, oo na. Maghahain na ako at mukhang nag-rerebolusyon na ang mga anaconda sa tiyan ng Kuya Shizu niyo. ꉂ (๑¯ਊ¯)σ



"Kuya, sino nagluto ng hapunan natin?"



"Si Elly ng Class C, Cordie ng Class A, at Nero ng Class F." Nakita ko naman na nag-sparkle ang mga mata ng kambal.



"Yehet! May macharap na cookies galing kay Ate Nero!" ♥(✿ฺ'∀'✿ฺ)ノ sigaw ni Seanna habang kumikinang ang mata.



"Wow! Machalap nga yun! Kain na tayo, Kuyaaa!" ヾ(@^▽^@)ノ sigaw naman ni Senne habang pumapalakpak.



Hayss. Kambal nga naman...



"Ah, basta! Si Ate Cordie pa rin ang pinakamasarap magluto sa kanilang lahat!" sigaw naman ni Shizu sa kanilang dalawa habang nilalantakan niya na ang Chicken Fillet ni Cordie.



Napapangiti talaga ako ng mga kapatid ko. I really love these kids. (◍•ᴗ•◍)❤



"Oh, asan si Mama? Sabihin mo kakain na." saan naman kaya nagsusuot ang lakwatsera kong Dora na Mama? ('・_・')



"Ah... Eh... Umalis siya eh." sagot ni Shizu. Parang may naaamoy akong hindi maganda dito.



"Saan siya pumunta?" (●__●)



"Ih... Oh... Hindi ko alam eh."



"Shizu?" ಠ_ಠ mukhang alam ko n kung saan. Halos wala na nga kaming may maulam, gumagastos pa siya.



"Uh..."



"SHOPPING!" sigaw ng kambal. Sinasabi ko na nga ba eh! Ang tigas talaga ng ulo ni Mama! (¬_¬)ノ



"Ayaw magpapigil Kuya eh. Sorry..." sabi ni Shizu. Ano ba naman yan? Dapat inaalagaan niya ang mga kapatid ko, hindi yung puro na lang siya shopping!



"Hayys. Ayos lang yun, Shizu. Basta sa susunod wag mo na pagtakpan pa si Mama ha?" (҂⌣̀_⌣́)



"Opo, Kuya! Pramis, peksman, mamatay man si Superman!" ginaya niya pa talaga ang post ni Superman. Hahaha! (°∀°)b



"Kambal?"



"Pwamis! Cross our hearts!" sigaw ni Seanna. 乂❤‿❤乂



"Hope to die." bulong ni Senne. Parehos nilang kinross ang mga hearts nila at nag-pinky promise pa sakin.



Ang bait talaga ng mga kapatid ko... Manang-mana sakin! ^________^



"Oh, sige. Kumain na kayo at aalis na ako." paalam ko sa kanilang tatlo.



"Kumain ka muna bago ka umalis, Kuya!" Awww. Ang sweet talaga ng mga kapatid ko. ( ˘ ³˘)♥



"Hindi na, doon na lang ako sa bar kakain. Sige, ingat kayo dito ha? Wag na kayong lumabas at gabi na. Bye-bye!" (^.^)

Ang Malungkuting TsokolateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon