❀Shiro's POV❀
Kinausap na ako ni Sir Zander, ang manager ng bar, kung ano ba talaga ang nangyari kanina. Nakarating na rin pala kay Sir Charles yung nangyari at kausap siya ngayon ni Sir Zander. Hayys. Sana naman hindi ako masisante at mawalan ng scholarship. (╥_╥)
Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako makapaniwala... Ang babaeng maganda at palaban na tinawag kong 'Grumpy', na siya ring sumuntok sakin ng napakalakas ay ang unica iha ni Sir Charles Schultz na si Chise Erin Schultz. (◎_◎;)
Naman eh! Bakit kasi hindi ko siya nakilala? Yan tuloy mukhang babawiin na ni Sir Charles yung trabaho at scholarship na binigay niya sakin. (┳Д┳) Bakit naman kasi ang sarap asarin ni Young Lady Chise kasi? Nagpa-pout siya tapos pumupula yung pisngi niya --- ang cute! ヽ(*≧ω≦)ノ Pero, teka! Lagot talaga ako eh, huhuhu. o(╥﹏╥)o
"Shiro."
"Aaah!" Nagulat ako dun, muntik na ko ma-heartattack. T^T Sir Zander talaga oh! Huhuhu!
"Sir! Ano pong sabi ni Sir Charles? Sisante na ba ako? Mawawalan na po ba ako ng scholarship?"
"Sorry..." ಥ⌣ಥ Uwaaaaaa! Sa kalye na lang kami pupulutin ng mga kapatid ko! Basurero na lang ang magiging propesyon ko. Huhuhu! (╥_╥) Katapusan na ituuuu~
"Sorry daw dahil sinapak ka ng anak niya at hindi ka daw niya tatanggalan ng trabaho at scholarship." Hanudaw? ⊙︿⊙ Parang nabingi yata ako? Tama ba yung narinig ko?
"Ano po, Sir?!"
"Walang ulitan sa bingi, bleh!" Aba't! Narinig ko kaya! Bleh ka rin! O(≧∇≦)O
"Hooray! Thank you, Sir! Thank you talaga! Thank you, Sir Charles! Thankies so much!" Ang sayaaa! Hindi ako nasisante at tuloy pa rin ang scholarship ko! ヾ(@^▽^@)ノ
"Oo na, oo na. Pero..." What?! May 'pero' pa? May parusa siguro ako... Huhuhu! (っ˘̩╭╮˘̩)っ
"Pero ano po?"
"Pero..."
Lub. Dub. Lub. Dub. Lub. Dub.
ಥ⌣ಥ "Ampupu! Kinakabahan ako sa inyo Sir eh!"
"Hahahahaha!" Tamo to! Pinagtatawanan lang ako, ipasapak ko kaya to kay Young Lady? *u*
"Biro lang, eto naman ang nega! Kailangan mo daw maging butler ni Young Lady."
"Sus! Yun lang naman pala e---- ano?! Gusto niya ba akong ma-comatose at mamatay?!" Bugbog sarado ako nito. Huhuhu! (T⌓T)
"Hahaha! Yan kasi inasar mo eh!"
"Ang sarap niya asarin eh! Huhuhu!" (ㄒoㄒ) Mukhang mapapa-aga ang kamatayan ko, ni hindi man lang ako nakapag-girlfriend. NGSB till death ang peg ko. (_ _)"
"Hahahaha! Pumunta ka na sa Schultz Mansion ngayon. Hinihintay na don ng Head Maid na si Madame Catherine. Andiyan na sa labas ang sundo mo, siya na ang maghahatid sayo sa Schultz Mansion." Karakaraka talaga?! Wala pa nga akong handsome rest eh. =_=
"Roger that, Sir."
"At isa pa pala..." Tiningala ko naman si Sir, mukhang seryoso ang sasabihin niya eh.
"Text mo ko kung saang hospital ka ha? Tsaka yung room number mo, para mabwesita kita. Hahaha!" Walanjo! Naisahan na naman ako... ( ̄~ ̄;)
"Loko ka, Sir! Alis na ako!" Nakalabas na ako ng pinto at may pahabol pa si Sir.
"Umilag ka kay Young Lady ha! Hahaha!" Kaasar naman si Sir eh! -3-
Sa labas ay may naghihintay na black Cadillac, mukhang ito na ang sundo ko. Waaaw. *Q*
Sana naman lumamig na ang ulo ni Grumpy. Hehehe! ^_______^ Ayoko pa ma-ospital eh. (^_^;)
"Good Evening. Are you Mr. Shiro Fiquora?" Tanong sakin nong lalaking mukhang driver yata ng kotse?
"Yes, are you the one to take me to the Schultz Mansion?" Aba syempre, spokening dollar dapat! Ayaw ko magpatalo sa isang driver no! ヽ(^。^)丿
"Yes, Mr. Fiquora." Pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse at pumasok na ako.
Blah! Hindi ako sanay sa aircon, baka mamatay ako nito. ಥ_ಥ Pinaandar niya na yung sasakyan. Matagal-tagal rin siguro bago kami makarating sa harap ng napakalaking gate na may nakasulat na 'Schultz Mansion'. Akala ko diretso na yon sa bahay nila pero may parang park pa kami na dinaanan. Wala rin naman akong masyadong makita dahil gabi na. ┐( ̄ヮ ̄)┌
Huminto naman kami sa tapat ng isang palasyo. Wow! *0* Ang laki ng bahay! Nagkalat rin ang mga guards na nagbabantay sa bahay. Sinalubong naman ako ng mga nakahilerang mga butler sa left side at mga maids sa right side. Hindi naman sila masyadong marami oara magsilbi sa isang tao no? ('ε`*)
"Welcome to Schultz Mansion, Mr. Shiro Fiquora." sabay-sabay nilang sinabi, nakaka-pangliit naman dito. Parang kahit mga servants mayayaman eh! |°з°|
"Hehehe. Hello sa inyo!" ~(^◇^)/ kumaway ako at ngumiti sa kanila, pero hindi na nila ako pinansin. (_ _)" Hanggang sa nakarating ako sa may pinto.
"Welcome, Mr. Fiquora. I'm Sebastian Meade, the Head Butler." Napaka-formal niya... at nakakatakot! O_O
"Hello po, Sir Sebastian."
"Please come with me, Nana Catherine is in the library with the Young Lady. Here we are, go inside." Iniwan niya ako sa harap ng library daw ng mansion. Teka? Bakit parang may nagsisigawan sa loob? Papasok na ba ako? Bahala na nga! ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ
Pagbukas ko ng pinto biglang napatigil si Young Lady at ang matandang babae na kaharap niya sa pag-uusap. Parang galit yata siya? Sana pala hindi na lang ako pumasok... Lagot na! ┐(゚д゚┐)
"Anong ginagawa mo dito?!" ಥ⌣ಥ
××××××××××××
A/N:
Hala! Lagot ka ngayon, Shiro! (づ ̄ ³ ̄)づ I'll update again probably tomorrow, this weekend or next week.
Vote. Comment. Share. ❤
BINABASA MO ANG
Ang Malungkuting Tsokolate
RomansaBuong buhay ni Chise ay ibinigay sa kaniya lahat ng materyal na bagay na kayang bilhin ng salapi, kagandahan, talino at talento. Nasa kaniya na ang lahat maliban sa pagmamahal at kalinga ng magulang at mga totoong kaibigan. Buong buhay siyang nalulu...