Chapter 8

283 20 0
                                    

Day 2 - April 12, 2016

"Yow my bestfriend, bestfriend 'til the very end
Cause bestfriends, bestfriends don't have to pretend
You need a hand and I'm right there beside you."

- Cher Lloyd

--

"Bwisit na Elmo talaga yun! Nakakadalawa na sya ah."

Gigil na sabi ko habang nakahawak sa labi ko. Nakakainis talaga. I feel so molested!

"Anong nakakadalawa?"

Tanong ni Maqui na bigla-bigla na lang sumusulpot sa gilid ko. Nakaluhod sya sa may likod ko habang nakatukod yung kamay nya to support her weight pero yung mukha nya nasa gilid ng mukha ko dahilan para mapausog ako palayo sa kanya.

"Ay kabayo! Ano ba yan Maq! Bakit ka ba nanggugulat?"

Hawak ko sa dibdib ko. Tiningnan niya lang ako ng malaman. Umayos siya ng maayos and crossed her arms.

"Anong tingin yan?"

Iwas tingin kong tanong.

"Anong nakadalawa ha, Julie Anne? Umamin ka!"

She threw me a death glare that made me gulped.

"Anong aaminin ko?"

Painosente kong tanong. Lying is really not my thing kaya kinakabahan na ako baka alam na ni Maqui yung pangmo-molestiya ni Elmo sa labi ko.

"Sinuko mo na ba ang bataan?"

Nagulat ako sa sinabi niya pero napatawa ako ng malakas. Not what I expected. So it's a sigh of relief.

Nakapamaywang lang si Maqui sa harap ko. Pinapanood niya akong tumawa.

"Ang lakas talaga ng sense of humor mo bes. Iba ka!"

Sabi ko pagtapos kong tumawa. Pinunasan ko yung gilid ng mata kong namasa sa kakatawa.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Taas kilay na tanong nya.

"Sabi ko nga hindi ka nagbibiro eh."

Nakapamaywang at nakatingin pa rin siya sakin. Parang naghihintay ng sagot. 

"Fine. Fine. Dalawang beses na kaming nagkiss ni Elmo."

I confessed. She's my bestfriend. No secrets between us and I know Maqui will always be there for me and so do I for her.

"..."

Blangko lang yung ekspresyon niya. Mukhang nagulat sa sinabi ko or di pa siguro nagsi-sink in.

*MAQUI'S BRAIN LOADING...*

"WHAT?! DALAWANG BESES NA KAYONG NAGKI- ashdjdkal"

Dali-dali akong lumapit sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Baka marinig ni mama. Nandyan pa naman sya ngayon. Napakalakas pa naman ng boses ni Maqui parang laging may kaaway.

"Ssshh! Wag kang maingay. Baka marinig ka ni mama."

Inalis niya yung kamay ko sa bibig nya at po-protesta pa sana siya pero tinaasan ko siya ng kilay to warn her. Kinalma naman niya ang sarili niya.

"Kwento!"

Kinwento ko sa kanya yung nangyari sa clinic and yung nangyari kani-kanina lang.

"Sinasabi ko na nga ba! May gusto talaga sayo yung Elmaw na yan eh... Wag ka na ngang lalapit dyan!"

The PromiseWhere stories live. Discover now