Chapter 14

187 13 0
                                    

"I miss you
It's crazy to pretend that I don't think of you
The more this feeling just seems to grow and grow
I miss you."
- MYMP

--

One month na ang nakakalipas simula magback to school. Hindi ko alam kung naipasa ba niya yung summer niya. Hindi ko tinatanong at hindi niya rin sinasabi. Hindi pa kami nagkakausap ulit. Hindi siya nagpaparamdam.

"Bakit ang tamlay mo lately?"

Worried na tanong ni Maqui sabay kagat sa sandwich niya. Nagkibit balikat lang ako.

"Tapos panay ang tingin mo sa phone mo. May hinihintay ka bang text or tawag?"

Umiling ako. Bumuntung hininga siya.

"Is it Elmo?"

Walang paligoy-ligoy na tanong ni Maqui. Yumuko ako.

"I knew it. What happened?"

Bumuntung hininga ako at kinwento ang nangyari nung nagsimba kami.

"Wait. Wait. Elmo is jealous to the baby?"

Natatawang tanong ni Maqui.

"Yes. He admitted it."

Tumawa ng malakas si Maqui.

"What the fuck."

She cursed and laughed hard. Tinitigan ko lang siya.

"Sorry. Continue."

"Then, ayun na nga. Hinatid niya ako sa bahay. Walang umiimik saming dalawa. Tahimik siyang nagda-drive habang nakatingin ako sa bintana. Hindi ako nagsasalita kasi hindi ko alam sasabihin at hindi pa nagsink in sakin na nagseselos siya. Tapos hindi na siya nagparamdam."

I sighed.

"Call him."

Maikling tugon ni Maqui. Umiling ako.

"Ayoko."

"At bakit?"

Mataray na tanong ni Maqui.

"Ewan. Basta ayoko. Hindi ko alam sasabihin ko."

Nasapo ni Maqui ang noo niya.

"You miss him, do you?"

"Of course not."

Deny ko.

"Oh my ghad. Such a big liar. Lokohin mo na lahat. Wag lang ako. Kilala na kita, Julie Anne. Don't me."

Irap niya. Am I that obvious? Tiningnan ko ang oras. 15 minutes before 1:30 pm.

"Malapit na magtime. Tara na."

Pag-iwas ko sa topic. Tumayo naman siya at naglakad na kami hanggang sa classroom.

"Nakapagreview ka ba para sa exam natin sa math?"

Tanong ni Maqui nang makaupo kami na kami sa upuan namin.

"Slight."

Kibit balikat kong sagot.

"Pakopya ha. Alam mo namang mahina ang brain ko sa punyetang numbers with letters."

Iritang sabi ni Maqui na siyang ikinatawa ko.

"Basta pag sumenyas ako sayo. Alam mo na. Sulat mo yung sagot sa scratch. Tapos ibigay mo sakin."

She ordered. Tumango na lang ako. Maya-maya'y dumating na yung prof namin. Nakaone seat apart na kami kaya binigay na lang yung test paper at inexplain ang instructions.

The PromiseWhere stories live. Discover now