Chapter 13

284 15 0
                                    

i feel it comin' it's flushin' my face
i feel it comin' jealousy baby
i feel it comin' it's boilin my blood
i feel it comin' jealousy baby
- Iggy Pop

--

It's saturday today. May saturday class ako. So, nandito ako sa school ngayon. Medyo wala sa sarili dahil sa nangyari kagabi.

"Is he your boyfriend?"

Blangko ang ekspresyon ng ginang. Hindi naman ito nakikita ng dalaga dahil nakayuko siya. Umiling ito.

"Sino siya?"

"K-k-kaibigan ko po."

Nanginginig na sagot ni Julie. Hindi na muling nagtanong si Marivic. Narinig na lamang ng dalaga ang yapak nito paakyat. Nilingon niya ang ginang na kasalukuyang nakatingin sa kaniya. Nakasuot pa ito ng pang nurse na uniform at halata sa mukha nito ang pagod.

"Clean that mess and don't bring him or any guy here again. Understand?"

Malamig na sabi ng ginang at saka pumasok sa kwarto niya. Hindi na niya hinintay na magsalita si Julie.

Pagkagising niya kinaumagahan ay wala na ang mama niya. Malamang ay pumasok na ito. Wala siyang nadatnang pagkain sa lamesa na nagpatotoo sa hinala niyang galit ito. Malungkot siyang nag-ayos for school. Hindi siya sanay na ganun ang mama niya sa kanya.

"Maybe she's just being protective."

Sabi ng dalaga sa sarili.

"Are you free this sunday?"

Harang ng lalaking nakauniform sa harap ko na nagpabalik sa ulirat ko. Inirapan ko siya at nagpatuloy maglakad.

"Hey!"

Habol niya sakin. Hindi ko siya nilingon. Dire-diretso akong naglakad.

"Simba tayo bukas."

Napahinto ako sa sinabi niya. Si Elmo magyayaya magsimba? Nagjo-joke ba siya? Nilingon ko siya at tinanong. Baka nagkamali lang ako ng dinig.

"What did you say?"

"Simba tayo bukas."

Inosente niyang ulit. Hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya nang nakakunot ang noo.

"What?" Kibit balikat na tanong niya.

"May sakit ka ba at nag-aaya kang magsimba? Or mamamatay ka na?"

The PromiseWhere stories live. Discover now