Chapter 10

260 19 0
                                    

"I think I'm fallin'
Fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away
But I'll say it anyway
I think I'm fallin' for you."
- Janno Gibbs

--

"Goodluck sa exam!"

Aalis na sana sya nang pigilan ko sya.

"Julie. Sweldo mo."

"Ayy oo nga pala. Sige salamat."

Kinuha nya yun at naglakad paalis. Hinabol ko sya.

"Julie. Ayos ka lang ba?"

Tumango lang sya.

"Galit ka ba sakin?"

Umiling lang sya.

"Uhm, hatid na kita."

"Kaya ko mag-isa."

"Sige na. Hatid lang naman eh."

Pilit ko pa.

"Ayoko nga."

Inis niyang sabi.

"Sige na."

Hinawakan ko yung siko nya. Dahilan para mapahinto sya.

"Ano ba? Ayoko nga magpahatid eh. Ang kulit mo naman! Kaya ko naman mag-isa."

Medyo malakas na sabi nya kaya may iilang taong napatingin samin. Napayuko ako at hinayaan syang maglakad palayo.

Pagtapos nung event kung saan nakita ko sya, bigla na lang siyang naging cold. Hindi na sya mataray. Tapos isang tanong, isang sagot. Laging wala sa mood pag ako ang kasama. Tapos pag di ko sya kinausap, di nya ako kakausapin. Ano bang problema nya? Wala naman akong naalalang ginawang masama sa kanya. Hindi ko naman pinost yung picture namin. Kami lang nakakaalam nun. Ano ba talagang problema? Nakakamiss yung dating sya.

--

"Earth to Julie. Earth to Julie."

Sabi ni Maqui pero nakatulala pa rin si Julie.

*PAK*

"Aray! Bakit ka ba nanampal?"

"Kanina ka pa tulala dyan. Salita ako ng salita dito, wala naman pala akong kausap."

"Ano nga ulit yun?"

"Wala. Ayoko na mag-effort, sayang lang din naman. Ano bang problema mo? Ngayon na lang tayo ulit nagkita kaya magkwento ka. Bilis."

Yumuko lang si Julie.

"May nangyari ba sa inyo ni Elmo tapos buntis ka na ngayon at ayaw ka niyang panagutan at iniisip mo kung paano sasabihin yan sakin?"

"Ang OA talaga mag-isip nito."

Sabi ni Julie sa kaniyang isip.

"Ang OA maq ha. Hindi yun. Kasi bes.."

Kinwento ni Julie yung nangyari nung event. (Chapter 11)

"Tapos nakita ko siya kinabukasan na may kayakap na babae. Matangkad siya. Mas matangkad sakin ng konti. Tapos maganda. Sobrang puti. Sobrang ganda."

The PromiseWhere stories live. Discover now