Chapter 11

270 20 0
                                    

"Sasabihin ko na sana't
Aaminin sa iyo
Lahat-lahat ng itinatago ng puso ko"
- Rivermaya

--

Maagang nagising si Elmo para pumasok sa school. Ilang araw na lang at matatapos na ang summer class. Matatapos na rin ang kontrata nila ni Julie kaya naisip niyang sabihin na ang nararamdaman niya.

Pagtapos niyang mag-ayos ay bumababa na siya.

"Anak, kain na."

Yaya sa kanya ni Rose nang makita niya ito sa bukana ng kusina.

"Hindi na. Male-late na ko."

Malamig na sabi nito. Pero ang totoo nagugutom na talaga siya.

"Ahh."

Malungkot na tumango si Rose.

"Ipagbabaon na lang kita."

Nagkukunwaring masaya na sabi pa ng ginang. Hindi niya na hinintay na sumagot si Elmo at nagbalot na siya ng pagkain.

"Ito na--"

Nawala ang ngiti niya nang makitang wala na dun ang binata. Napabuntung hininga na lang siya.

--

"Sweldo ko."

Lahad niya nang kamay niya. Inabot ko naman yung 200.

"Salamat."

Sabi ko. Tumango lang siya at aalis na sana nang tawagin ko siya.

"Julie.."

Huminto naman siya sa paglalakad pero hindi niya ako hinarap.

"Ahm, ahh.. Kasi.."

Hindi ko masabi yung sasabihin ko. Humarap na siya at tinaasan ako ng kilay.

"Ahh.. Ano.."

Mas lalong hindi ko masabi nang humarap siya. Napalunok ako. Nabuhol na ata yung dila ko. Damn. Hindi naman ako ganito dati.

"Ma.. Ma.."

Kumunot naman ang noo niya at hinihintay yung susunod na sasabihin ko.

"Ma.. Ma.."

Napalunok ako. Kinakabahan ako. Bakit ba ako kinakabahan? Sht.

"Ano ba yun? Dedede ka? Hindi ako mama mo. Letse! Mama ng mama."

Inis na sabi niya at tumalikod para umalis na.

"Julie!"

Tawag ko ulit. Nakaupo pa rin ako.

"Julie!"

Tumayo na ko para habulin siya.

"Teka Julie."

Hawak ko sa siko niya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad.

"Ano ba?"

Inis na sabi niya at inalis yung pagkakahawak ko sa siko niya.

"Ma.. Ma.. May dugo."

Kumunot naman yung noo niya at yung mata niya ay nagtatanong.

"Yung pants mo may dugo."

Sabi ko. Lumaki naman yung mata niya.

"Sht."

She cursed. Tinakpan niya ng kamay niya yun pero hindi niya matakpan. Kasi hindi naman niya alam kung nasaan. White kasi yung jeans niya kaya halatang-halata. Hinawakan ko yung kamay niya na nagtatakip sa pants niya at idinirect ito sa kung nasaan yung may bahid ng dugo. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko at sa tingin ko ay naramdaman niya yung kuryenteng naramdaman ko. Nagkatinginan kami ng ilang segundo pero umiwas siya para buksan yung backpack niya. May hinahanap siya. Siguro napkin.

The PromiseWhere stories live. Discover now