SJHM- True Feelings

77 1 0
                                    

Dumating ulit ang pasukan. Ganoon parin siya, araw araw akong sinasabihan na mahal niya ako tapos
biglang may kadugtong na 'joke lang.' Isama mo pa yung mga mala-kesong mga banat niya saakin.
Isang beses hindi siya nakapasok sa iskwelahan kaya naman walang nanti-trip saakin. Wala ring
nagsasabi ng "mahal kita.. di, joke lang" sabay tatawa ng malakas. Akala ko magiging masaya ang araw
nayun dahil panandaliang matatahimik ang buhay ko. Pero mali. Hindi ko alam na nakakabingi at
nakakalungkot pala ang sobrang katahimikan. Hinanap hanap ko yung taong nagiingay sa buhay ko. Pag
wala pala siya parang hindi kumpleto ang araw ko. Kinabukasan naman pumasok ulit siya. Nagka LBM
daw siya kaya hindi siya nakapasok. As usual inasar na naman niya ako at sinabihan ng kanyang famous
line na "mahal kita.. di, joke lang." Pero nung mga panahon na yun parang ang saya saya ko ulit. Doon ko
lang nalaman ang totoo kong nararamdaman. Kaya naman gabi-gabi akong nagdadasal na sana,
tanggalin na niya ang salitang
'joke lang' pag sinasabihan niya akong 'mahal kita'
Kaso hindi. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, hindi na maalis alis ang salitang 'joke lang' sa dulo ng
'mahal kita.' Siguro dahil pinag ti-tripan lang talaga niya ko. Pero grabe ng biro ang ginagawa niya, dahil
natuluyan na ko. Natuluyan nang mahulog sa kanya

Some Jokes are Half MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon