SJHM- Meet

63 1 0
                                    

Matapos ang araw na yun, hindi na ko ulit kinausap ni Jr. Nalungkot ako nun. Nakakamiss siya, sobra.
Parang mas preferred kong asarin na lang niya ako kesa hindi niya ko totally pansinin. Halatang iniiwasan
niya rin ako.
Pero naisip ko, mas ok narin siguro to. Mahirap na baka lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Isang buwan ang nakalipas ng hindi namin pagpapansinan ni Jr. Isang buwan at kalahati naman na
nanliligaw saakin si Mike. Nung mga oras na yun nakapag desisyon na ako sa kung ano ang dapat kong
gawin. Tinext ko si Mike na mag meet kami dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanya.
Nauna siya sa meeting place namin. Nung makita ko siya, huminga ako ng malalim.
'kaya ko to!' sabi ko sa sarili ko.
Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ko na sa kanya lahat ng dapat kong sabihin. Para naman akong
nabunutan ng tinik sa dibdib matapos kong sabihin lahat ng yun. Alam ko, hindi ako nagkamali ng
desisyon.
Naunang umalis si Mike dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin. Ako naman nagpaiwan muna
dahil gusto kong magisip isip.
'Sana talaga hindi ko pagsisihan itong desisyon ko' nasabi ko sa sarili ko 'Pero kahit na, nagawa ko na eh.
Bahala na kung masaktan ako pero wala ng urungan ito'

Some Jokes are Half MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon