SJHM- Mike

61 1 0
                                    

February 13. Isang araw bago ang Valentines Day, may isang lalaking nagtapat saakin na gusto niya ako
at tinanong ako kung pwede daw ba siyang manligaw saakin. Hindi siya si Jr, kundi ang pinsan niyang si
Mike. Para ngang nakakapang asar kasi sa harap pa talaga ni Jr siya nagtapat saakin. Inabutan niya ako
ng isang box ng chocolates sabay sabing "matagal na kitang gusto, pwede ba kitang ligawan?"
Ang reaction ni Jr
"aba aba popormahan mo ang labs ko pinsan? Pero dahil pinsan kita ipagkakatiwala ko sayo ang labs ko!
Wag mong paiiyakin yan ha! Mahal ko yan! Hahaha! Hindi, joke lang"
Tawa siya ng tawa habang inaasar niya kaming dalawa ni Mike. Syempre nasaktan ako ng mga panahon
na yun. Dun ko napatunayan na laro-laro lang pala yung saaming dalawa. Hindi niya ako totoong mahal,
sadyang napagtripan lang asarin. Masakit. Sobra.
Pinayagan kong manligaw saakin si Mike. Siguro kailangan ko ng bigyan ng chance ang taong seryoso
saakin. Mahal ko nga si Jr, pero kung laro lang naman ako para sa kanya, ano pang use para mahalin ko
siya?
Pero kahit na nanliligaw saakin ang pinsan niya, patuloy parin niya akong sinasabihan ng "mahal kita.. di,
joke lang." Kada sasabihin niya yun, nasasaktan ako. Kaya naman isang araw hindi ko na napigilan ang
sarili ko at nasigawan ko siya.
"pwede ba tigilan mo na nga yan! Akala mo ba natutuwa ako kada sasabihan mo ko niyan?! Sinasabi ko
sayo, hindi ka na nakakatuwa!!"
Matapos kong sabihin yun, nag walk-out ako at dumiretso sa girl's restroom at doon nagiiyak.
"bwisit na joke na yan, pinapatay na ang puso ko.." sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.

Some Jokes are Half MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon