Dumating ang araw ng field trip namin. Sa tagaytay kami nagpunta. Syempre nag tour kami around the
city. Mga bandang tanghali nung pumunta kami sa picnic groove para kumain ng lunch. Pero grabe pala
sa tagaytay, kahit tanghali malamig gawa ng hangin. Hindi pa naman ako nakapagdala ng jacket.
Nung matapos ako kumain ng lunch, naupo naman ako sa isang banda doon habang tinitignan ang
ganda ng paligid. Nagulat ako ng biglang may nag lagay ng jacket sa balikat ko. Pagtingin ko si JR.
"malamig, baka sipunin ka" nginitian lang niya ako sabay alis.
Nakita ko siyang bumalik doon sa mga kaklase namin then kumuha ng guitar at nagsimulang kantahin
ang I'll Be ni Edwin McCain. Pinanuod ko siya habang kumakanta ng biglang..
Dugdug dugdug dugdug.
Napahawak ako sa chest ko at nagtaka sa naramdaman ko. Hinikpitan ko ang hawak doon sa jacket ni JR
dahil parang nanlamig ako bigla habang pinapanuod ko siyang kumanta. Iniwas ko na lang ang tingin ko
sa kanya at pinagsawalang bahala yung nararamdaman
ko nung mga panahon na yun.
Nung matapos ang fieldtrip namin, kinantyawan si JR ng mga kaklase ko na ihatid ako sa bahay pauwi.
"halika Juls, ihahatid na kita. . . . . .dito sa puso ko" sabi niya saakin ng may nakakalokong ngiti.
Mas lalo pang nagkantyawan ang mga kaklase ko sa banat niya kaya in the end wala na kong nagawa
kundi magpahatid sa kanya, sa bahay hindi sa puso niya.
Malay ko bang nung mga panahon nayun na papunta narin pala ako sa puso niya.
BINABASA MO ANG
Some Jokes are Half Meant
Fiksi Remaja"mahal kita..." Madalas niyang sabihin saakin ang mga salitang yan. Walang araw na hindi ko maririnig ang mga katagang yun galing sa kanya. Nung una naiinis ako kada maririnig ko yun pero habang tumatagal, parang hindi na kumpleto ang araw ko pag hi...