SG | Prologue

28 3 0
                                    

Sam's POV

[] Followback in all social networking site.
[] Study in his current school.
[] Know his interest in life.
[] Know his habits.

Masaya ko namang binabasa ang STG ko. STG short for Stalkers Temporary Goal. Bakit temporary? Aba syempre ayoko namang forever na akong maging stalker lang.

"Alisin mo na yung 'study in his current school' kasi check na yan. In fact, papasok na tayo don less than a week." Biglang salita ni Yna na hindi ko namalayang nakapasok na pala sa kwarto ko. Nasabi ko bang may kakambal ako? Oh well ayan sya.

Binigyan ko lang sya ng masamang tingin. Umupo naman sya sa gilid ng kama ko.

"What? Tama naman ako a. So pag nagiging stalker nawawala ang ibang parte ng utak at  hindi na magfunction ng maayos?" Tuloy tuloy na sabi nya.

"YNA!" Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pagpalo ko sa kanya ng pinakamalapit na unan na nakuha ko.

"Argh! I hate you." Hindi nya pinansin ang sinabi ko at niyakap nya ko.

"Bee, in the first place totoo naman kasi." Ramdam nyang masama ang tingin ko sa kanya kahit hindi nya nakikita. "Joke sige. I just want to say, hinay hinay lang. Mukhang mas mahal mo na yang iniistalk mo kesa sakin na kakambal mo ah." Dagdag nya.

"Whatever." Tipid kong komento sa mga sinabi nya.

"Bee naman. Sorry na. Tara nalang mag twin date." Mejo sumigla ang expression ko sa sinabi nya. Kapag kasi nag-aya si Yna, sya ang may sagot. Maraming pera yan eh. Ewan ko ba eh parehas naman kaming may kinababaliwan yun nga lang yung sakin Local lang sa kanya International.

"Okay call." Ginaya ko pa yung accent ng Kpop na kinababaliwan nya kaya natawa sya. "CL tayo ha." Dagdag ko. Mahal don! Hahaha. Yan napapala mo Bee. Isa pa, favorite tambayan ni Ian yon. Baka magkita kami. Hihihi. Double purpose XD

Hindi nalang sya sumagot bagkos ay ngumiti meaning payag sya. Di naman ako kinokontra nyan eh. Ahehe.

"2PM sharp." Sabi nya at naglakad na papalabas ng kwarto ko. Huminto sya at nangingiti ng muling magsalita. "Idagdag mo yung 'be friend of him' and after non, alam mo na yung next stage." Narinig ko nalang na sumara yung pinto. Asus yung kakambal ko talaga mas may utak pa sakin. I mean, mahal ako. Haha. Dinagdag ko nga ang sinabi nya at nagpatuloy sa aking ginagawa.

1:30 PM

30 minutes nalang at twin date na namin ni Bee. Bakit bee? Wala lang. Pauso yang kakambal ko. Queen bee daw sabi nya kaming dalawa. Haha. Lakas ng trip, hinahayaan ko nalang.

Tapos ko na pala yung STG ko. Sa ilang oras akong nag-iisip ng ilalagay dito, nasiyahan naman ako kasi may nailagay na ako. Haha.

I decided na ipaprint na ito ngayong twin date namin ni Bee para libre. For sure, sya magbabayad. Hahaha.

Past 2PM na ng makaalis kami sa bahay. Walangya kakambal ko eh! Natulog pa. Eh parang mantika pa naman yan. Nakuuu.

Andito na kami ngayon sa Cream Land or CL. Parehas kaming mahilig sa sweet kaya nagkasundo kaming pumunta dito. Isa pa, mahilig din si Ian sa sweet at ayon sa source ko, dito sya madalas.

Nakaupo kami malapit sa pinto at kumakain na. Napaprint ko na rin pala yung STG ko and guess what, 100 copies ito. Haha.

"Oh gosh. Yung STG ko!" Sigaw ko habang pinupulot ang nagkalat na papel sa sahig. Hindi naman ako nainform na kapag bumukas yung pinto eh malakas na hangin ang mapapakawalan. Parang utot. Dejoke! Haha.

"Sorry miss." Sabi ng lalaking ngayon ay kasabay ko ng nagpupulot ng nagkalat na papel. Si bee wala lang paki sakin. Tuloy lang sya sa ginagawa nya.

"STG." Sabi ulit ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ko sya magawang tingnan kasi busy ako sa pagpupulot. 100 nga kasi to kaya medyo mahirap.

"Akin na. Sala--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mapagtanto ang lalaking kanina ko pa katulong sa pagpupulot.

"I--i---an." Mahina kong bulalas.

"You know me?" Tanong nya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Im sorry miss. Mukhang kasalanan ng pagpasok ko to." Sabi nya ulit.

Umiling lang ako. Parang nalunok ko na dila ko. Omg! Nagsmile sya at umalis na.

"Wait." Biglang sabi ko.

Tumingin sya sakin. Naghihintay ng sasabihin ko.

"Hindi mo kasalanan." Parang kusa na nasabi ng bibig ko. Ngumiti sya ulit at nagpatuloy sa paglalakad. Kamusta ako? Hawak ko pa din ang mga papel na to at naiwang nakatayo.

Si Ian ba talaga yon? Omg!

Bumalik lang ako sa katinuan ng hilahin ako ni Yna palabas ng CL. Muli kong sinulyapan si Ian na busy sa pagkain nya bago ako umalis.

"KYAAAAAAH!"

Hinampas si Yna.

"BEEEEEE! SI IAN"

Hinampas si Yna.

"KANINA NAKITA KO SA CREAM LAND. NAKAUSAP KO. NGUMITI SAKIN."

Hinampas si Yna.

"Tama na nga!" Hinawakan nya yung kamay ko at galit na nagsalita. Natahimik naman ako.

Nakauwi na kami at kasalukuyang nakaupo sa upuan malamang. Inayos ko na ang gulo gulong STG ko at binilang.

"13..25..30..56..78..99." Tapos.

"99? Diba 100 yan?" Tanong ng kakambal ko. Oo nga no. 100 to.

"Omg! Baka na kay Ian. Omg bee. Omg!" Naghehesterikal kong sabi.

"Easy. Baka mali lang yung nagprint." Kalmadong sagot naman nya.

"What if kinuha ni Ian? Bee!" Niyuyugyog ko na sya. Haha. Natatawa ako sa itsura nya.

"Sam naman." Natahimik ako bigla. "Ang nega mo." Iniwan nya ako at pumunta na sa kwarto nya.

What if kinuha nga ni Ian? What if tama si Bee. Argh!
-
Sorna. This is my first story. Inspired by ian-ssi. Suportahan nyo po. Salamat 😘😊

-Mal xx

Stalker's GoalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon