SG 2 | Besfriends

16 3 0
                                    

SAM'S POV

After ng klase ay agad na nag-alisan ang mga kaklase ko. Pati si Ian ay umalis na din. Tiningnan ko lang sya hanggang sa tuluyan na syang makaalis sa room. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaklase ko sya. Abot kamay na kunwari. Ang bait talaga ng tadhana sa akin. Binigay na nya ang chance ko para kay Ian.

"Isa ka rin sa mga fans ni Ian ano?" Narinig kong sabi ng nasa harapan ko. Lalaki sya pero ngayon na narinig ko ang pagsasalita nya, hindi na ako sigurado.

"Ako? Hindi a." Agad na sabi ko at nagsimula ng mag-ayos ng gamit ko.

"Irene, halika bilis!" Sigaw nung lalaki. Ano bang iniisip nito. May lumapit naman samin na babae. Nakasalamin sya. Ang simple nya. Ganda.

"Ano yun beki?" Saad nito na naupo sa tabi ng lalaking kaninang nagtanong sakin. So tama ako. Hindi talaga lalaki ang nasa harapan ko. Beki pala. Cute.

"Itong transferee na ito. Fan din ng pinsan ko." He smirked. Oh g! Pinsan nya si Ian? Teka bakit di ko sya kilala! Kulang pa ang effort ko as his stalker! GOSH!

"Really Samantha Abegail, ano na nga ulit yung sumunod sa pangalan mo? Grabe parents mo mag effort sa pangalan ha." Napakamot pa sya sa ulo. Natawa naman ako. Ang cute nilang dalawa.

"Marie. But you can call me Sam. Yun ang tawag talaga sa akin. At sa sinasabi nyong dalawa, its not true." Ngumiti ako sa kanila. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanila. Sana sila ang maging friends ko dito.

Nagtataka pa din ang tinging ipinukol nila sa akin.

"Okay okay. Im one of his fan. Wag kayong maingay ha. Simpleng fan ako. Quiet lang." At sabay na nagtawa sila. Anong problema ng dalawang 'to. Tawa lang sila ng tawa. Ako natawa na din. Ang sarap ng tawa nila, nakakahawa.

"HAHAHAHAHAHA! Fan ka ni Ian? HAHAHAHA." Hinahabol ang hiningang sabay na sabi nila.

"HAHAHAHAHA. OO. MAHAL KO NA NGA SYA." Hawak hawak ang tyan ko na tumatawa pa rin.

"MAHAL? COME ON! HAHAHAHAHAHA!" Hindi na namin namalayan kung gaano na kami katagal na tumatawa. Ang sakit na ng tyan ko pero di pa rin kami natitigil.

"Aray ko mga bruha, tama na ang kabaliwang ito." Si beki ang nagsalita. Hindi ko pa alam ang pangalan nilang dalawa.

Bigla kaming natahimik.

"I like you! Sa lahat ng fans ng pinsan ko, ikaw ang pinaka gusto ko. Nakakatawa ka grabe." Dagdag ni beki. So pinsan nga talaga nya si Ian. Wow. Ang gwapo din nya hindi maitatanggi. Nasa lahoinila. Kaso gay sya.

"Welcome sa friendship gang namin ni Irene. Bes. Ako si Nathaniel Dela Fuente. Sya si Irene Cruz. Alalay ko." Binatukan naman sya nung Irene ang name.

"I like you, too. Hi Sam." Ngumiti sya sakin. Ngumiti din ako. "And dont mind him. His brain was still missing." Nabatukan din tuloy sya ni Nathaniel. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Seems that i found the perfect friends to be with.

After ng ilang palitang question and answer namin, nagyaya na silang pumunta sa canteen. Kumakain kami ng lunch ng matakaw ko ang kakambal ko.

"BEE! YNA! Over here!" Di naman sya nahirapan na hanapin ako at lumapit.

"Dalawang Sam? Mas masaya to." Komento ni Nathaniel. Si Irene naman, nakangiti lang. Sumasang-ayon kay Nathaniel.

"Alright guys. Stop joking na. Shes my twin, well halata naman. Yvonne Nathalie Asha. Yna nalang." Yna smiled at them.

"Pinahirapan talaga kayo ng parents nyo sa pangalan nyo a. Hi Yna." Naglahad ng kamay si Irene at kinuha naman ni Yna. Umalis din sya pagkatapos ng introduction na iyon. Hindi sya mahilig makipag socialize. Hindi rin naman ako pero hindi naman masama ang magkaron ng friends kung alam mong totoo. Lalo na kung itong dalawang abnormal na ito.

Kung ano ano pang bagay ang pinag-usapan namin. Syempre nandun na ang kung paano ako naging fan ni Ian at paano ko sya nakilala. Pati na rin ang pinanggalingan kong school. In fact ako lang ang nagkwento. Daya ng dalawang 'to.

"Galing ka pala sa Xylide University. Uy Irene, di ba dun nag-aaral yung ex mo." Singit ni Nathaniel sa pagkekwento ko.

"Totoo?! Sino Irene? Baka kilala ko." Niyugyog ko pa sya pero nakatahimik lang sya.

"Si Paul Santiago. Yung photographer." Tuloy tuloy na sambit ni Nathaniel. Si Irene, tahimik pa din.

"Si Paul Santiago? Friend ko sya." Ayan, ang friendly ko pala. "Ex mo bakit nagbreak kayo?" Tanong ko.

"Kasi naman ang ate mo masyadong-" Hindi naituloy ni Nathaniel ang sinasabi nya. Napatingin din ako kay Irene na mukhang malungkot. Ano kayang nangyari sa kanila ni Paul.

"I guess, wala ako sa tamang posisyon para ikwento yun." Pagpapatuloy ni Nathaniel.

Pagkatapos ng usapan namin na nauwi sa lovelife ni Irene nagtungo na kami sa next class namin. Mukhang sikat ang dalawang 'to kasi lahat ng madadaanan namin ay binabati sila. Nakwento na rin pala nila sakin na sikat talaga si Ian dito. At dahil nga pinsan ni Nathaniel si Ian ay baka sumisipsip sila dito. Naisip ko naman ang kalagayan  ko. Nakikisipsip din ba ako, hindi syempre. Sabi nila gusto nila ako. Hindi ko sila pinilit na magustuhan ako. Wala akong dapat isipin.

Hindi pumasok si Ian sa dalawang klase namin. Saan kaya sya nagpunta. May problema kaya sya. Tiningnan ko ang phone ko kung anong balita kay Ian kaso walang update.

"Gumagamit ka ng ibang account para maka update kay Ian? Nice." Nasa gitna nanaman ako ng dalawang baliw na ito.

"Hindi nanaman sya pumasok." Nanaman. So madalas na hindi pumapasok si Ian. Bad. Dapat hindi sya nagsakip ng class.

"Andun nanaman yun sa ano." Saan yung ano. Ayoko naman na tanungin kung saan.

Bale nasa gitna nga nila ako habang nag-uusap tungkol kay Ian.

"Sam, nakikinig kaba?" Lumingon ako kay Irene na nakatingin din sa akin. Bawal yata ako makinig kaya tumayo ako at aalis na sana.

"Saan ka pupunta?" Si Irene ulit.

"Nag-uusap kayo. Labas na ako." Sagot ko sa kanya. Si Nathaniel natawa nanaman. Mukha akong clown nila.

"Baliw ka talaga."

Tumayo na din sila at sabay sabay kaming lumabas. Wala na kaming klase so pauwi na kami. Naghiwalay kaming tatlo ng makita nila pareho ang driver nila. May klase pa si Yna kaya nauna na din ako.

Malapit na magdilim ng dumating si Yna. Mukhang nirape ang lola nyo. Haggard. Pero ang ganda pa din nya. Hay na ko kakambal. How to be you po.

"Anong iniisip mo?" Kinuha nya ang cookies ko at naupo sa tabi ko.

Kinwento ko kay Yna ang lahat ng nangyari. Hindi sya makapaniwala. Syempre ako din.

"Saan kaya yung ano na sinasabi ni Nathaniel Bee?" Tanong ko dito.

"Aba ewan ko. Sige tulog na ako. Pagod ako. Love you queen bee." At nagtungo na sya sa kwarto nya.

Ako naiwan dito. Iniisip pa rin yung ano na sinasabi ni Nathaniel at yung nanaman na hindi pagpasok ni Ian.

-
A/N: MAY GINAWA PO AKONG ONE SHOT. TRY NYO PONG BASAHIN. 'YOURE MY FEM' YUNG TITLE. KAYA NATAGALAN ITO, TINAPOS KO YUN. MATAGAL AKO MAG UD MGA MAHAL KAYA PASENSYA.

/mahl 💫

Stalker's GoalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon