SG 6 | Relations

9 1 0
                                    

SAM's POV

Iniabot ko kay Yna yung papel na binigay sa akin ng waiter dun sa Boiko.

"Sammy?" Nagtataka nyang tanong.

"Oo nga e. Sino kaya yun?" Nagkibit balikat sya bilang sagot sa tanong ko.

Nandito kami sa ilalim ng Centennial Tree ng school namin. Mamayang hapon pa yung next class namin at saktong vaccant ni Yna kaya magkasama kami.

"Diba yung Imy meaning I Miss You?" Basag ko sa katahimikan.

Humiga ako sa hita nya at tumingin sa maaliwalas na langit. Naalala ko tuloy si Brent.

"Oo bee. Hala may stalker ka na din yata! Anong feeling?" Komento nya sa sinabi ko. Binatukan ko sya bago nagsalita. "Baliw. Baka nangagago lang yan." Sagot ko.

"So sa lahat ng gagaguhin, ikaw pa talaga? May sariling nickname pa sayo ganun?" Ismid nya sa akin habang inaayos yung buhok nyang nagulo gawa ng pag batok ko sa kanya.

Hindi ko sya sinagot. Napaisip ako sa sinabi nya. Tama si Yna. Kung nangloloko lang yung nagbigay nun ay bakit Sammy ang tawag sa akin. Hindi naman posibleng nanghula lang sya. At bakit parang pamilyar ang Sammy sa parte ko? Parang pamilyar talaga.

Nanatili kaming hindi nagsasalita. Nakasalpak lang yung earphone ni Yna sa tenga nya habang naka focus nanaman sa phone nya. I bet nanunuod nanaman sya ng mga baby nya.

"Dapat pala sumabay ka sa akin maglunch bukas." Inalis nya ang earphone sa tenga nya para malaman ang sasabihin ko.

"Hinahanap ka kasi ni Yna. Gusto nya sabay-sabay daw tayong tatlo." Pagpapatuloy nya.

"Si Yna?" She nodded. Alam ko na kung sino. "Titingnan ko." Sabi ko na nagpatahimik nanaman sa amin. Sinalpak na nyang muli ang earphone sa tenga nya.

Pinagmamasdan ko lang ang langit ng may mabuo dito gamit ang mga ulap. Mukha ni Ian. Yung mukhang ang inosente at ang sarap titigan. Ngayon kasi madalas kong makita yung galit nyang mukha. Ewan ko ba kung bakit ganun sya pero dala na rin siguro ng mga ginagawa nya.

Napangiti ako sa mukha nyang nakahulma sa mga ulap. Itinaas ko ang kamay ko at ikinorteng camera. Tiningnan naman ako saglit ni Yna pero bumalik din ang paningin sa phone nya.

Nanatili akong ganun ng ilang saglit.

"Bee. Wake up. Papasok na ako." Someones tapping me. I slowly open my eyes. Bumungad ang magandang mukha ng kakambal ko.

"May klase na ako. Halika na." Saad nya habang tinutulungan akong umupo. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"San ka ngayon bee?"Inaayos na nya ang gamit nya.

"Dito nalang muna. Itetext ko nalang sila Irene na puntahan ako dito." Sabi ko.

Ngumiti sya at nagpaalam na. Nagwave pa sya ng makalayo at tuluyang umalis.

Luminga-linga ako sa paligid. May ilang couple ang nakatambay sa benches na nasisilungan ng ibat-ibang puno. Sa gawing likod, napansin ko ang isang lalaking nangunguha ng picture. Hindi ko makita ang mukha nya kasi nakatakip ng camera. Sa harapan ko naman, di kalayuan ang Mini Farm ng mga Agri students. May ilang estudyante ang nandoon at abala sa kanilang ginagawa kahit na tumitirik ang sikat ng araw.

Tiningnan ko ang relo ko, past 2pm palang pala. 4pm pa ang klase namin kaya sigurado ako na wala pa sa campus sina Irene at Nathaniel pero nagtext na din ako kung nasaan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stalker's GoalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon