SG 4 | Partners

4 0 0
                                    

SAM's POV

One week na simula ng makalipat kami sa school na 'to. School ng kinababaliwan ko. School ng iniistalk ko. Si Ian. Sa isang linggo na yun, in every 4 classes namin a day dalawa lang ang pinapasukan nya. Ayoko naman magskip ng klase para alamin pero parang pinag-iisipan ko na din.

"San ba kasi nagpupunta yang pinsan mo!" Kinalbit ko si Nathaniel na nasa harap ko. Busy mangopya ng assignment ni Irene.

"Aba sa pagkakaalam ko ikaw ang stalker at hindi ako. Edi alamin mo. Pati ako inaabala mo." Hindi man lang sya lumingon sa akin dahil abala sya sa pagkopya.

"Irene! Ano itong sa number 13? Buset na penmanship nga naman to!" Sigaw ni Nathaniel. Lumapit naman si Irene sa kanya at tinuro yung di makopya nito.

"Irene, alam ko kung saan nagpupunta si Ian?" Kinalbit ko din si Irene. Tumabi naman sya sakin at may binulong.

"Ew Irene! Wag kang gumawa ng issue sa kanya baka masapak kita!" Humahalpak naman sya sa tawa dahil sa reaksyon ko. Aba naman. Sabihan ba naman na namamakla si Ian. Diba kadiri.

"Hay nako Sam, si Nathaniel nga di alam ako pa kaya? Mag-isip ka nga." Sumimangot naman ako dito.

Mga isang oras din bago dumating yung prof namin. Ito yung subject na magkatabi kami ni Ian. Natapos din sa pangongopya si Nathaniel at ayun mas mataas pa ito kesa kay Irene kaya kahit magkalayo ang upuan nila ay nagtatalo ang dalawa.

Pumasok pala si Ian sa subject na 'to. Siguro ay takot sya sa prof na ito. Hahaha. So ayun nga magkatabi kami. Sumusulyap ako syempre pero yung hindi naman nahahalata.

"Well having our first activity class. Everyone group yourselves into two." Sabi ni Ma'am habang may sinusulat nanaman na assignment. Nangungunot nanaman tuloy ang noo ng nakaupo sa harapan ko.

"What are you waiting for? Find your partners!" Sigaw ni Ma'am na nagpaalarma sa amin. Agad namang nagkagulo sa klase.

Naghahanap ako ng magiging partner dahil yung dalawa na yung partners. Sila lang ang friends ko kaya nakarating ako sa harap ng classroom ng sumigaw ulit si Ma'am.

"Para kayong mga bata! Go to your seats! Ang magiging partner nyo ay ang katabi nyo para mas organize na. I have your sitting arrangement so mas better na ganun nalang." Nagbalikan naman kaming lahat sa kanya kanya naming upuan. Nagdadamog si Nathaniel at ngumuso sa akin. 'I really hate that witch' bulalas nya sa kawalan. Natawa nalang ako.

Pagka upo ko ay tiningnan ko si Ian. Tulog! Grabe din naman pala itong lalaki na 'to. Walang sinasanto kapag inaantok.

"I believe that all of you have their partners." Inayos ni Ma'am ang salamin nya. Nagtaas ako ng kamay na nagpakunot sa noo nito.

"Excuse me Ms. Perez, whats your problem?" Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin.

"I dont have a partner po Ma'am." Mahinahon kong sagot. Lahat kasi ay mayroon na alangan na mag-isa kong gawin yung activity na yan. Knowing this witch, i mean si Maam.

"Anong ginagawa ni Ian na nasa tabi mo? Teka nga." Naglakad sya palapit sa upuan namin. Lahat ng kaklase ko ay nag-aantay sa susunod na gagawin ni Maam. Lahat ng babae sa amin ay nabigla ng bigla nyang paluin si Ian na naging dahilan para magising ito.

"What the---" Galit na sabi ni Ian pero ng makita si Maam ay umayos din.

"Sinong nagsabi sayo na pwede kang matulog sa klase ko Mr. Bautista?" Parang umuusok na ang ilong ni Maam habang nagsasalita. Yung mga lalaki naman naming kaklase ay di na mapigilan ang tawa. Nagsmirk lang si Ian at tumayo.

Stalker's GoalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon