SAM'S POV
"Bee, mauna na ako. May gagawin pa ako. Kita tayo ng lunch. Love you!" Nagkukumos pa ako ng mukha ko ng makitang nakagayak na si Yna. Kakagising ko palang ay nakagayak na sya. Paalis na nga din.
Nag bye ako at nagtungo muli sa kwarto ko. Nag beep ang phone ko. Hinagilap ko agad ito para alamin kung kanino galing. Kay Irene at Nathaniel pala.
Nathaniel: Pumasok ka ng maaga Sam! Mag eenjoy ka promise.
Irene: Sam, pumasok tayo ng maaga. Hihintayin ka namin. Goodmorning.
Nagpalitan kami ng number agad bago maghiwalay kahapon. Ano nanaman kayang kalokohan ng dalawang ito. Parehas ko silang nireplayan at nag-ayos na rin. Nakita ko naman agad sila pagpasok ko.
"Sam! Tara na bilis baka malate tayo!" Hinila nila akong dalawa. Nakarating kami sa isang room. Para syang practice room. Magkakaharap na salamin. May ilang tao na nagsstretching. Yung iba naman nakahiga na halatang kakatapos magsayaw. So dance practice 'to ng kung anong grupo.
"Sam, si Ian. Ayun oh." Sabay turo sa naglalakad na si Ian. Pinagpapawisan na din sya at halatang pagod. Kakatapos siguro nya magsayaw. Ganito pala talaga sya ka hot kapag sa practice o sa dance floor. Minsan ko lang kasi sya mapanuod gawa ng medyo malayo ako at kapag kasama si Yna. Hindi kasi ako pinapayagan kapag hindi sya kasama.
"Okay. Back to practice. Tayo na guys." Tinapik nya lahat ng nakahiga pagkatapos ay pumwesto. This is my first time watching him na magpapractice. Parang bigla syang nagtransform into something. Shocks! Ang hot nya talaga sumayaw! Lahat ng moves nya parang ang gaan. Napaka cool nya! Oh Ryan Ian Bautista, bakit ka ba ganyan!
"Easy lang bes. Masyado kang halata. Tulo na laway mo oh." Hinimas pa ni Nathaniel yung gilid ng labi ko. Nagtatawa naman si Irene sa akin. Masyado yata akong halata na amaze na amaze sa kanila.
"Di ko dapat ma miss ito as his fan!" Bulalas ko pagkatapos ay daling kinuha ang phone ko at kinunan sila ng video. Bigla naman silang napahinto dahil siguro sa click or flash ng camera ng phone ko.
"Oh no, wrong move bes." Umatras ang dalawang nasa likod ko. Palapit sila sa amin ngayon at hindi ko alam ang gagawin. Bakas sa mukha ni Ian ang pagkagalit.
"Niel, what are you doing here?" Diretsong tanong nito. Saglit na tiningnan ako pero tumingin din agad kay Nathaniel. Nakakatakot ang tingin ni Ian.
"Nanunuod halata naman." Bakas sa boses ni Nathaniel ang sarkastikong tono.
"I wont mind if you're just watching but taking us video or something, its another thing." Mariin na pahayag nito. Hindi ko naman kasi alam na bawal. Kung alam ko naman edi sana hindi ko sila inivideo.
"Im sorry. Di ko alam." Pangingialam ko sa usapan nila. Kasalanan ko naman kasi kaya hindi dapat nya pagalitan si Nathaniel ako dapat.
"At sino ka?" Diretso ang tingin nya sa akin. Umiwas agad ako ng tingin dahil parang hindi ko matatagalan ang ganoong eksena. Nakakatakot ang tinging iyon ni Ian kumpara noong nasa classroom kami.
"Pre, sya yung transferee na katabi mo dun sa isang subject natin." Bulong sa kanya ni Mark. Kilala ko sya kasi kasamahan nya ito sa grupo nila at close sila ni Ian base dun sa mga nakakalap ko. Tumango si Ian sa kanya. Iniisip kong totoo ang sinabi nito.
"Why are you here then? Spy ka ba?" Nakataas ang isang kilay nya. Kahit na sa itsurang ganyan ay ang hot nya pa rin! Dagdag pa ng ilang butil ng pawis na umaagos sa mukha nya.
"No! Im not!" Mabilis kong sagot. Siguro ay lalaban nanaman sila kaya nagpapractice. Sikat na kasi talaga ang grupo nila. Lumalaban na nationwide na paminsan minsan ay napupuntahan ko naman.
BINABASA MO ANG
Stalker's Goal
Teen FictionStalker si SAM ni Ian at gagawin nya ang lahat para maisagawa ito ayon sa kagustuhan nya. Ang pinaka goal din nya ay ang maging malapit kay Ian o higit pa.