SG 1 | Meeting

14 3 0
                                    

Sam's POV

Ako si Samantha Abegail Marie Perez. SAM ang tawag nila sakin. May kakambal nga pala ako. Si Yvonne Nathalie Asha Perez. YNA for short. We call each other Bee. Si Yna ang naging dahilan kaya ako baliw na baliw kay Ian.

Ryan Ian Bautista. Ian ang tawag sa kanya ng mga fans nya at isa na nga ako dun. Actually die hard fan nya ako. Gwapo. Hot. Matalino. Freelance model. Dancer. Basketball player. Sino bang hindi magkakagusto sa ganyan diba ang perfect nya.

Nung nakilala ko si Ian ay 4th year high school ako, kami ni Yna. May friend sya from other school na schoolmate ni Ian. Fan din ni Ian yong friend nya na yon, player kasi nga player din si Ian. Player kasi si Yna nung school namin, volleyball.

Nagmeet sila minsan at sinama ako ni Yna sa meet up na yon. Libre food kasi. Hihi. Bigla nyang nakwento si Ian at ayon nacurious ako kaya inistalk ko. Friend na din kami non at dahil ulit yon kay Ian.

Ngayon , incoming Second Year College na kami. 3 years ko ng crush si Ian. Nung gumraduate kami ng high school ni Yna at nagcollege, magkaibang school ang napuntahan namin. Naging varsity sya ng university nila ako naman sa university kung saan nagtapos sina mama at papa.

Pareho kaming nahirapan ni Yna ng magkalayo kaya minabuti ni Papa na pagsamahin kaming muli ng pinapasukang university. Pinapili ni Papa si Yna at dahil mahal ako ng kakambal ko ay sinabi nya yung university na pinapasukan ni Ian.

"Bee, pasukan na bukaaaaas! I kennot!" Excited kong bulalas sa kakambal ko na abala sa pagscroll ng newsfeed nya.

"Wtf. Another lawsuit!" Hindi nya pinansin ang sinabi ko. Oo fangirl din sya. Kpop fan ang kakambal ko.

"Bee! Arent you excited? Di na ako makakatulog neto." Sabi ko ulit.

Humiga sya sa kama nya at saka binuksan muli ang phone nya. Nasa kwarto nya kami ngayon. Dito ako matutulog.

"Grabe Sam. Inaabuso nila ang mga baby ko. Kung hindi lang pasukan bukas, lilipad ako agad sa Korea at makikipagdigma kasama ng mga friends ko dun." Humiga din ako sa tabi nya.

"Pakinggan mo naman ako Bee." Sabi ko ulit sa kanya sabay yakap. Niyakap din nya ako at inilagay sa side table ang phone nya.

"Masyado mo namang iniisip yung mangyayari bukas Bee. Iniisip mo pa din ba yung ika -100 copy ng STG mo? Hayaan muna yon. Madami ng bagay ang nasa utak mo, nakakasama sayo yun." At tumawa sya. Baliw talaga 'tong kakambal ko.

"Ikaw naman kulang na sa tulog kakaisip sa lawsuit ng mga bias mong kpop panget." Humiwalay sya sa pagkakayap nya sakin.

"Hoy Samantha Abegail Marie! Wag mong lapastanganin ang mga bias ko. Makikita mo ang hindi mo pa nakikita." Sabay taas pa ng sleeves ng damit nya. Haha. Nakakatawa talaga sya.

"Dami mong alam. Oo na, matulog na tayo."

"Okidoki. Goodnight queen bee."

-
"MY G NAMAN TALAGA YVONNE NATHALIE ASHA! WHY SO TAGAL? BAOG NA AKO KAKAHINTAY SAYO!" Nasa labas ako ng kwarto ni Yna. Late na kami for Petes sake. Mga 30mins din ang byahe papunta dun dagdag pa ang traffic if ever.

"Wait ayan na po. Shoes nalang." Sagot nya galing sa loob ng kwarto nya.

"PPALIIIIIIIIII!" Sigaw kong muli kasabay ng paglabas nya.

"Ang OA mo." Hindi ko pinansin ang sinabi nya at dali dali syang hinila palabas ng bahay at papunta sa kotse.

Almost an hour ng makarating kami sa school dahil sa traffic. Di na namin napasukan pareho ang 1st subject namin. Magkaiba pala kami ng course ni Yna.

Stalker's GoalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon