SG 5 | XYZ CREW

7 1 0
                                    

SAM'S POV

Maaga akong nakarating sa school. Stalker mode ulit ako. Sinabi kasi sakin ni Nathaniel na kapag daw may up coming event sila Ian, maaga itong pumapasok para magpractice. Sinabi rin nya sa akin kung saan sila nagpapractice. Wala daw gaanong nakakaalam nun pero dahil nga pinsan sya at kaibigan ko sya ay sinabi nya sa akin pero humingi ng kapalit. Lunch daw. At eto nga ako ngayon, papunta na nga don.

Nakatingala ako sa langit habang naglalakad. Yung parang ang peaceful kasi ng langit na parang nakikipag-usap. Sa field pala ako naglalakad kasi across the field daw yung practice room nila at don sa may last room sa gawi ng Bussiness Ad building . Bussiness Ad kasi course nung leader nila. Sa sobrang saya sa feeling ng paglalakad ko, di ko namalayan na may nabangga na ako.

"Aray naman po." Hindi ko maaninag yung mukha nung nakabangga ko kasi bukod sa lalaki sya which is kaya ako napaupo ay dahil din nasisinagan yung mukha nya ng araw.

"Sorry miss." Sabi nito at inilahad ang kamay nya sa harapan ko. Tinanggap ko iyon at tinulungan nya akong makatayo. Nagpagpag na muna ako bago sya hinarap muli.

"Brent?" Walang pakiramdam kong bulalas.

"Kilala mo pala ako." Ngumiti sya. Omg! Sya yung second bias ko sa grupo nila Ian. "Brent Miguel Corpuz." Dugtong nya at nilahad muli ang kamay nya. So, magshashake hands ba kami? Ipagpapalit ko na ba si Ian? Oo na mas manly na si Brent pero loyal ako kay Ian. Sya kasi yung pinakamatanda at leader ng grupo nila. Sya din yung gumawa nun at nagpasikat nito. Kung tutuusin, mas sikat sya kay Ian pero mas lamang sakin yun.

"Ah, eh, oo. Nakikita kita minsan sa mga magazine." Sagot ko. Hindi lang kasi talented yang si Brent, mayaman din at talagang maimpluwensya ang pamilya nya. Tinanggap kong muli ang kamay nya. Ang lambot at ang lamig nito. "Samantha Abegail Marie Perez. Sam nalang." Ngumiti ako samantalang sya di makapaniwala look ang meron. Nadagdagan nanaman mga namamangha sa pangalan ko. Hays.

"Ang astig naman ng pangalan mo." Matawa tawa pa nyang sabi.

"Di na iba yang sinabi mo. Astig name with an astig person." Sabi ko with matching wink and click ng gun hand. Napatawa na sya ng tuluyan.

"Youre so cute." Bulalas nya pagkatapos tumawa. Ayan nanaman, funny nanaman daw ako. I am so cute daw. Lagi nalang. Nakakasawa na. Cute? Teka cute daw ako? Cute daw ako sabi ni Brent? Hindi funny!

"Weh? Cute is for puppy kaya!" Komento ko sa sinabi nya. Nakangiti nalang sya ngayon. Hindi ko akalain na kangitian ko ngayon ang leader ng grupo ng XYZ Crew. Ginaya naman nya yung wink at gun hand gesture ko. Taenamis! Ang gwapo nya. Nagkakasala ako kay Ian nito! Huhu.

Nagpout lang ako bilang tugon na rin. Di ko maiwasan yung kagwapuhan nya. Jusme! Nagkakasala talaga ako e.

"Di mo naman bagay e." Sabi ko pagkatapos ng maikling katahimikan.

"Ikaw lang may bagay nun." Sabi nya habang kinukuha sa bulsa yung phone nya. May tumatawag yata sa kanya. Nagsign naman sya na sasagutin lang pero hindi umalis.

[Sa field bro.] Sabi nya sa kabilang linya.

[Really? 1 hour na agad yun? Di ko namalayan. May nangyari kasi.]

[Dont worry walang masamang nangyari. Maganda pa nga kamo.] Malaking ngiti ang mababakas sa kanya.

[Be there okay.] Tuluyan na nyang binaba yung phone.

Stalker's GoalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon