PROLOGUE: Birth

765 11 0
                                    

Nagmamadali ang bawat hakbang ni Mikage. Hindi na niya halos mapansin ang mga sugat sa kanyang katawan. Patuloy ang pagpatak ng dugo sa bawat hakbang. Kailangan niyang mailigtas ang kanyang anak. Kailangan niyang marating ang templo para humingi ng tulong.



Patuloy ang pagpatak ng niyebe. Sumasagad sa buto ni Mikage ang lamig ngunit hindi na niya ito alintana. Kahit na nakaharap na siya sa templo at tinatawag na ang diyosang pumuprotekta sa kanilang nayon. Hanggang ngayon, parang pinapanood pa rin niya ang pagpaslang ng mga tao na nakatira doon. Suwerte lang na nakaligtas siya. Ito bang paglalakad niya hanggang dito sa templo ang huli niyang magagawa sa buhay niyang ito? Kung ito man ang huli, sana ay magtagumpay siya at pakinggan siya ng kanilang dyosa.





Hindi naman nabigo si Mikage. Nagliwanag ang templo at lumitaw ang dyosang si Ceres. Puting puti ang buhok nito, pati ang katawan at damit nito ay puti rin. Asul na mata ang nakatitig sa kanya ngayon. Kahit na ilang beses na niya nakita ang dyosa ay di pa rin niya maiwasang mabighani sa anyo nito. Mga ilang segundo pa bago niya nakuhang magsalita.





Hindi na ibinuka ni Mikage ang kanyang bibig. Naririnig ng dyosa ang kanyang iniisip. Tumutulo ang kanyang luha upang ihingi ng tawad ang kanilang mga maling nagawa... Lalo na ang pagkakamali ng buong nayon kay Honoka, ang kanyang anak na kasalukuyang nagwawala ngayon.




Itinaas ng Dyosa ang kanyang kamay at siya ay naglaho. Isang mahinang hikbi ang lumabas sa labi ni Mikage. Sinubukan niyang pigilan ang umiyak, ngunit humulagpos sa kanyang mga labi ang isang panaghoy na pumunit sa katahimikan na bumabalot sa gubat. Umalis na ang Dyosa upang patayin ang kanyang anak....

Wolf Girl RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon