“Bakit kanina pa tayo yata pinagtitinginan Hannah?” Napatanong si Jino. Kaninang umaga pa niya napapansin ang mga tingin na ginagawa ng mga nadadaanan nila, uwian na ngayon pero wala pa rin siyang idea kung bakit. Para bang freak show silang magpipinsan para tingnan ng ganito? Napatingin naman si Jino kay Hannah. Kung sabagay, hindi normal ang tumalon mula sa third floor ng isang building at magpatumba ng mga kulang trenta katao. Pero Hannah doesn’t seem to mind. Para ngang ineenjoy pa ito sa atensyon.
“ Okay lang yan. Ganyan din sa school ko noon sa Korea bago ako naging Jjang.” Naalala ni Hannah ang mga masasayang panahon niya noong nag-aaral pa siya dati sa Korea National High School. Mukhang malapit nang mabawasan ang pagka homesick niya oras na mapasakanya itong school na ito. Kamusta na kaya ang mga naiwan niya doon? Pero mahigpit na bilin ng lolo niya na huwag na niyang kontakin ang mga dating barkada. Palilipasin muna ni Hannah ang ilang buwan, mahirap na pinapagalit ang matanda pag ganoong seryoso.
Dumaan sa may harap ng bulletin board sina Hannah. Kanina pa niya napapansin na may mga nagkakagulo doon, pero di naman niya ugali na makigulo sa ganyan. Sabihin na natin na di ganoon ang interes niya sa mga usaping may kinalaman sa school. Pagtapat na pagtapat nila ay biglang tumahimik. Sa kasabihang Filipino, may nagdaang anghel, pero hindi siya anghel.
“Anong meron?” Simpleng tanong ni Hannah. Parang Red Sea na nahati sa gitna, nag-alisan ang mga nakatakip na estudyante sa naka post sa bulletin board. Tinitigan ni Hannah ang litratong malaki na naka post sa board. Mukha niya ang nasa litrato at sa ilalim ay nakasulat ang mga atraso niya pati ang kaparusahan. Ninety Six hours community service.
HWAAAAAT!? 96 HOURS TALAGA?
Nagsimulang tumaas ang dugo niya papuntang ulo. Kasabay nito naramdaman na naman niya na dumadaloy sa katawan niya ang lakas na kayang bumali ng puno. Oo, puno, hindi stick, hindi sanga, kundi puno.
Mabilis na nilakad ni Hannah ang daan papunta sa SC Office. Hindi pa rin naman niya nalilimutan ang daan papunta dito. Lalo na at dito siya... Pinilit burahin ni Hannah ang mga imahe na naglaro sa isip niya pero huli na ang lahat. Parang naririnig niya ang boses ni Trent...
"I miss you so much, so much..."
Bwisit na Trent yan, di ako nakatulog sa kalukohan niya. Humanda siya ngayon. Talagang tatamaan siya ngayon. Aish, bakit ba kailangan ko pa siyang harapin ulit ngayon? Hindi. HIndi ako takot sa kanya!!!
BINABASA MO ANG
Wolf Girl Romance
WerewolfHannah Choi is a descendant the powers of the wolf from Honoka, the first werewolf in their clan. Together with that power is the fate to meet the heir of the Water Prince. Trent has this power to cast spells and to control water, a trait that pas...