Chapter 5: Birthright

59 4 0
                                    

"Is that a way to greet someone you haven't seen in a long time?"   Narinig ni Noelle ang boses ng kanina pa nakatingin sa kanya at finally, nasa harapan na niya ito.  Nanlaki ang mata ni Noelle ng makita kung sino ang may-ari ng boses.  Yumuko siya at humingi ng paumanhin.

"Arashi-sama, patawarin po ninyo ako, hindi ko po kayo nakilala." 

Kumumpas lang ng kamay siya para iparating kay Noelle na balewala sa kanya kung nakastigo man siya nito kaninang hindi pa siya nakikita nito.   Ilang taon na ba mula ng huli niyang makita ito?  Dalawa o tatlong taon?  It doesn't matter.  What matters is why he is here right now.  It is time to claim his birthright to the Mikage Clan.

"Kyle Mikage na ang pangalan na ginagamit ko ngayon.  No need for formalities, besides, you were never formal with your master, right?"  Ang master na tinutukoy ni Kyle ay si Trent.  Minsan, nung bumisita sila sa ancestral house sa Japan, nakita pa niyang pinigot ni Noelle si Trent sa may likod ng main building.  Nakatago siya noon at akala niyang walang nakakakita sa kanya at bigla ngang nakita niya ang eksenang iyon. 

Bwisit namang-- What is that supposed to mean!?  Hanggang ngayon ba naman ay babanggitin na naman niya ang nangyari five years ago?  My God, bata pa kami noon.  Pero come to think of it, parang gusto kong pilipitin ang leeg ng taong ito ngayon na.  

Nginitian lang ni Noelle si Kyle kahit pa sa isip niya ay pinipilipit na niya ang leeg nito.  Sa sobrang ngiti ni Noelle para pigilin ang sariling galit ay halos nakapikit na ang mata sa sobrang ngiti.  Pagmulat niya ay wala na si Kyle.  Parehong pareho sila ni Trent.  

 Kahit pa masasabing magpinsan sila, hindi naman pareho ang treatment dahil sa branch family lang panganay na apo si Kyle.  Magkapatid ang lolo nila ni Trent ngunit ang lolo ni Trent ang mas matanda kaya sa kanya naipasa ang pagiging head ng kanilang angkan.  Hindi makapayag ang ama ni Kyle dahil sa mas may talent si Kyle sa pag-cast ng spells kumpara kay Trent.  Si Kyle ang nagdesisyon na lumipat ng school dahil nararamdaman niya na nandoon ang hinahanap niya, ang tagapagmana ni Honoka.

Pinawi ni Noelle ang isipin tungkol kay Kyle.  Mamaya pag-uwi sa bahay, saka niya babanggitin ito kay Master Armin.  Sa ngayon, kailangan niyang tingnan kung ano na ang nangyari kay Hannah.  Baka mamaya may bago na namang sirain ang babaeng iyon.

-------------

 "Totoo insan?  Magsusuot ka ng dress!?  HWAAAAAAAHAHAHAHAHA!!!!"  Nagtinginan ang mga kumakain sa canteen sa lakas ng tawa ni Jino. 

"Tigilan mo ako Jino, ganitong mainit ang ulo ko."  Patuloy na inatake ni Hannah ang kinakaing spaghetti at tinapay.  Ininuman pa niya ng coke ng mabulunan siya sa tinapay.  Nasamid naman siya ng mapatingin siya sa pinto ng canteen. 

"Dahan dahan lang kasi."  Hinagod hagod ni Karl ang likod ni Hannah habang nag-uuubo siya dahil sa tindi ng samid.  Tumingin din sa pinto ng canteen si Karl at nakita doon si Trent. 

Nakatingin si Jino kay Karl at napailing.  Di niya malaman kung paano sasawayin itong pinsan sa pahawak hawak kay Hannah.  Hindi para kay Hannah, kundi para na rin sa ikabubuti niya.  Baka mamaya mapatay pa siya ni Hannah pag nalaman ang pinaggagagawa niya.  Pero bahala na siya sa buhay niya, malaki na siya. 

"Hey Hannah, salamat sa pagtanggap mo sa proposal ko kahapon."  Hindi naman kalakasan ang sinabi ni Trent pero halatang nakikinig ang buong canteen sa usapan nila.  Biglang may katahimikang bumalot sa canteen.  Parang may nagdaang anghel, pero sino naman sa kanila dito ang anghel?

Naningkit muna ang mata ni Hannah bago nagsalita.  "Bakit, binigyan mo ba ako ng choice?  Pero kung nandito ka para bawiin, pwede din."  Ito lang ang sinabi ni Hannah bago ibinalik ang atensyon sa kinakaing spaghetti.

Wolf Girl RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon