Chapter 6: Dress and Sneakers

41 1 0
                                    

"Again." 

"EH!?  Nanginginig na ang binti ko!"  Reklamo ni Hannah habang minamasahe ang binti.  Hindi niya napapansin na nakikitaan na pala siya dahil sa pagkakayuko niyang iyon.  Pinitik naman ni Kamylle ang ilong niya dahil dito.

"Ano ka ba, nakikita na ang kaluluwa mo, hindi mo pa napapansin."

Blangkong tingin lang ang isinukli ni Hannah.  Nawala sa loob ni Kamylle na kahit nga pala marunong managalog ito, hindi siya ganun ka pamilyar sa mga figures of speech na Tagalog.  "Mag break muna tayo.  Meet me in thirty minutes."

Nagliwanag bigla ang mukha ni Hannah.  Nagmamadaling hinubad niya ang heels at pinaltan ng sneakers.  Ni hindi na niya napaltan ang suot na dress bago tumakbo palabas ng gym. Napapailing na sinundan ni Kamylle si Hannah.  Pang huling araw na ito ng crash course nila sa pagsali sa pageant. 

----------------------

 "Ano yan?"  Tumingala si Kyle sa nagsalita at isinara ang sketchpad.  Hindi niya pinansin ang nagsalita pero di din naman siya umalis sa kinalalagyan niya.  Napahiya yata at lumayo na.  Ayos lang.  Kaya nga siya lumayo sa ingay at kaguluhan ng festival para makapag-isa.  Wala siyang gana mag-entertain ng kausap sa ngayon.

Itutuloy na sana ni Kyle ang sketch niya, kaya lang, may nadagdag sa tanawin na ginagawa niya.  Doon sa ilalim ng nag-iisang puno sa may burol naisipan ng babae kanina na matulog.  Pinag-aralan ni Kyle ang babae bilang subject sa ginagawa niya.  Nilipat niya ang pahina ng kanyang sketchpad at sinimulan muli ang ginagawa niya kanina.  Ngayon, sa puno na dinrawing niya kanina, may nadagdag na detalye.  Isang babaeng may mahabang buhok na naka dress ang payapang natutulog.  Out of place ang sneakers na pula nito pero nakangiti si Kyle habang ginagawa ang sketch niya.  Mamaya niya ito ililipat sa canvass sa bahay. 

 ------------------------------

Nagising is Hannah ng may naramdaman siyang bagay sa may pulso niya.  Unti unti niyang binukas ang kanyang mata at nakita ang dami ng tao at narealize niya na ang naramdaman niya kaninang nararamdaman niya ay laruang posas pala!  Nawala ang antok ni Hannah at napabalikwas siya ng bangon. 

"Aray!"  Paghihiwalayin sana ni Hannah ang kamay niya na nakaposas pero nagulat siya sa tibay ng laruang posas.  

"TREEEEEEEEEEEEEENT!!!!!"  Umaalingawngaw ang pagkakasigaw ni Hannah sa pangalan ng taong naisip niyang gumawa sa kanya nito.  Tama naman siya, kasalukuyang nandoon ito sa Wedding Booth at nakikipagtawanan sa mga tao doon habang may mga babaeng mangiyak ngiyak na ayaw magpakasal sa kanila ni Trent doon sa booth. 

Ibinulsa ni Trent ang hawak na taling ginamit niya sa spell sa posas na ginamit kay Hannah.  Mamaya pagkatapos ng "wedding"  niya dito, saka niya tatanggalin ang spell... masyadong malakas si Hannah.

Maya maya pa ay dinala na si Hannah sa Wedding Booth.  Maingay ito at galit na galit pero di naman nagpupumiglas.  Natatawa lang ang mga nagdala sa kanya sa booth.  Ano pa ba naman ang kakaiba kung ikakasal sila ni Trent?  Nung nakaraang araw, matapos ang eksena sa canteen, halos inaasahan na nila ang kasalan ngayong araw na ito.  Huling araw na bukas ng Founding Week at pageant na dito sa school.

Hindi makapagpumiglas si Hannah.  Ano naman kaya ang iisipin ng mga may dala sa kanya dito sa booth?  Ang ingay ng mga sigaw niyang nagagalit kay Trent pero di naman siya nagpupumiglas para hindi matuloy ang kasal na ito!  Nakakarami na itong Trent na ito ha!  Oras na makawala ako dito, lagot talaga ang ungas na ito.  Talaga, lagot talaga itong taong ito!!!

Hinawakan ni Trent ang kamay ni Hannah na nakaposas.  Tinitigan naman ito ni Hannah na parang papatayin.  Natawa si Trent.  Sumimangot si Hannah.  Iginiya na ni Trent si Hannah papunta sa "pari-parian" sa dulo ng aisle na nadedekurasyunan ng mga bulaklak na gawa sa recycled materials at crepe paper.  Kanina pa kuha ng kuha ng litrato si Suarez at nasa likod naman nito ang nakahalukipkip na si Noelle.  Iba't iba ang reaksyon ng mga nanonood ng nangyayari.  May kinikilig, may mga napapailing, meron din namang nagagalit.  Pansin ito ni Trent pero wala lang talaga siyang pakialam.  Masyado siyang masaya para magkaroon ng paki.

Papalapit na sila sa "pari" at di maiwasan ni Hannah na makaramdam ng kabog sa kanyang dibdib.  Kaba ba ito?  Hindi e, iba.  Hindi niya malaman kung ano ito.  Natatakot ba siya kay Trent?  Tiningnan niya ito.  Hindi ito nakatingin sa kanya.  Napadako na naman ang tingin niya sa labi nito na parang konti lang ang agwat sa kulay ng sa kanya.  Lumingon ito at tumingin sa kanya.  Nahuli na naman siya nito na nakatingin!  Huli na para magbawi ng tingin si Hannah kaya dumila na lang siya sabay irap dito. 

"Father, ikasal mo na kami." 

Naghiyawan na ang mga nakapaligid, nagsimula na magtuksuhan.  Sa likod ng mga naghihiyawan ay sina Jino at Karl.

Kanina pa nagkakaugulo dito sa may school grounds at napansin itio ni Karl.  Hindi naman niya ito pinapansin dahil busy sila ng mga kaklase niya sa sarli nilang booth.  Pero nang marinig niya ang tili ni Hannah, napapunta siya sa pinagkakaguluhan ng mga tao.

Ang daming nakapaligid sa Wedding Booth, pero kahit pa hindi makita nina Karl at Jino kung sino ang ikakasal, hindi naman lingid sa kaalaman nila kung sino nga ito.  Halos ipagtulakan ni Karl ang mga tao para lang makarating sa harap.  Kasunod naman niya si Jino na kakamot kamot lang ng ulo.  Sana ay makarating siya sa harap agad.  At ano naman ang balak niya gawin?  Pigilan ang kasal?  Katawa tawang eksena sana pero hindi naman natatawa si Karl.  Bakit naman pumayag si Hannah dito?  Nagtataka siya.

"O sige, you may kiss the bride!"  Malakas ang boses ng "pari"  at naghiyawan na naman ang mga tao.  Nito lang nakarating sina Karl at Jino sa harap.  Nakahalukipkip si Hannah habang nakaupo naman si Trent sa harapan nito at may nilabas sa bulsa. 

"Ano na naman ang balak mong gawin dyan?  Panibagong panali?  Pag ako nakakawala dito, siguraduhin mong mabilis kang tatakbo."  Naniningkit ang mata ni Hannah habang pinapanood si Trent sa ginagawang pagpapalit ng kaliwang sintas ng sapatos niya.  May dala itong pulang sintas.  Pula na nga ang sapatos niya, pula pa rin ang sintas.  Bumuntong hininga si Hannah para iparating sa lalaking nagkakabit ng sintas niya na naiinis at naiinip na siya sa ginagawa nito.

Tumingala lang si Trent at ngumiti.  ang sneakers niya, kulay pula na ang sintas ng kanang pares.  Tinapos lang niya ang pagri-ribbon ng sintas at tumayo.  Tiningnan niya si Hannah sa mata at bigla itong hinalikan sa labi.  Smack lang, pero ang reaksyon ng mga tao, parang sumabog na tunog ng sabay sabay na sigaw, kasabay din ng mga sigaw ang isang suntok na tumama sa panga ni Trent.

Natumba siya sa pagkabigla.  Sa saglit na nawala ang konsentrasyon niya, naputol ni Hannah ang posas.  Ng tingnan ni Trent si Hannah, nakita niyang hatak hatak na ito ni Karl at kasunod naman si Jino.  Napasuntok si Trent sa lupang binagsakan niya, bago siya tuluyang tumayo.  Pinahid niya ang dugo mula sa labi na pumutok.  Dagli namang lumapit si Suarez.  Isinenyas lang ni Trent kay Suarez na pabayaan na sina Hannah.  Naglakad na lang siya palayo mula sa mga nagulat na mga nanonood.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wolf Girl RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon