"Pres! May away po sa tapat ng building ng Grade 10! Tatawagin ko na po ba ang mga pulis?"
*SIGH*
Bumuntong hininga muna si Trent bago sumagot. Matagal na talagang problema ang away ng mga gang sa loob ng campus. Hinigpitan na nila ang disiplina sa mga estudyante hanggang sa puntong may pulis na naka istasyon sa loob mismo ng campus.
"Huwag muna. Pupuntahan ko at patitigilin ko sila. Tara na Suarez, kuhanin mo ang shinai (bamboo kendo sword) dyan sa likod ng pinto, isunod mo sa akin."
Kahit pa may pina istasyon na silang pulis dito sa campus, hangga't maaari, ayaw din naman ni Trent na ma involve ang mga ito sa gulo ng estudyante. Pero malamang ay nandun na ang mga pulis at kailangan niyang ayusin ang sitwasyon hangga't maaga.
Common na ang eksenang ito. Immune na nga pati mga teachers. Di naman dahil sa wala silang pakialam. Nandun lang sa point na wala lang talaga silang magagawa pag nagkagulo na. Masyadong madami sila para ma contain ng hindi ginagamitan ng pwersa. Pwersa ba kamo? Iyan si Trent. Kaya niya patigilin ang gulo sa ilang segundo lang, dahil nakikinig naman sila sa ilang salita lang, at kung hindi, nandyan naman ang kanyang shinai para kausapin sila. Medyo matagal na rin na panahon na hindi niya nagagamit ang kanyang shinai dahil natuto naman ng leksyon ang mga tinamaan nito.
Hindi mabilis, hindi naman mabagal ang paglalakad na ginawa nina Suarez at ni Trent papunta sa Grade 10 building. Mula ng iligtas ni Trent si Aaron Suarez mula sa mga bully, naging tagasunod na niya ito. Hindi naman ugali ni Trent ang nakikialam sa gulo ng iba. Parang tawag lang ng pagkakataon napadaan siya sa lugar kung saan kasalukuyang binubugbog si Aaron. Si Aaron din ang nag-udyok sa kanya na tumakbo bilang SC president. Nagtagumpay naman siya at ngayon ay heto, punong puno ang oras niya sa gawain sa school. Mas mabuti na rin iyon at wala na siyang oras pa para mag-isip ng kung anu-ano.
Biglang pumasok sa isip ni Trent ang mukha na lagi niyang nakikita sa kanyang panaginip. Babaeng mahaba ang buhok na kakulay ng mga dahon tuwing tag lagas, may mga matang may kulay na matingkad na berde na malungkot na nakatitig sa mata niya.
Ilang buwan na siya ayaw patahimikin ng kanyang panaginip. Bakit kailangang sumulpot pa ito sa kanyang alaala ngayong mga oras na ito?
Nagsimula ang panaginip niya mula ng bisitahin niya ang kanyang lolo sa Japan. Hindi na siya pinatahimik ng panaginip na iyon. Ikinwento niya sa kanyang ina ang nangyayari sa kanya at biglang nagkaroon ng pagtitipon sa bahay nila. May binanggit sila sa kanya bilang tagapagmana ng espiritu, pero di naman niya pinagtuunan ng pansin ito. Nagulat na lang siya ng ma-enroll siya sa paaralang ito. Ang sabi sa kanya, nandito daw ang kapalaran niya. Anong klase namang kapalaran ang makikita dito sa gitna ng mga kaguluhang ito?
BINABASA MO ANG
Wolf Girl Romance
WerewolfHannah Choi is a descendant the powers of the wolf from Honoka, the first werewolf in their clan. Together with that power is the fate to meet the heir of the Water Prince. Trent has this power to cast spells and to control water, a trait that pas...