Chapter 4: Caught in the Moment

104 5 0
  • Dedicated kay Monette Reyes
                                    

Pinagmasdan lang ni Trent na lumakad palayo sina Hannah at ang pinsan nito. Naramdaman niya ang isang presensya sa kanyang tabi. Nandito na si Noelle. Alam niyang may sasabihin ito at tama nga siya.

"Alam mo naman ang mangyayari sa iyo diba?"

Tumango lang si Trent pero di siya tumitingin kay Noelle. Hindi na niya nakikita sina Hannah pero nakatingin pa rin siya sa direksyon kung saan naglakad ito.

'"Alam mo rin na hindi maiiwasan ang mga mangyayari tama?" Saka lang nilingon ni Trent si Noelle.

Medyo kumunot ang noo ni Noelle sa isang isipin. Sa lahat naman ng pwedeng maging dominanteng ugali na pwedeng magkaroon ang isang tao, bakit ang pagiging makulit pa? "Magkita na lang tayo mamaya sa bahay. Pero huwag mong asahan na magsisinungaling ako para hindi ka makagalitan. Malalaman at malalaman ng Dad mo ang lahat---

Pinisil ni Trent ang pisngi ni Noelle at binatak batak ito at pinapormang nakangiti siya. Natatawa siya habang ginagawa iyon. "Ilang beses mo nang sinabi sa akin yan kahapon pa. Relax. Wala pa namang nakakaalam na siya nga si Honoka."

Hinaplos haplos ni Noelle ang pisngi niyang medyo masakit pa sa pagkakapisil ni Trent. Iniwanan na pala siyang mag-isa ni Trent. Ang hirap pala ng trabaho niya pag nandyan na.

Mula ng magkaisip si Noelle, sa mga Silverio na siya nakatira. Ang Dad ni Trent na si Armin ang matalik na kaibigan at employer ng kanyang Papa Ranald. Si Papa rin niya ang kanang kamay ni Sir Armin, samantalang siya naman ang may trabaho na ilayo si Trent sa threat mula sa pamilyang naging descendant ni Honoka, at si Hannah ang kasalukuyang Honoka sa henerasyong ito.

Hindi rin naman miminsang naikwento sa kanya ng Papa niya kung paano sila nagkakilala ni Sir Armin. Ito na rin ang makakapagpaliwanag kung bakit ganun na lang ang loyalty ng kanyang Papa sa mga Silverio. Siya man ay tumatanaw pa rin ng utang na loob kay Sir Armin. Kung hindi dahil dito, baka wala din siya sa mundong ito.

Göltzsch Viaduct 1995

Tinungga ni Ranald Blumstein ang boteng hawak niya. Binaligtad niya ito at nakumpirma ang hinala niyang wala na pala talagang laman ang bote ng vodka na hawak niya. Binitawan niya ito. Ilang segundo din bago tumunog ang nabasag na bote sa ibaba.

Nilapitan ni Ranald ang tatalunan niya. Umugong ang paligid, senyales na may tren na dadaan sa ibabaw ng viaduct. Natumba si Ranald, hindi dahil sa tren kundi dahil sa kalasingan. Dali dali naman siyang tumayo at pinagpag ang alikabok na kumapit sa kanyang pantalon. Natawa siya sa sarili. Bakit nga pala niya kailangang pagpagin ang duming kumapit sa pantalon, kung maya maya rin naman ay mamamantsahan din naman ito ng kanyang sariling dugo oras na tumalon siya?

Tiningnan na niya ang lugar na pinagtapunan niya ng bote ng vodka. Lumakad siya papunta dito ngunit napigil siya ng may marinig siyang boses.

"If you are so willing to die, can I have your kidney before you do?"

Gulat na napalingon si Ranald sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Umikot bigla ang kanyang paningin at ang suka na kanina pa niya pinipigilan ay biglang lumabas. Matapos niya iduwal ang kanyang kinain, pinahid niya ang kanyang bibig gamit ang manggas ng kanyang suot na amerikana. Hinintay niya na mag-focus ang kanyang mata bago hinanap ang nagsasalita.

"Are you still going to jump? Please don't. I really need to live, so please, get down from there."

HIndi gumagalaw si Ranald. Umurong ng bahagya si Ranald ng ilang hakbang. Naramdaman niya ang panlalambot ng kanyang tuhod at napaupo. Diretsong dumaloy ang luha mula sa mga matang kanina pa namumula dala ng kalasingan. Humagulgol at humikbi siya na parang bata. Naligtas siya mula sa sarili niya ng taong ito. Isang taong di niya kilala.

Wolf Girl RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon