Chapter 1: The Lycan's Past

327 8 0
                                    

"Aray, di na po, di na po mauulit," ang nagmamakaawang sambit ni Suk Doo Han. Naramdaman niya ang pagdiin ng sapatos na nakaapak sa kanyang kanang pisngi. Labing lima sila ngunit kinaya silang talunin ng iisa. Hindi sila makapaniwala na magagawa sa kanya ng isang babae ito. Mukhang kailangan na niyang umanib sa nasasakupan ng Jjang ng Seoul National High School.

Iniwanan na lang siya ni Ha Na at nakahinga siya ng maluwag.  Nagkalat ang kanyang mga kasamahan na pareparehong nawalan ng malay.  Ang likod na lang ni Ha Na ang huli niyang makita bago siya tuluyang matulad sa mga kasamahan na wala ring malay.  

"Eto bag mo," inabot ni Kang Do Ki ang bag na pinulot niya matapos itong itapon ng kaibigan bago makipaghabulan sa mga lalake sa kabilang high school.  Alam niyang dapat niyang pigilan ito sa mga pinag-gagagawa nito pero sino ba naman siya.   Mahal nya ba pang buhay niya at may balak pa siyang mabuhay ng matagal.  Tama, mabuhay na lang tayo ng tahimik, usal nito sa sarili. 

"Salamat.  Tara sa convenience store.  Kain tayo.  Ginutom ako sa mga kumag na yun," ani Ha Na habang pinapagpag ang manggas ng suot na jacket.  Sinukbit niya ang bag at hinayaang mauna maglakad si Do Ki.  Mukhang gagabihin na naman yata ako ng uwi....

Matagal na niyang kaibigan itong si Do Ki.  Naging follower na niya ito mula ng iligtas niya ito mula sa mga bully noong elementary sila.  Maliit at patpatin ito, nakasalaming makapal at minsan utal pa magsalita.  Mga katangian ng mga batang gus-tong gusto atakihin ng mga bully.  Masasabi rin naman si Ha Na na isang bully.  Siya ang bully ng mga bully.  May pagka-pakialamera lang din siguro siya kaya hindi siya maubos-ubusan ng mga gulong kinakasangkutan.  Tulad ngayon.  Nangingikil ng pera ang grupo na nakaharap niya kanina.  Wala namang ibang tutulong sa kanyang mga kaeskwela bukod sa kanya.  Kaya parang natural na naging Jjang siya sa eskwelahang pinapasukan.

------

"CHOI HA NA!!!"

TOG!!  Ang lakas ng tunog ng pagkakauntog ni Ha Na sa bintana.

Dumadagungdong ang boses ng lolo ni Hannah kaya nakadagdag ito sa gulat niya. Dahan dahang isinara ni Hannah ang bintanang dinaanan niya at saka hinimas ang ulo na tumama sa frame ng bintana.  Mukhang bubukol ito kung hindi agad malalagyan ng yelo.  Aish!  Nakatago pala ang lolo niya sa dilim at doon siya nito hinintay.

Matay man niyang isipin, paano ba talaga nito nahuhulaan kung saan siya dadaan? Hindi naman maliit ang bahay nila para malaman agad agad kung anong bintana ang gagamitin niya para makapasok sa mga oras tulad nito na napagsarhan na siya.

"Hehehe, nandyan po pala kayo Hal-abeoji..." Kamot ulo at ngiting alanganin lang ang nagawa niya. Ano pa ba ang pwede niyang gawin? Nahuli na siya...

Inihanda na niya ang sarili niya na makagalitan ng mahaba haba. Naghihintay siya habang nakatingin sa sariling sneakers. Ang tagal yata ng sermon? Dahan dahan siyang nag angat ng paningin. May iniaabot ang lolo niya sa kanya. Isang passport. Parang hindi maganda ang susunod na sasabihin nito...

Nakasilip si Hannah sa bintana. Kitang kita niya ang mga ulap dito sa window seat na ibinook para sa kanya ng kanyang lolo. Parang gusto niyang maluha, pero ubos na yun, kagabi pa.

Tatlong oras ang byahe. Parang isang bus ride lang papuntang probinsya. Pero parang ang layo layo. Ibang bansa, ibang mga tao. Napabuntung hininga si Hannah. Ang linaw pa rin ng mga pangyayari kagabi.

"Hal-Abeoji, ano po ito? Pinapaalis na po ninyo ako?" Maluha luhang tanong ni Hannah. Ayaw niya tanggalin ang tingin sa hawak niyang passport. Baka pag nag angat siya ng tingin, makumpirma nga niya na galit nga sa kanya ang lolo niya kaya siya nito pinapaalis.

"Kung dahil po iyon sa pag-uwi ko ng gabi, promise po, di a mauulit." Hindi na napigil ni Hannah at tiningnan na niya ang lolo niya. Kitang kita niya ang lungkot sa mata nito.

Wolf Girl RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon