“Mahal kita alam mo yan. Pero Julianne”
“Pero mas mahalaga ang pag-aartista mo kesa sakin? Ganun ba Caleb?” Hindi pa man siya natatapos magsalita ay nagsalita na ako. Ayokong ipamukha sa akin ng lalakeng ito na mas pinipili niya ang pag-aartista niya kesa saking girlfriend niya.
“Juls, hindi ganun yon. Mahal kita. Mahal na mahal. Pero alam mo namang matagal ko nang pangarap ito diba?”
Napatigil ako. Oo. Alam ko. Alam kong mas nauna niyang pinangarap ang pag-aartista. Mas nauna kesa sa minahal niya ako. Sino ba naman ako diba? Kumpara sa pangarap niya, syempre dehado ako.
“Pero bakit kailangan pa nating magbreak?” tanong ko nang may tinig ng pang-unawa. Mahina lang ang pagkakasabi ko dahil pinipigil ko ang luhang konting konti nalang ay tutulo na.
“Yun ang utos ng manager ko.” Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. “Malapit na malapit na ako sa pangarap ko Juls.”
“Bakit ba hindi ko magawang magalit sayo Caleb?” Tuluyan na akong umiyak pero hindi ko alam kung bakit ako nakangiti habang umiiyak. Siguro dahil pumapayag na ako sa pakikipagbreak niya? Ewan. Napaiyak na rin siya habang nakahawak parin sa braso ko. Hinawakan niya ang palad ko at hinalikan.
“Hintayin mo ako Julianne. Pangako, babalikan kita. Pag stable na ang career ko, babalikan kita.”
Alam kong dapat akong magalit sa sinabi niya. Alam kong napaka-selfish nang sinabi niya. Habang siya tinutupad ang mga pangarap niya, ayun ako, paghihintayin niya at paaasahin na babalikan niya talaga ako. Pero wala akong magagawa. Mahal ko talaga ‘tong lalakeng ‘to. Nakangiti akong napatango, hindi ko alam kung bakit. Niyakap niya ako.
“Salamat Julianne. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.” sabi niya nang hindi na lumuluha.
“Mahal na mahal din kita Caleb. Hihintayin kita. At babalikan mo ako, pangako mo yan ha?” Sinadya kong masaya ang pagkakasabi ko niyan pero lumuluha parin ako at namamatay parin ako sa sakit.
“Babalikan kita Juls. Pangako.” Sa huling pagkakataon ay tinitigan at hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang luhang tumutulo dito. Inabot niya ang palad ko at muli pa ay hinalikan ito. “I love you Julianne. I love you.”
Sapat na yun para sa akin. Sapat na para maniwalang babalikan niya talaga ko. At mahal niya talaga ako. Napangiti ako. Hinawakan ko ang kamay niya. “I love you too Caleb. I love you too.”
Ngumiti siya. Hinalikan ang noo ko. Napapikit ako. The next thing I know, nawala na siya sa harapan ko at mula noon ay hindi ko na siya nakita pa.
YOU ARE READING
My Superstar Boyfriend
RomanceSabi nila mahirap mahalin ang isang taong malapit nga sayo pero hindi ka naman makita-kita. Sabi nila mahirap mahalin ang taong may mahal ng iba. Pero sa labing anim na taon kong pakikipagsapalaran sa buhay, may isang bagay akong natutunan tungkol s...