Chapter 3

284 5 0
                                    

Sobrang tahimik sa loob nang kotse. Bukod kasi sa hindi ko alam ang sasabihin ko eh alam niyo na, makirot pa rin talaga ang puso ko.

“Ihinto mo na yung kotse.” sabi ko nung medyo nahimasmasan na ako.

“Ba-bakit?” tanong niya pagkatapos niyang ihinto.

“Dito nalang ako. Salamat at sorry sa abala.” binuksan ko na yung pinto kaso pinigilan niya ako.

“San ka pupunta? Hep hep hep!”

“Hurray! Bababa na ako.” 

Napatawa siya sa sagot ko. “Nakakatuwa ka talaga. Pero hindi pwede. Alam mo bang sa loob ng dalawang linggo, ngayon lang ako naging libre?” Poker-faced lang akong nakikinig sakanya. “Marami akong gustong gawin ngayon pero hindi ko nagawa dahil sayo.” pagpapatuloy niya.

“Sinabi ko ba kasing habulin mo pa ako nung umalis ako?” sumbat ko.

“Bakit sinabi ko bang sampalin mo ako?” sagot niya. Medyo tama siya. Kahit ako rin naman ang sampalin eh hinding hindi ko mapapalampas.

“Eh hindi ko nga sinasadya. Ano bang kailangan mo?” tanong ko.

“Sasamahan mo ako ngayong araw.”

“Saan?”

“Kahit saang gusto ko.”

Um-oo nalang ako. Sabagay, kailangan ko rin naman ito para kahit papaano eh mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Pero in fairness ha, sa hiya ko kanina sa Jacob na ito, nakalimutan ko sandali yung pangwawalang-hiya sakin ni Caleb. Medyo thank you sakanya.

Pamaya-maya pa nakarating din kami sa gusto niyang puntahan. Pagtingin ko, medyo weird. Kasi nasa baywalk lang kami.

“So dito mo lang gustong pumunta?” tanong ko

“Oo.” Napatawa ako. “Bakit ka tumatawa?” tanong niya.

“Eh kasi akala ko kung saan tayo pupunta, dito lang pala.”

“Wag mong nila-lalang to. Para sa mga taong tulad ko, napakalaking bagay na pag nakapunta dito.” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Oo nga pala sikat siya kaya imposibleng makapunta siya dito ng basta basta lang. “At kung makapunta nga kami dito, kailangan pang magsuot ng kung anu-ano para lang hindi makilala.” pagpapatuloy niya. Medyo nangangamoy drama ito. Nakatahimik lang ako nang bigla niyang tinanong “Bakit mo ako sinampal kanina? Bakit ka umiyak?”.

Hindi ko alam ang sasabihin kaya iniba ko nalang ang usapan. “Gusto mo bang lumabas?”

“Pero wala akong dalang pantago.”

Ngumiti nalang ako. “Okay lang yan. Tara!” Napangiti nalang rin siya at sumunod nalang rin pagkalabas ko. Umupo ako sa upuan. Ganun din siya.

“Ang ganda noh?” Sabi niya habang nakatingin sa sunset. Napangiti lang ako. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sakin kaya tumingin din ako sakanya. Ngumiti siya at saka tumingin ulit sa sunset. Ganun din ang ginawa ko. Madilim na nung mapagdesisyunan namaing umalis na. Pero nung papasok na kami sa kotse bigla siyang nagsalita “Nagugutom ako. Kain tayo?”

“Si-sige. Saan mo gusto kumain?” tanong ko

“Kahit saan. Ikaw? San mo gusto?” pagbabalik-tanong niya. Luminga-linga ako sa paligid kasi ayoko nang lumayo pa. Gutom narin kasi ako. Kaya nung may nakita akong ihawan sa gilid, yun nalang ang tinuro ko.

“Sigurado ka?” pag-aalangan niya.

“Oo naman. Don’t tell me isa ka ring dakilang maarte na hindi kumakain ng streetfoods?” panunukso ko. Medyo hindi na ako nahihiya sakanya, in fairness.

My Superstar BoyfriendWhere stories live. Discover now