Chapter 1: Monsters Kiss

403 45 34
                                    

"Amity bilisan mo! malelelate na tayo."

Pagbubunganga ng kaibigan kong si Hyacinth. Kaya binilisan ko nang mag pulbo ng mukha at nag spray ng pabango. Di na ako nag abala pang mag suklay, may nabasa kasi ako hihi. may nag post lang naman sa FB na "Ang tunay na maganda, di nagsusuklay ng buhok" wahaha!

"Amity Xhan Sy!" Sigaw ni Hyacinth. Naku, Nag-aalburuto na yan sa galit. Bakit ko alam? Eh kinumpleto nya ang pagtawag sa pangalan ko eh. Nasa baba yan naghihintay, rinig na rinig ko syang sumisigaw! Ang laki kasi ng boses. Psh!

Kaya lumabas na ako ng kwarto baka pumasok pa yan bigla at sirain ang pintuan ko. Amazona pa naman yan.

"Eto na, bababa na. Bababa baba banana." Sabi ko at ginaya ang banana song ng minions. Haha. Ang panget tuloy.

Habang pababa ako, di ko namalayan na sumabit yung sling ng bag ko kaya napabalik ako nang wala sa oras.

Hinihila ko ang sling para matanggal, kaso ang higpit ata ng pagkakasabit.

Kaya full force kong hinila at natanggal naman ito. Ang kaso na out balance ako kaya natumba ako at nagpa gulong gulong pababa ng hagdanan. Huhu

Napa ubo na lang ako sa sobrang sakit. Nakita ko si Hyacinth na nakatayo sa Ulonan ko. Ang awkward nga kasi kita ko yung panty nya! Haha.

"Ganda naman ng short cut mo te? Gumulong gulong ka pababa, pano mo ginawa yun? Magaya nga." Pang-aasar nya. Psh! Kasalanan nya to eh.

"Tulungan mo na lang kaya akong tumayo?"

Inabot naman nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo.

Nang makatayo ako inayos ko yung sarili ko. Napahawak pa ako sa likod ko. Sakit kasi eh. Huhu

"Oh! Anak, para kang dugyot. Mag suklay ka nga." Sabi sakin ni Nanay na kalalabas lang galing kusina.

"Di pa ba kayo sanay dyan tita?" Sagot ni Hyacinth kay Nanay. Psh! Porke close sila ni nanay eh.

"Pagsabihan mo nga yang kaibigan mo Yanny." Sabi ni Nanay.

May inabot samin si Nanay, isang lunch box. Ay mali , dalawa pala, kay Hyacinth ang isa.

"Salamat po tita! Nako, mabubusog na naman ako nito." Natutuwang sabi ni Hyacinth at niyakap si Nanay.

"Nay naman, di ba sabi ko, di mo na kailangan maghanda ng ibabaon namin? May cafeteria naman dun sa school eh. Kaya na akong ilibre ng bruhang to" turo ko kay Yanny.

"Hoy Xhan! Ang arte mo ha, kung ayaw mo akin na lang."

Sabi nya sabay agaw ng baonan ko, tinago ko naman agad yun sa likuran ko. Ang takaw talaga ng babaitang to. Tss.

"Osige na, pumasok na kayo't late na kayo." Tugon ni Nanay.

Lumapit ako kay Nanay at kiniss sya.

"Bye Nay." Paalam ko.

"Ingat kayo ha?" Sabi ni Nanay. Tumango na lang ako.

"Opo tita, bye po!" Natutuwang sabi ni Yanny kay Nanay.

At dahil walking distance lang papuntang school namin ay naglakad na lang kami ni Yanny, opo, tama po kayo. Malapit lang ang bahay namin sa school namin kaya less pamasahe. Wahaha

Wait! Di pa pala ako nagpapakilala.

Ako si Amity Xhan Sy. Bakit Amity? Di ko alam, pake nyo ba? Di joke lang. Ang Amity po ay may ibig sabihin. Amity means, Friendship and Harmony. Ang Papa ko po ang nakaisip nyan. Sayang lang at di ko na sya nakilala. Namatay daw kasi sya sabi ni Nanay. Kapag tinatanong ko kung anong ikinamatay ni Papa lagi nyang sinasagot "nalunod sa sabaw" psh! kaya di na ako nag balak na magtanong pa.

Princess In Pajamas #Watty's2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon