3rd Chapter
Amity
Andito ako ngayon sa Gym ng School. Medyo napaaga ang pasok ko dahil ngayong araw ang schedule ng magpapalista kung anong club ang sasalihan.
Mag isa lang ako dahil gusto kong mapag-isa. Ayaw kong may nangungulit sakin.
At dahil first time kong sasali sa mga clubs dito sa school, Cheerleading ang sasalihan ko. Hihi.
Ilang oras din akong naghintay dahil nga sa ang aga kong pumasok.
Si Yanny naman tinataguan ko. Nangungulit kasi sakin. Gusto nyang mag kwento ako kung anong nangyari kahapon.
Di ko pa kasi nabibigay yung jacket ni Pete. At di nya alam na andito ako. Di ko sinabi sa kanya na this time, sasali ako ng mga activities dito sa school. Sayang naman at di ko maipapakita ang talent ko no. Ga-graduate na nga lang ako di ko pa maeenjoy ang last year ko dito.
In fact, na eenjoy ko rin naman yung mga panggugulo nila sakin. Hehe.
Eto na, nagsidatingan na yung mga naka in charge sa iba't ibang clubs. Meron ding mga teachers.
Inaayos nila yung mga table at nagpapaskil ng mga pwedeng salihan Like music and arts, Singing, sports, cheerleading,etc...
Dumarami na rin ang mga estudyante. Malaki naman tong gym kaya kasya kahit dumalo pa mga taga ibang school. Haha.
Naglalakad lakad ako ng may narinig akong bulungan.
"Wait? Si Amity ba yan?"
(Hindi po, statue lang ako. Duhh?)
"The one and only. Ano naman gagawin nya dito?"
(Mamimingwit ng mga malalansang isda na katulad nyo. Psh!)
"Baka sasali ng clubs? Tss. Di bagay sa isang basahang kagaya nya sumali ng mga clubs."
(Tabas ng dila! Kala mo maganda. Pweh!)
Hinayaan ko lang sila na pagchismisan ako. Duhh? Sa apat na taon ko dito, sanay na ako. Saka, pasalamat sila wala pa si Yanny.
"Mic test.. *Clear throat* Okay fellow Forward Students. The club you are about to attend is officially open. Kindly register your name na lang. Thank you!" Sabi nung isang officer ng school namin. Di pa naman namin alam kung sino ang susunod na Student council President ng school na to.
Bakit Cheerleading sasalihan ko? Uhm- di ko rin alam eh. Hehe. Ang alam ko, magaling ako sumayaw. Haha.
Hinanap ko muna ang pwesto kung saan mag a-audition para sa cheerleading. At sakto, nahanap ko. Madami ding naka pila para malista pangalan nila at maghintay na lang na tatawagin ang pangalan.
Di pa ako nakakapila may kumausap na sakin.
"Hi, sasali ka?" Tanong sakin ng isang girl.
"Kinakausap mo ako?" Aish! Obvious naman kasi sakin sya nakaharap. Pero himala ata may kumakausap sakin. Wala naman kasing nag balak na kausapin ako dahil nga sa situation na meron ako.
BINABASA MO ANG
Princess In Pajamas #Watty's2016
HumorRomance/Comedy/ teenfiction Si Amity ay isang ulila sa ama, ang nanay maricel na lamang nya ang kanyang kasama sa buhay. Kahit mahirap sinisikap nyang makapag tapos para sa kanyang pinaka mamahal na ina. Minsan iniisip nya, kailan kaya sila yayaman...