Chapter 2: Bad Feeling

178 37 9
                                    

2nd Chapter

-Amity-

"Hoy Xhan! Kanina pa ako putak ng putak dito di ka man lang nakikinig. Para kang ni rape ng sampung kabayo dyan."

Naiinis na sabi ni Yanny. Nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari.

Ayaw ko din naman mag kwento dahil naiinis ako sa tuwing naaalala ko yung Lalaki na yun. Kasalanan nya kung bat pinagalitan ako ng subject teacher namin.

Ganto kasi yun..

Flashback 

Naiwan ako ditong lutang sa labas ng office ni Miss P. Taeng lalaki yun! Huhu. Ninakaw nya yung first kiss ko. Binaboy nya ang pagka-babae ko. Kailangan panagutan nya ako. Humanda sya. Ako na OA, haha.

Inihilamos ko ang mga palad ko sa mukha, pati labi ko pinunasan ko na din. Pweh! Pero infairness ang lambot ng lips nya. Waaah!

"Shit!" Bigla akong napamura dahil 20 minutes na akong late. Inayos ko ang sarili ko dahil alam kong ang pangit ko tignan.

Agad akong pumasok sa lift. Pindot ako ng pindot sa 4th floor baka sakaling bumilis ang pagbaba ng lift. Antagal ko ng gumagamit nito pero feeling ko nahihilo parin ako.

Tumunog at bumukas na ang elevator. Lumabas ako saka tumakbo sa patungong Special Section. Bahala na yung Ace na yun kung maligaw man sya. Bwesit sya!

Nakarating ako sa tapat ng Special section. Lahat ng studyante nakatingin sakin, yung iba halos pinipigalan ang tawa nila. Alam ko na kung bat ganyan sila, mukha na naman siguro akong dugyot. Papasok na sana ako kaso pinigilan ako ni Ma'am Jedi.

(AN/ Pronunciation ng jedi -Jedai)

"You're 21 minutes and 20 seconds  late, Sy. Alam mo namang ayaw kong may nalelate sa klase ko diba?" Sabi ni Ma'am sakin. Nakataas na yung kilay nya.

"Sorry po ma'am, inutusan pa kasi ako ni ma'am Agua."

"Sorry's not enough. I don't want to see your face here in my class." Sabi ni ma'am, napaka strict nya, parehong pareho sila ni Ma'am Agua.

"Ano pang tinatayo mo dyan? GET OUT!" nagulat ako dahil sinigawan ako ni ma'am. Nakakahiya na kasi pinagtatawanan na ako ng mga kaklase ko. Sa bandang likuran naman nakita ko ang mukha ng Hudas na Ace na yan. Nakatingin sya sakin tapos Ini-Snob-an nya ako saka umiwas ng tingin. Eh bat sya pinapasok? Late din naman sya ah. Psh! Sabagay anak ni MP. Ang sama ng ugali. Kaya umalis na ako at nagpunta sa cafeteria. Unang pasok pa lang Pahiya na ako. Napaka talaga nila.

End of flashback 

"Ano na? Asan na yung madaldal na Amity Xhan?"

Sasabihin ko ba? Ibang klase kasi kung mag react tong babaeng to.

"Uhm– Yan? May sasabihin ako, but please. Wag mo muna pairalin yung duper irritable reaction mo." Sabi ko sa kanya. Tinignan nya muna ako na may halong pagtataka.

"Ang weird mo ngayon ah, Okay. Promise, ano ba kasi yun?"

Eto na sasabihin ko na, I cross my two fingers first saka nag salita.

"Kasi Yan–"

"Wait!" Pigil nya. Tss. Ano ba yan!

"Bakit?"

Lumapit sya sakin tas bumulong

"See that guy?" Turo nya, kaya tinignan ko kung sino tinutukoy nya.

Princess In Pajamas #Watty's2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon