Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mga mata ko. Minulat ko mga mata ko, and the bright sunlight coming from the rooftop made me squint.
Umaga na pala.
Teka? Bat nasa kama na ako? Kagabi lang nasa sala ako natulog.
You have no idea how fast my heart races when I see you
0________0
Waaaahh!
Ginulo ko ang buhok ko. Nakalimutan ko na e. Bat kailangan ipaalala pa? Huhu
Kaya bumangon na ako saka ginawa ang daily routine ko.
Nagbihis ako saka lumabas na ng kwarto ko. Bumaba ako para magtungo sa kusina.
By the way, baka iniisip nyong malaki ang bahay namin kasi may hagdan. Haha.
Anim na hakbang lang naman ang hagdan na tinutukoy ko. Yaan nyo na, para sosyal. Hoho.
"Oh Nak, gising na ba boypren mo?" Bungad sakin ni Nanay pagkapasok ko sa kusina.
"Di ko boyfriend iyong nilalang na 'yon, Nay." Cold kong sabi. Aga aga yun ang bungad sakin.
"Bat mo dinala dito sa bahay?" Lumapit si Nanay saka bumulong. "May nangyari ba kagabi? Ha?" Tukso nya -__-
Naalala ko tuloy yung kagabi. Parang automatic na namula ang pisngi ko.
"Nay! Nako, tigilan nyo ko ha, saka tatanungin ko nga sana sa inyo kung nadatnan nyo syang umalis e." Pag-iiba ko.
"Bakit? Wala na ba sya sa kwarto mo?" Tanong nya, tumango ako bilang sagot sa tanong nya. Umupo ako sa mesa at kumuha ng tinapay at scramble egg.
"Ganun ba, ay teka nga, sino ba yun? Sure naman ako na hindi siya yung sumundo sayo kagabi, e." Tanong nya.
"Si Ace po. Anak ng may ari ng skwelahang pinapasukan ko ngayon." Diretsong sabi ko sabay kagat ng tinapay.
Nakita ko sa peripheral vision ko na natigilan si Nanay.
"Bakit, Nay?" Tanong ko. Natahimik kasi bigla e.
"Wa-Wala, mayaman pala yung batang 'yon, eh?" Tanong ni Nanay at nagpaka busy sa paghihiwa ng kamatis. Ewan ko, parang kakaiba yung pagkakasabi nya.
Nagkibit balikat na lang ako. Tinignan ko yung wrist watch ko. 6:30 na pala. Tumayo na ako, di ko alam kung dadaan pa ba dito si Yanny.
"Nay, Papasok na po ako." Paalam ko kay Nanay, kiniss ko sya, bago ako umalis kumuha muna ako ng tinapay. Para may aliw ako habang papunta akong school.
"Nak?" Tawag ni Nanay.
"Po?" Sagot ko, di ko na magawang lumingon dahil inaayos ko yung bag ko.
"Mag-ingat ka. Kung pwede nga lang, Mag taxi ka, o di kaya sumakay ka sa mga motor d'yan. Baka kasi mapano ka."
And by that, napalingon ako kay Nanay na seryosong nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Princess In Pajamas #Watty's2016
HumorRomance/Comedy/ teenfiction Si Amity ay isang ulila sa ama, ang nanay maricel na lamang nya ang kanyang kasama sa buhay. Kahit mahirap sinisikap nyang makapag tapos para sa kanyang pinaka mamahal na ina. Minsan iniisip nya, kailan kaya sila yayaman...