Chapter 7: Sylver Mariano

153 23 11
                                    

7th Chapter



-Amity-

Habang nagdi-discuss si Sir Kilu, since sya ang last subject namin. Ma-igi akong nakikinig, baka ako pa puntiryahin nito e. Kahit mabait yan si Sir, kapag nakikita nyang di ka nakikinig sa kanya, asahan mong babagsak ka. Ganun sya ka strict.

Kahit nagdi-discuss si sir Kilu, di naman pumapasok sa utak ko yung mga tinuturo nya. Mas iniisip ko kasi yung sinabi ni Ace, Hays!

Sinilip ko ng palihim si Ace mula sa likod, nasa likod ko kasi sya. Parang wala lang sa kanya na may teacher sa harapan. May nakasalpak sa tenga nya na earphones tapos nakapikit.

(AN/ imaginin nyo na lang na Parang yung nasa multimedia lang po.)

Ang gwapo nya, hudas pag tulog, hudas parin kapag gising. Joke! Syempre ang amo ng mukha nya. Napatingin ako sa lips nya. Jusko! Yang lips na yan, yan mismo dumampi sa labi ko. Uwaah!

Ang kaso di ako ang first kiss nya. Eh may lahing higad to eh. Kahit sino nilalandi. Psh!

Nang bumalik ang tingin ko sa mga mata nya, nagulat ako kasi mulat na mulat na yung mata nya eh. Kaya agad akong umiwas saka humarap sa board. Pucha! Baka ano isipin nya kasi nakita nya akong titig na titig sa kanya. Nakakahiya tuloy.

"I saw it." Bulong nya. Bwesit naman oh! Mas okay pa atang tulog sya eh. Err! Di ko na lang sya pinansin.

Ilang oras pa akong maghihintay bago mag lunch! Gusto ko kausapin si Cave eh.

Mayamaya, Limang minuto na lang.

Si Ace naman di na bumalik matapos mag paalam na magsi-Cr lang daw. Sana na flush na yun ng inidoro.

*Bell rang*


Yes! Haha. Niligpit ko yung gamit ko tapos nagmamadali akong lumabas ng room. Sana nasa caf. na si Cave. Nasan kaya si Ace? Nako! Bahala na nga muna sya.

Nagmamadali naman akong pumasok sa lift. Di sana nila ako pasasabayin kaso pinilit ko talagang pumasok. Psh! Makatingin naman tong iba. Kung mandiri kala mo naman kagandahan eh. Psh! Tapos tong katabi ko pa, nagasgasan lang nang balat ko kung maka pahid na nang alcohol kala mo malinis psh. Mas makinis pa nga balat ko e.

At dahil tumunog na at bumukas ang lift, dahil kanina pa ako naiinis sa katabi kong pandak na kulang na lang pwede nang landingan ng eroplano noo nya. Psh! Gaganti ako.

Ako muna pina-una nilang lumabas, bago ako tuluyang umalis nilingon ko muna yung nakatabi ko. Tinignan naman nya ako nang nakakadiring tingin. Psh!

"Ate? Bago ka mandiri sakin, tignan mo muna sarili mo ha? Mas nakakadiri ka pa sakin eh. And I'd like to inform you para di ka naman kahiya-hiya sa harap ng mga kaibigan mo habang kumakain. May kulangot ka na kanina pa gustong lumabas dyan sa ilong mo." Sabi ko saka tinalukaran sila. Pero natuwa ako dahil may ilan na pinagtawanan yung babae kanina. Eh naiinis ako eh. Minsan pala masarap sa pakiramdam ang mag taray.

Naglakad ako patungong caf.

"Gummy bear!" Alam ko na kung sino yan. Sya lang naman tumatawag sakin nyan eh. Nakita ko syang kinakamayan ako. Kaya agad akong lumapit sa kanya. Tong mga babae naman ang sasama na nang mga tingin. Psh!

"Buti dumating ka, tara kain tayo." Yaya sakin ni Cave. Umupo ako at pinagmasdan ko lang sya. Aminado akong gusto ko sya. Pano ba naman! Ang gwapo eh. Tss. Kaso nga lang ganun sya. Ouch!

"Bakit?" Tanong nya.

Ayaw ko talagang gawin to eh, kaso nagangati na tong dila ko.

"Cave, I think this is the last time na makikipag usap ako sayo."

Princess In Pajamas #Watty's2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon